Napangiti si Red. “Ang yabang nito. Pero totoo naman. Basta, huwag mo na ulitin iyon, ha?”

“Ang ano?”

“Iyong ibuwis ang buhay mo para lang sa akin.”

“Hindi ka lang 'lang' para sa akin dahil espesyal ka,” nakangiting sabi ni Blue. Nilingon niya naman si Katleya na masayang tinitingnan silang dalawa ng kanyang kapatid. Inirapan niya ito. “Iniyakan mo ako, noh?”

“Sino ka? Si Red?” pang-aasar ni Katleya.

“Panget ka nga! Tsk!” anito sabay tapon ng unan dito.

“Ouch. Pikon nito,” sagot ni Katleya. Umupo ito malapit kay Blue. “Oo, pinaiyak mo ako dahil sobrang nag-aalala ako sa iyo.”

Nanlaki naman ang mga mata ni Blue nang tinitigan ang dalaga. Napatingin din siya sa kapatid niya. Napangiti ito at binigyan nang nakalolokong ngiti si Katleya.

“Ano?” takang tanong ng dalaga. Hindi niya alam kung bakit nginitian siya nito na parang may ginawa siyang kakaiba.

“Lumapit ka pa,” tugon ni Blue. Inilapit ni Katleya ang sarili niya. “Ibubulong ko lang.” Mas inilapit ni Katleya ang sarili niya. Inilapit din ni Blue ang bibig niya sa tenga ng dalaga. “Tingnan mo ang blouse mo. Pati na rin ang polo ni Pula.”

Tiningnan ni Katleya ang blouse niya at nanlaki ang mga mata niya nang makitang hindi tama ang puwesto ng botones niya. Tiningnan niya rin ang polo ni Red, katulad ng sa kanya, mali rin ito.

“Kayo, ha?” pang-aasar ni Blue. Sinundot pa niya sa tagiliran ang dalaga.

Hinampas ito ni Katleya bago pumasok sa banyo ng kuwarto. Inayos niya muna ito. Namumula ang mukha niya dahil sa hiya. Dahil baka ano pa ang isipin ni Blue sa kanila. Pero wala naman talagang nangyari sa kanila ni Red, muntikan lang.

Nang matapos na siya, pinuntahan niya si Red at palihim na sinabing mali rin ang ayos ng botones nito. Sa pagmamadali nila, hindi nila napansin ang suot nila.

Inayos na rin ni Red ang polo niya. “Thanks, Kat.”

Habang nagkukuwentuhan ang lahat. Napalingon sila nang bumukas ang pinto ng hospital. Iniluwa roon si Teressa at ang mga magulang ng dalaga.

“Hello po!” nakangising bati ni Blue.

Nanlaki ang mga mata ni Teressa nang makitang gising na ang dating kasintahan. Noong comatose pa ito, araw-araw niya itong binibisita, kaya labis ang saya niya nang makitang nagising na ito.

Napatakbo ito at niyakap ang binata. Umiiyak ito dahilan para mapatawa si Blue.

“Mahal mo pa ako, ’no?” pang-aasar ni Blue.

Bumuwag sa pagyakap si Teressa. “Feeling nito. Pero salamat sa Diyos dahil nagising ka na.”

“Salamat, ha? Sinabi sa 'kin nila Mom, araw-araw mo raw ako binibisita rito,” masayang sabi ni Blue. Tiningnan niya ang mga magulang ng dalaga. “Salamat po sa inyo.”

“Welcome, iho. Mag-ingat sa susunod,” bilin ni Karidad.

“Okay po. Salamat, Tita.”

“Blue,” sambit ni Teressa.

“Bakit? Makikipagbalikan ka?” natatawang tanong ni Blue dahilan para makurot ito ni Teressa sa tenga.

“A-aray ko. Mamamatay ako! Tss!”

“Baliw. Magpapaalam na sana kami. Babalik na kami sa States,” sabi ni Teressa.

“Ang bilis naman. Hays! Sige, paalam. Mag-ingat po kayo.” Tiningnan muli ni Blue ang mga magulang ng dalaga. “Mag-ingat po kayo, Tita at Tito. Bibisitan ko lang kayo roon sa susunod.” Hinawakan niya ang tiyan ni Teressa. “Goodbye, baby. Gusto ko malaman mo na may video kami ng mommy mo.” Tumawa ito. “Half joke. Pero baby, magpakalusog ikaw, ah? ’Wag ikaw maging makulit na bata, okay? I love you,” pagkausap nito sa tiyan ni Teressa, nag-babytalk pa ito.

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now