Chapter 19

2.6K 107 18
                                    

NAPASUBSOB ako sa mesa nang malasahan ang broth na halos magdamag kong pinakuluan. "Ugh, why can't I get it right?"

Pangatlong beses ko na itong trial na gumawa ng tonkotsu ramen pero palaging parang may kulang sa soup, its either too milky or watery o kaya naman the color isn't right. I even contacted yung chef na nakasama ko sa culinary school na may lahing hapon, baka lang may maitulong siya.

"Sammy Finnegan! Bakit kasi eto pa paborito mo? Pwede namang adobo na lang."

As if on cue ay tumunog ang phone ko and just by the ring tone ay alam ko na agad kung sino ang tumatawag.

"Hi Tangi, I'm almost there."

"W-what? Bakit ang aga mo naman."

"What do you mean maaga? Malapit na kayo magsara."

"Oh. Sorry, hindi ko napansin yung oras."

"Okay,  get ready. Parking na ako."

"What? Wait don't come in sa kitchen.

"Bakit?"

"Basta don't come in. Bawal."

Binaba ko na ang  tawag at mabilisan na nag-ayos ng  kitchen, tinapon ko yung broth na hindi ko nagustuhan. Uulitin ko na naman at bukas yung noodles naman ang susubukan ko na gawin.

Narinig ko na ang boses ni Sam sa labas kausap si Mina. Mabilisan ko na inilagay sa dishwasher ang mga ginamit ko.

Paglabas ko ng kitchen ay nakasimangot na si Sam ang naabutan ko. May naka-serve na chocolate cake sa harap niya, pampalubag loob siguro.

"Tangii.." Umupo ako sa harap niya. Nagkiss ako sa pisngi niya.

"Ayaw nila ako papasukin sa kitchen." Hindi nawawala ang simangot niya habang kumakain ng cake.

"Ah, I was trying new recipe kasi ayoko maistorbo kaya binilin ko na walang pwede pumasok ng kitchen."

"Ako lang naman 'to. Bawal din? Dati naman pwede ako maglabas masok ng kitchen, palagi din kita pinapanood magbake, ngayon hindi na pwede?"

"Sorry na. Gusto ko lang talaga mag-focus sa recipe ko, baka kasi masungitan lang kita."

"Ilang araw na akong  bawal pumasok ng kitchen at lagi  ka rin late na natatapos."

"Sorry. I'll make bawi, okay?" Kinuha ko sa kanya ang fork at sinubuan siya ng chocolate  cake. Itsura talaga siya na nagtatampo.

Paano gagawin ko eh hindi ko pa nga tapos, syempre gusto ko naman na perfect yung lasa ng paborito niyang pagkain tsaka may plano din naman ako, ano yun siya lang ma-effort? Gusto ko siya i-surprise ng dinner date, parang ganun sa ginawa namin na pinagluto ko siya sa unit ko dati pero sa mas intimate at romantic na way hindi yung sa apartment ko lang. I wanted to make everything perfect.



PANGLIMANG subok ko, this time I made the ramen noodles. Medyo okay na ako sa broth but the noodles, according sa kaibigan ko na chef, it should be hard in the center but soft outside pero bakit sakin hard lang?

Padabog kong itinapon ang noodles sa basurahan. Tinapunan ko ng masamang tingin ang pork bone broth na kasalukuyang pinapakuluan ko pa rin. "Siguruhin mong maayos na lasa mo. Isang buong araw ka ng kumukulo."

This time I tried to remake the chasu pork. "Marinade. Sealed bag. Sous-vide."

I repeated like a mantra.

"Cooking is all about right temperature and right timing." Yun ang turo sa amin sa culinary. Kung mamadaliin mo raw ang isang putahe hindi mo makukuha ang lasang gusto mo. Kaya naman when my chef friend said to put the marinated pork in a sealed bag in sous-vide sa temperature na 170F sa loob ng 6-8 hours, napamura ako.

Until YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon