Chapter 4

35 3 0
                                        

"Ilang taon na siya?"

"15"

"Hmm mas matanda pa pala siya kesa sayo. Isang taon ba agwat?"

"Hindi naman masyado, limang buwan lang agwat namin. Pebrero sya tapos sa Hulyo ako."

"Anong baitang niya?"

"Magiging 3rd year highschool na siya sa darating na pasukan"

"Magkapareha lang pala kayo. Eh san siya mag aaral?"

"Dun daw sa pribadong paaralan, yung malapit dun sa parke. Yung ano, yung malapit sa pinagtatrabahuan ni papa noon".

Kanina pa ako tinatanong ni kuya. Lahat ay tungkol kay Mara. Sinabi ko kasi sa kaniya yung nangyari kahapon at kung paano niya ako tinuruang mag sayaw.

Pagkatapos niya akong turuan, pinasyal niya ako sa bahay nila na hindi ko pa napuntahan. Doon ko nalaman yung edad niya, baitang at iba pa. Sinabi din niya sa akin na igugulgol niya ang natitirang araw ng bakasyon sa lolo at lola niya.

Hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabi kasi iniisip ko parin yung nangyari. Kinikilig ba ako? Kinikilig ba ang mga lalaki?

"Oh bat panay ngiti mo? Nako Manolo malala ka na!" ningitian niya ako na parang meron siyang pnapahiwatig. Ako pa yung tinatawag niyang malala?

Nalukot ang aking mukha nung napansin ko din ang pag ngiti ko. "Bawal nabang ngumiti ngayon? Eh sa gusto ko lang ngumiti eh" agad na depensa ko. Eh sa trip ko lang ngumiti? Anong problema dun?

"Asus palusot pa! Kilala kita kasi kapatid kita. Hindi mo ako maloloko. Crush mo siya no?" tuksong sabi niya. Anak ng! Ano bang ipinaglalaban ng lalaking ito?

Crush

Crush

Crush

"A-ano bang pinagsasabi mong crush crush diyan! H-hindi ko siya c-crush noh!" binato ko siya ng unan pero mabilis naman siyang nakailag. Nakakainis! Nako pasalamat siya dahil kapatid ko siya kung hindi baka nasakal ko na.

Bakit? Totoo naman ah! Hindi ko naman siya crush. Gusto ko lang siyang makilala at kaibiganin.

"Talaga ba? Sige sabi mo eh" halatang halata sa boses niya na hindi niya ako titigilan. Pinagbigyan lang ako ngayon ng lalaking to!

Naramdaman ko ang pag init ng aking mukha. Crush ko ba siya? Ayaw ko naman pangunahan ang aking nararamdam pero bumibilis talaga ang tibok ng aking puso kapag kaharap si Mara.

Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip, nakarinig ako ng ingay mula sa kusina. "Marco!" si mama lang pala. Halatang papalapit na siya sa amin at hinahanap niya si kuya.

"Marco, bumili ka nga ng suka doon kila Aling Nena", utos ni nanay habang nameywang. May dala dala siyang sandok at may tuwalya sa kaniyang balikat. "Oh, eto. Ibalik mo yung sukli ha." inabot niya ang pera kay kuya at tumingin sa akin.

"At ikaw naman Manolo, kunin mo na yung mga sinampay ko, uulan na oh" tumingin si mama sa bintana at tinuro ang kalangitan gamit ang kaniyang mahiwagang sandok.

Agad naman akong lumabas para kunin ang mga sampayan. Nangingitim na nga ang kalangitan at lumalakas na ang hangin. May bagyo ba ngayon?

"Manolo yung kumot!"

Hinanap ko kung sino yung tumawag sa akin. Nakita kong si Mara yun na nasa bintana ng kwarto niya. Ngumiti ako sa kaniya at kumaway. Ngunit imbes na batiin din niya ako ay nakita ko siyang may tinuro. Lilingon na sana ako nung may nagsalita sa likuran ko.

"Manolo yung kumot tinangay ng hangin!" pasigaw na sabi ni mama habang hinabol ang kumot na lumusot sa aming gate na gawa sa metal na grills. Buti nalang at naabutan ni mama yung kumot bago pa ito matangay papunta sa gitna ng daan.

Nakita ko ang nakakapatay na titig ni mama. Lagot ako nito.

Kumaripas ako ng takbo papuntang bahay at nilagay ang mga tuyong damit. Babalik pa sana ako para kunin yung iba nung nakita ko si mamang pumasok na bitbit ang ibang damit sa kaliwang kamay at ang maduming kumot naman ay sa kanan niya at siya nakatingin ng masama sa akin.

Lintek na!

"Ikaw talagang bata ka! Alam mo ba gano ka bigat at kahirap maglaba ng kumot? Tapos nadumihan ulit!" Gigil na gigil si mama at kukurutin na sana niya ako nung nakabalik na si kuya. Nabaling ang aming atensyon sa kaniya, tulala lang kasi ito pero nakangisi siya na parang may iniisip.

"Oh, saan na yung sukang pinabibili ko?" dahil sa tanong ni mama ay parang nagbalik ang kaniyang diwa.

"Ma, nabasag" takot niyang sabi at yumuko. Lumapit naman si mama sa kaniya at kinurot sa tenga. "Ikaw talaga! Ba't mo binasag ha? At saka saan na yung sukli ko?" binitawan niya si kuya at inilahad ang kaniyang kamay.

Napako si kuya sa kaniyang kinatatayuan habang kinakapa-kapa ang kaniyang bulsa. Namilog ang kaniyang mata at hindi maipinta ang kaniyang mukha.

"Ma, naiwa-" kinurot ulit ni mama si kuya. "Sino nalang ba ang aasahan ko dito sa bahay?! Ang simple simple ng inutos ko pero hindi niyo parin magawa!"

Hindi ko alam kung matatawa ako o maawa kay kuya. Sa kaniya nabuhos lahat ng galit ni mama.

"Ewan ko sainyong dalawa! Ang tanda-tanda niyo na pero hindi ko kayo maasahan! Pasalamat kayo wala yung tatay niyo dito baka hindi lang kurot makuha niyo!" binitawan na niya si kuya at agad na pumunta sa kusina.

"Salamat ah" natatawang sabi ko. "Kung hindi dahil sayo nakurot nadin sana ako ni mama. Buti nalang natiyempohan mo at talagang mas malala yung sa iyo"

Sinamaan niya ako ng tingin at pinag krus ang braso. "Ano bang nagawa mo para kurutin ka ni mama?"

"Hindi ko napansin na tinangay na pala ng hangin yung kumot tapos na padpad pa malapit sa daan buti nlng nahabol ni mama. Ayun napagalitan ako at kukurutin na sana- Aray!" kinurot ako ni kuya sa gilid ng tiyan.

"Oh ayan! Patas na tayo" binitawan na din niya ako at naglakad papuntang kwarto. "Magbibihis muna ako" dagdag pa niya.

Buti nalang talaga at naawa ako sa kaniya kanina kung hindi, baka sinakal ko na.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang malakas na pagbagsak ng ulan. Maliligo ako!

Lumabas ako ng bahay at naligo sa ulan. Napaka ginaw!

Sa hindi malamang kadahilan, bumagsak ang aking tingin sa bahay nila Mara. At andon si Mara nakatingin sa akin mula sa bintana. Kumaway ako at kumaway din siya. Sinenyasan ko siyang lumabas at natawa naman siyang tumango. Kaya kumaripas ako ng takbo papunta sa harap ng kanilang gate at hinintay siya doon.

Hindi kalaunan at bumukas iyon at nakita ko si Mara na sumisilong sa kaniyang payong. "Pasok ka" ngiting sabi niya at tumango ako bilang pag sang-ayon.

Naglalakad kami papuntang hardin nila. Kahit na alam niyang basang-basa na ako dahil sa ulan, pinayungan niya parin ako. Ang lapit ng katawan namin! Konting pulgada nalang ay magtatama na yung braso namin.

"May sasabihin ako." Panimulang sabi niya.

"A-ano yun?" ba't ba ako nauutal? Dahil malapit siya o dahil ang maginaw na?

Tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil din ako. Humarap siya sa gawi ko tapos yumuko. "Pupunta na ako bukas sa lolo at lola ko."

Bakas sa kaniyang mukha ang lungkot at hindi ko alam kung ano ang gawin.

Kung saan nagiging malapit na kami dun pa talaga siya aalis.

.
.

JEDDAH

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 26, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Ating Huling El Bimbo (OPM SERIES: EHEADS #1)Where stories live. Discover now