Malandi.

"Oo eh. Ayaw nga ni Dad pero time na din para matuto ako preparation na din sa pag-aasawa, malay mo." she said sending Heze a malicious look.

Heze agreed with her.

I sigh and look away. Agad kong namataan ang ang kotse ni Hezekiah sa hindi kalayuan. Kailangan ko nang umalis dito dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at pagbuhulin nalang sila.

"By the way..."

Isang hakbang palang ang nagagawa ko noong hilahin ni Heze ang aking braso at inilapit sa kanya.

"This is Santh." pakilala ng gago saakin. "Santh, si Ara. Anak ng isa sa business partners namin at kaibigan na din."

Lumiit ang ngiti sa mukha ng babae noong dumapo ang kanyang tingin saakin. Peke akong ngumiti.

Bumalik ang ngiti niya agad ngunit ramdam ko ang pagkapilit noon.

"Hi! I'm Arabella Gonzales."

Inabot ko ang nakalahad niyang palad, baka mapahiya, kawawa naman.

"Santh Lofranco."

Tumango siya, pinapanatili pa din ang pekeng ngiti. "Oh, friend? Perhaps, business partner too?"

Gusto kong tumawa ngunit hindi ko magawa dahil may respeto naman ako. Halatang halatang dinedeny niya sa kanyang sarili na maaring may relasyon kaming dalawa. Really? Business partners?

Do I look like a business partner with my hoodie, ripped jeans, and sneakers? Wala kasing uniform sa SAU. The students are free to express their taste and fashion. Though, madalas akong nakahoodie or sweater dahil malamig sa mga rooms. I'm just wearing a spaghetti strap top inside.

"Where do you work? Bat hindi kita nakikita sa company nila Heze?"

Napangiwi ako dahil mukhang pinanindigan niya ang pagiging business partner ko.

"We're friends..." sagot ko. "And I'm still a student."

Umawang ang kanyang labi dahil sa narinig. Mukhang hindi niya iyon inaasahan. What? Mukha ba akong masyadong matanda para hindi mapagkamalang estudyante? Hello! Limang taong kaya course ko!

"Oh, I didn't expect you have younger..." she look at me. "...friends."

Heze laugh and shook his head.

"No, she just at our age. She's graduating next year."

Agad iyong naintindihan ng babae. I excused myself to them when they continued talking. Umirap ako habang naglalakad papalapit sa kotse ni Heze.

Sumandal ako doon habang naghihintay. I busied myself replying to all birthday greetings and wishes in my accounts.

Napatigil lang ako noong mapansin ko ang presensya ni Heze sa unahan ko.

"Pwede pa naman akong maghintay hanggang gabi." sarkastiko kong saad.

He sighed and shook his head.

"It's nothing."

Umalis ako sa pagkakasandal at umikot para tumapat sa passenger seat.

"I'm not asking."

He pressed the key fob and I immediately entered.

Tahimik lang akong nakahawak sa plushy ko habang nakatingin sa bintana. Heze also didn't tried to talk to me.

Eto nanaman kami sa katahimikan. Nakakabaliw.

Noong makarating kami sa condo ay magkasunod lang kaming naglalakad. He was carrying the cake Rash bought for me. Binuksan ko ang aking unit at hinawakan ang pinto.

Every Step AwayWhere stories live. Discover now