Chapter 3

40 2 2
                                    

Chapter 3

Hindi ko kinaya ang pagod kaya dumiretso kaagad ako sa kama. Umuwi na ako kaagad pagkatapos na pagkatapos ng klase. Wala na ako sa sarili ko simula lunch.

Feeling ko ang dumi-dumi ko na. Gusto ko nang itakwil ang sarili ko. Gusto kong humiwalay sa katawang to at magpalit ng bago para magsimula ng bagong buhay.

Nanlumo talaga ako ng bongga nang unti-unti kong maalala ang mga pinagagagawa ko. Pucha! Pinagtawanan pa ako ng dalawa. Ang sama-sama ng loob ko sa kanila samantalang hindi nila ako sineseryoso. Pinabayaan nila ako! Paano kung hindi pala ako makauwi?

Ang ipinagtataka ko lang kahit anong piga ng utak ko hindi ko maalala kung ano ang itsura niya. Ang labo! Si Alain lang ang malinaw sa memorya ko. Sobra naman akong nangingilabot sa tuwing masasagi sa isip ko ang pangalan at mukha nya. Sobrang nakakahiya! Gusto ko na lang maging isda at mag swim swim na lang sa dagat forever huwag lang siyang makita!

Anyway, paano kaya ako nakauwi eh dead batt nga ako. Nakausap pa ba ako ni Mystery Guy nang matino sa lagay na yun? And what the fudge basta-basta ko na lang ba ipinamimigay kung kanikanino ang address namin?

Hindi na talaga ako iinom! Last na yun!

Pero infairness hindi naman mahapdi ang kipenalou ko. Pero mali pa rin eh! Paano na lang kung—

"Hoy malandi ka!"

Hinigit ni ate Hope ang buhok ko.

"Aray ko! Punyeta ka!"

Sa lakas ba naman ng higit ni ate napatayo ako. Mapapanot na talaga ako. Ayokong maging naughty girl the second.

"Ah ganon?! Di ka na nahiya!"

Hinigit pa ako palabas ng kwarto habang hinihila ang buhok ko. Ang hilig manghila ng mga tao ngayon ah!

"Maaaaa!!!"

"Ikaw ha, hindi ka nagyayaya! Tumulong ka nga dito. Di ka prinsesa."

"Maaaa! Si ate!" sumbong ko kay Mama.

Nasa kusina sya at nagluluto.

"Tumigil nga kayo dyan Hopya at Lovelita! At ikaw ha," turo sakin ni mama "Magbihis ka na muna dyan at mag-uusap tayo." dagdag niya

Binelatan ako ni ate at inirapan ko lang sya. Hinahaplos ko naman ang kawawa kong bumbunan. Napaka sadista! Ang hapdi. Naiiyak naman ako sa future ng buhok ko.

Naligo lang ako saglit. Pagkalabas ko ay amoy na amoy ko ang ulam. Nakahayin na rin sa lamesa ang mga pagkain. Narito na rin ang kambal pero wala pa si Faith. Kakaiba ang ngiti sa akin ng kambal. Akala mo naman kung ano na ang nagawang kasalanan ko.

"Anet?!" singhal ko

Nagbulungan pa ang kambal habang nakatingin sa akin nang nakakaloko. Dumiretso muna ako sa kwarto para magbihis. Nagpunta ako kaagad sa kusina at nakisalo sa hapag para sumabay sa pagkain.

"BY ang oms." si Beauty

Iniabot nya sa akin ang kanin at kinindatan ako. Frick! Ghost bombs.

"Hoy naiintindihan ko kayo." si Mama

Ang sama-sama ng tingin sa amin. Pati si Ate! Tatawa tawa naman sina Beauty at Charm.

"Anong meron?" tanong ko

Napatingin kaming lahat kay Mama sa malakas na pagbaba niya ng basong ininuman nya.

"Ayan naglalasing lasing kasi! Akala mo naman ikaw ang nagcecelebrate! Buti na lang at mabait yung nakapulot sayo. At bakit ka naman iniwan ng mga kasama mo ha? Makukurot ko sa singit yang sina Viv at Tracy!" si Mama

Love, Love.Where stories live. Discover now