Chapter 1

6 0 0
                                    


" Hello lucy nasan ka na ba? Kanina pa ko naghihintay dito mag iisang oras na ah!"

" Oo malapit na ko wait ka lang dyan malapit na talaga promise "

" Sige sige bilisan mo iiwanan na Kita"

"Oo na cge byee see yaahhh!!"

Pinatay ko na ang cellphone ko at ibinalik sa bag

Napaka bagal talaga kumilos ng babaeng yun kahit kailan, mag 8am na mamaya mainit nanaman dahil sa araw

Nandito ako sa isang convenient store malapit sa bababaan nyang tricycle. kanina pa ko naghihintay sakanya pero hanggang ngayon wala parin sya

Biro lang naman yung sinabi ko sakanya na iiwanan ko sya actually hindi ko naman talaga alam kung anong lugar ang pupuntahan Namin. mag hahanap kasi kami ng school na papasukan Namin ngayong college. Kakagraduate lang din kasi namin ng high school last month.

" DEEEEBBBBYYYYY!!! "

What the heck!! Palengkera talaga tumatakbo syang papalapit sakin.
Paglapit nya binatukan ko kaagad

"ARAYY!! ANO BA??" Hinimas nya ang ulo nya kung saan ko binatukan

" Anong 'ano ba' ka dyaan? 7am usapan natin Diba? Tignan mo anong oras na 8:05 a.m. na " sabi ko sakanya

"Sorry na late kasi ako nakatulog kakanuod ng kpop eh. tara na nga!"

Pagkasabi nya nun naglakad na kami papunta sa sakayan ng jeep.

Sya nga pala si Lucy Kai De Castro ang best friend ko since elementary.

Pagkasakay namin sa jeep nagbayad kami agad.

" San ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya at naglabas sya ng listahan ng mga pupuntahan Namin

" Ang una nating pupuntahan ay eto " turo nya sa number 1.

" St. Martin college university. Public school sya kaya for sure mura lang tuition fee dito "

" Alam mo ba papunta Dyan?" Tanong ko kasi di ako sure na alam nya talaga yun exactly

" Hindi masyado, lagi naman natin kasama si Magta(magtanong) hahahaha" sabi na eh tama ang hinala ko

Pagbaba namin ng jeep sumakay ulit kami at sya naman ay tinanong sa driver kung alam yung school na yun . Alam naman daw at ibababa nalang nya kami dun hays salamat Naman

Malayo layo din ang school na yun ah. At dahil malakas ang hangin sa jeep nakatulog agad ako

" Deb! Nandito na tayo " ginising ako ni lucy at bumaba na Kami

Tumingin naman ako sa paligid pero wala naman ako nakitang school kahit saan

" Pumasok kayo sa kanto na Yan. Pwede nyong lakarin kung gusto nyo pero pwede ring sumakay kayo ng tricycle marami dyan sa gilid"
Sabi ni mamang driver

Ah ganun naman pala. Nagpasalamat kami kay kuya driver at umalis na sya

Pinag isipan pa namin kung sasakay kami or maglalakad dahil mga 10 minutes daw pag nilakad Namin kaso ang mahal kapag sumakay Ng tricycle

At dahil sadyang kuripot ako
" maglakad nalang Tayo"

Nag start na kami maglakad. Magkabilang gilid puro mga puno lang nakikita namin may nakalagay pang names bawat puno yun ata ang pangalan ng punong yun.

After 10mins na paglalakad nakita na namin yung school isang building lang sya hindi namin alam kung didiretso ba kami sa loob o ano pero buti nalang may lumapit samin na isang guard galing sa guard house ng school cguro Yun.

"Mga ma'am ano pong maitutulong ko sainyo?"

" Ah kuya mag iinquire po sana Kami for this coming school year "

" ah ganun po ba, eh ang pagkakaalam ko po last week po sila nag  pa-exam hindi ko lang po alam kung may kasunod pa yun."

" Ganun po ba sige thank you po Kuya" Sabi KO

" Tignan nyo nalang din po online nag uupdate din kasi sila doon " pahabol pa ni manong guard

" Okay po kuya thank you po ulit "

Pag tapos nun nag lakad na ulit kami pabalik

"Ano ba naman yan sayang!!" Maktol ni Lucy

"Wala na eh finish na, dun naman tayo sa susunod anong school ba Yun?" Tanong ko sa kanya

Binigay nya sakin yung listahan nya

"Number 2. Jesus Christ college of science and technology "
binasa ko yung number 2. Wow ang haba ng name ah

Sumakay ulit kami ng jeep pabalik at nagbayad. Nakatingin lang ako sa labas habang naandar yung jeep sa dulo kasi kami nakaupo ni Lucy magkatapat kami

mga 5mins nang umaandar yung jeep may nakita akong malaking tarpaulin na may nakasulat na Jesus Christ college of science and technology tinitigan ko lang yun at saka lang nag sink in sa utak ko na yun ang susunod na school na pupuntahan namin pero sobrang layo na namin dun nung sinabi ko Kay Lucy

"Bakit di mo sinabi agad? Edi sana bumaba na tayo" sabi nya

"Wala na malayo na nung nakita ko eh"

Bumaba nalang kami sa isang mall doon at kumain. after namin kumain nagtanong tanong kami sa mga tao dun sa labas kung alam nila yung school na Yun.

May lumapit saaming driver alam nya daw Yun, kaya sakay na daw kami sa taxi nya. Tinanong namin kung magkano pero
Whatthehecckkk!! Ang mahal ng singil nya bwiset ! Alam siguro nilang hindi kami taga rito

Kaya umalis nalang kami dun at nagtanong nalang sa mga pasaherong naghihintay ng jeep. Thank youu lorrddd dahil may na tanungan kaming dun din bababa sa lugar na yun pero hindi daw sya sa school na yun papunta . Kaya agad kaming sumakay dun sa jeep na sinakyan nya.

Makalipag ng 15minutes nagpara na yung ale kaya bumaba narin kami. Nagpasalamat naman kami sa kanya bago sya umalis.

Timingin na kami sa school wowww ang lakiii may hagdanan pa na pababa mula dito sa binabaan namin papunta dun sa building kaya lumakad na kami pababa at nagtanong sa guard na nasa gate.

"Pasok po kayo, dun nalang po kayo magtanong sa loob"

Pag pasok namin sa malaking pintuan ng school , entrance ata Yun bumungad sa amin ang maraming tao na nakakalat sa loob. Ang laki ng school na to.

Lumapit ako sa babae na nag papapila sa mga tao

" Miss mag iinquire po sana Kami"

" Ah ganun po ba wait lang po ah " umalis sya saglit may kukunin lang daw

Pagbalik nya may hawak na syang maraming papel at nagbigay sakin ng isa

" Nakalista dito yung mga requirements na kailangan " sabi nya

" Miss isa pa po dalawa po kasi kami " sabay turo ko kay Lucy na katabi ko . Nagbigay naman ulit sya

Uuwi na kami babalik nalang ulit bukas dala yung mga requirements. yun ang sabi samin ng babae kanina eh . Kasi mag cu-cut off na Rin saw sila mag 5p.m. na din kasi.

Tinignan ko naman Yung mga nakasulat sa papel.
madali lang naman pala at unti lang Naman ang mga kailangan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CONVERTSATIONWhere stories live. Discover now