Chapter 4

4.1K 151 32
                                    

339am. :/

——

THIS is awkward, I can feel his eyes on me na pilit ko iniiwasan kaya naman nagpakabusy na lang ako sa pag supervise pati pagrereplenish ng desserts ay ginawa ko na kahit na pwede naman mga tao namin ang gumawa. Good thing rin na mukhang busy nga si Sam sa pagkausap sa mga importanteng tao sa event. I even noticed na everytime susubukan niya umalis ng table ay hinihila siya ni Isabel pabalik.

Nang mukhang going smoothly naman ang event ay siniguro ko muna na okay mga staff na kasama ko bago ako lumapit kay Elba.

"Elba, I'm gonna head out first sabihan ko na lang si Mina na pumalit siya sa akin mag-supervise dito."

"Okay lang po kami dito Ma'am, malapit na rin naman matapos tsaka kanina ko pa po napansin na parang anxious kayo? Okay lang po ba kayo?"

"I don't feel well, mukhang late ang jetlag ko." Pag dahilan ko na lang. "It happened to me before na after a few days tsaka ako nakaramdam ng adjustment."

"Sige Ma'am ako na po bahala dito pahinga na lang kayo."

"Thank you, Elba. Tawagan ko na lang si Mina just in case."

I took my phone out as I stealthily made my way out nang walang nakakapansin.

"Hello, Mina?"

"Yes, may problema ba?" Tanong ng kaibigan ko sa kabilang linya.

"No, ano lang I have to leave first sinabi naman ni Elba na siya na bahala and the event is about to finish na rin."

"Sure no problem but are you okay? Bakit ka kailangan umalis?"

"Ano lang, I don't feel well, headache." I bit my tongue. 'Sorry, Mina.'

"Pahinga ka na lang."

"Thank you. I'll take some meds and then balik ako dyan sa shop mamaya."

"Sure."

"Thank you, Mina."

Pinatay ko na ang tawag once I reached my car. Binuksan ko na ang pinto para makasakay when a pair of hands slam it down close conveniently trapping me between my car and the body behind me. I turn around to face the person.

"Sam." Why am I not even surprise it was him.

"Tatakasan mo ulit ako?"

"Hindi ako tumatakas."

Tumaas ang kilay niya sa akin. "Hmm. Then why are you leaving nang hindi pa tapos ang event?"

"I have other stuff to do besides I trust my staff na matapos ang trabaho na walang nagiging problema."

"But...as a representative of the company who hired you what if I request to talk to the management and owner dahil may gusto ko i-inquire sa service na binigay sa amin?"

"Then I have to let you talk to my partner Mina as she's the one in charge in managing."

A small smile slipped his lips. "Then what if I want to talk to the chef herself to give my personal compliments to the chef?"

"Compliments appreciated."

"Ah, really..." yumuko siya at unti-unting gumalaw ang mga balikat hanggang tuluyan na siyang tumawa. "You are something else, Chandria."

Nangunot ang noo ko sa kanya. "Did I amused you enough? Can you get off now para makaalis na ako?"

"No." Sumeryoso siya.

Until YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon