Chapter 34: Secured

Comincia dall'inizio
                                    

"At kahit ilang pagsubok man ang darating, ilalayo man nila tayo. Magkikita at magkikita pa rin tayo." Sabay naming wika dalawa.

Nagkatitigan kami ng ilang segundo bago napangiti sa isa't-isa.

"Ito ang tatandaan mo, Sirene. Ilang pagsubok man ang darating, ilayo ka man nila sa akin. Hahanapin at hahanapin pa rin kita. At kahit ilayo ka man sa akin ng tadhana ng ilang dekada, hihintayin pa rin kita." aniya.

Hindi ako makapagsalita ng maayos sa kanyang sinabi. In that moment, I was stuck and speechless. Wala akong mahanap na tamang salita para isagot sa kanyang sinabi. Wala akong ginawa kung hindi dinamba lamang siya ng mahigpit na yakap.

Pagkatapos no'n ay masaya kaming tumungo sa baba. Nakita naming wala na sila Gail at Clark. Sabi ni Rain ay naghahanda na rin daw sila dahil sasama sila sa amin sa akademya. Magiging kaklase namin si Clark. Ngayon ko lang rin nalaman na magkaedad lamang pala kami. Habang si Gail naman ay Grade 11. She's seventeen.

Kumain lang kami ng agahan at agad na nagbihis. Ibinigay sa akin ni Rain ang uniporme na susuotin ko. Maganda ang quality ng blouse at knee length din ang palda. Kulay maroon ito. Pumuri sa buong istilo ng akademya.

Natapos kaming lahat kaya heto na kami kasama na si Gail at Clark. Katabi ko si Troy at sa unahan naman namin ay si Rain na papasok sa loob ng akademya.

Kinakabahan ako. Ito ang unang araw na papasok ako rito. Ang sabi ni Troy ay matagal ng bumalik sa ayos ang buong lugar. Huminto kasi sa pag-aaral ang mga estudyante noong sumulong ang valencia sa alegria upang makipagdigmaan.

Rinig na rinig ko na ngayon ang bulong-bulongan ng mga estudyanteng malayo pa sa amin. Naninibago pa rin ako sa kakayahan na mayroon ako ngayon. Mas lalong pumuti rin ang kulay ng aking balat at mas lalong tumingkad ang kulay pulang buhok ko. Hindi pa ako ganoon ka sanay kaya minsan gumagalaw pa rin ako na parang normal na tao.

Sabi sa akin ni Troy na maagang pumasok si Miggy kanina kaya hindi na namin siya nakita. Simula rin daw sa araw na ito ay sa palasyo na kami uuwi. Wika ni tita Emma at Haring Ignacio, mas ligtas daw sa amin kung sa palasyo na kami mamalagi. Nasasayangan nga ako sa bahay nila eh kaya lang desisyon nila ito kaya wala akong magagawa.

Nakarating kami sa gitna ng akademya at nakikita ko na ang iba't-ibang titig na ipinupukol sa amin ng mga estudyante.

"N-Nakakahiya." Mahinang wika ni Gail sa gilid ko.

Magsasalita na sana ako sa kaniya ngunit naunahan ako ni Rain na siyang dahilan upang magtaka ako.

"Huwag kang mahiya. Masasanay ka rin. Bago kasi kayo rito kaya ganiyan sila." aniya.

Nakita ko ang pagtitigan nilang dalawa ng ilang segundo. Kinilabutan naman ako doon bigla. Ganiyan rin baa ng mararamdaman ng iba 'pag tinitingnan nila kaming dalawa ni Troy na magkatitig?

Tiningnan ko si Troy at napapitlag ng makitang seryoso itong nakatingin sa akin.

"Ah Troy! Okay ka lang ba?" agad akong napatanong.

Huminahon naman ang ekspresyon niya at tumango.

"Akala ko'y nagseselos ka." wika ni Troy sa aking isipan.

"H-Ha?" takang tanong ko rin sa aking isipan, ngunit 'di niya ako sinagot at binigyan lamang ng tingin si Gail at Rain ng pabalik balik.

Do'n ko napagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Hindi! Hindi ako nagseselos ano ka ba? Atsaka kapatid mo 'yan Troy." Pagtanggi ko sa kanyang sinabi.

"Kakambal ko." wika niya.

The Vampire King's Beloved Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora