Sa Ngiti Mong Nakakatakot

239 5 4
                                    

A/N: HI GUYS!

Ito ang una kong try sa pagsulat ng isang tagalog slash ingles na story dito sa wattpad kaya support nyo na lang ako! Typical highschool story na lang to at tingnan na lang natin kung matatapos ko 'to. 

Anyway, let's move on to the kuwento na lang!

ENJOY

CHAPTER ONE: 

"Look, there she is! Huwag mo siyang tignan, bobo! She'll kill you just for looking at her!"

Ano nanaman ba? Kaylan pa ba nagsimula ang tsismis na yan? Paano naman nila naisip na makapapatay ako nang tao?

"Ai, bwiset! Tiningnan niya yata tayo! Huwag kang lumingon, gaga."

Mga tanga. Mukha ba akong mamamatay tao? Kahit langaw nga hindi ko masaktan(tinutugis ko na lang at ginagamitan ng baygon). 

"She's walking this way-- ayy! Bilisan mo! Let's get out of here!"

Tumakbo ang dalawang estudyante papalayo sakin pagkatapos nilang isira ang mga lockers nila na parang may mga multo na sumusunod sa kanila.

My heart faltered. Ang sakit 'non. Kinagat ko na lang yung labi ko and dahan-dahang binuksan ang sira-sira kong locker, at muntik ko na makalimutan yung combination.  

Bumukas naman ito sunod ng isang maingay na langitngit,  at napalayo yung tingin ko sa locker nang may umubo sa likuran ko. Nung tiningnan ko, may isang dalaga; freshman pa lang siguro since hindi ko siya makilala-- na papalabas pa lang sa Nurse's Office.

Hindi niya pa ako napansin dahil abala pa siyang nagte-text sa cellphone nya. Nung tumingin nga siya, binigyan ko siya nang isang maliit na ngiti, pero umirit siya at nag-sorry ng paulit-ulit. Sobrang awkward na ng sitwasyon at tumakbo na lang sya papunta sa hagdanan.

Ang pagtakbo sa hallways ay labag sa batas ng paaralan. Lumayolayo ako sa locker at tinangka kong ipahina at ipatamis yung boses ko para hindi siya matakot, of course, walang halaga kung matatakot lang siya kaya pina-soft at gentle ko na rin, "Please don't run in the hallways." 

Sumadsad siya papahinto at lumakad na lang siya, ang kanyang tindig naninigas na parang handa siyang tumakbo ulit na parang takot na aso. I hummed in approvement, tama lang 'yon. Baka kasi madulas siya at dapat bumalik pa siya sa Nurse's Office.

Pero, bago pa siya makalayo sa akin, ginawa niya ang hindi ko inaasahan --uminog siya at nagsimulang umiyak! "I-I'm--I'm sorry for disobeying the rules, Miss- Miss Demon! Please po, wag niyo akong ipakulam!" Iyak niya, at na-notice ko yung panic kaagad. Shaking, she ran for the stairs again. 

This time, hindi ko na siya pinigilan. 

I was stunned. Then the astonishment turned to anger. Galit, itinapon ko yung lahat ng libro ko sa loob ng locker. Another day at school. The usual torture of rejection and anti-sociality.

Ako si Desdemon. 17 years old. School social outcast. Apparently, isa akong mangkukulam na nakatira sa labas ng syodad at sa lahat ng oras na wala akong ginagawa kinukulam ko mga kaaway ko at gumagawa ng voodoo. 

I am not a witch, nor do I do all those dark things. Kung mangkukulam nga ako, then ako yung pinaka-walang kuwentang mangkukulam dahil hindi ko nga makulam yung mga kaaway ko, hindi ko pa matago na mangkukulam ako. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 08, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sa Ngiti Mong NakakatakotWhere stories live. Discover now