Avaleigh Reanna Clemente: E? Madali lang naman i-pronounce...


I sent a frowning emoji. Basag ako dun ha. Nalimutan ko ata na matalino nga pala 'yung kausap ko. Hahaha.


Babanat pa sana ako kay Avrey kaso dumating na si Sir Villamor. Baka ako pa mabanatan nito e.


May bago kaming lesson: Basic Business Mathematics. About stocks and bonds. After the discussion, he wrote four problems in the board. "My future entrepreneur... Mr. Espinosa, please answer the second problem here in front." Bakit may atake? Pumunta na ako sa board at nagsimulang mag-solve.


"Ms. Clemente, kindly answer the third problem please." Lumingon ako at nakitang papunta na sa board si Avrey. Nasa ilalim ng no. 2 'yung 3 kaya hindi siya makakasagot agad. I signaled her, "You can go first."


Sinolve ko na lang 'yung problem sa isip ko habang pinapanood si Avrey magsagot. As soon as she finished answering, sinulat ko na lang 'yung final answer. "Sir, will this do?"


"You never fail to impress me, Mr. Espinosa. Gentleman na nga, kayang-kaya pang mag-mental Math. Very impressive. You may take your seat."


"Alam mo, pabibo ka... Jollibee ka?" Narinig ni Sir 'yung sinabi sa'kin ni Isaac kaya tinawag siya sa harap para sagutan 'yung last problem. "Sir, p'wede po bang gumamit ng isang lifeline? P'wede pong mag-call a friend?"


Natawa naman si Sir. "This isn't a game show, Mr. Ramirez." Napakamot na lang ng ulo si Isaac.


Nagtaas ng kamay si Krystal, "Sir, may I answer the last problem in his stead?" May ilang nagpalakpakan at naghiyawan sa sinabi ni Krystal. "Quiet, class. Okay, Ms. Briones, go ahead."


"Bro, I think I'm in love!" May pa-hampas pa 'tong si Isaac. Akala mo naman talaga. "Pangatlong beses mo na 'yang sinabi sa'kin this week. At Tuesday pa lang ngayon."


Natapos na 'yung classes namin for the day. Nag-aayos na ng gamit si Avrey.


Aayain ko ba siya ulit? Baka naiirita na pala siya sa'kin. Hindi naman siguro, no?


Chad Sebastian Espinosa: Starbucks ulit tayo?

Chad Sebastian Espinosa: Uh, for our peta, I mean...


Avaleigh Reanna Clemente: Sure. Una ka na lang sa Starbucks.


Hindi naman siya si Elsa pero in fairness, ang cold ha.


Lumabas na siya ng room. Bakit niya ako pinauna? May pupuntahan ba muna siya? Saan naman kaya? Hay. This girl makes me curious about every little thing.


"Bro, gusto mo pumunta sa bahay? Marvel marathon tayo, g?" Gusto ko sana. Miss ko na rin luto ni tita e. "Sorry bro, may appointment na ako e. Bukas na lang?" Tumango na lang siya. We did our handshake then nauna na siyang umalis.

Mixtapes and Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon