OPERASYON AT DIGMAAN

Magsimula sa umpisa
                                    

LIRA:Ganon na yata ang ating gagawin kaya maghanda na tayo!

Kaya mas lalo pa namin nilakasan ang aming pwersa upang labanan ang halimaw ngunit parang may mali sapagkat mas lalo pa itong lumakas.

PAOPAO:Pashnea tila hinigop yata ng halimaw na ito ang enerhiyang nanggagaling sa ating mga kapangyarihan!

GENERAL'S PROVERBS

Habang nakipaglaban ang mga diwata sa mga pashneang nilikha ni Tuka ay tuwang-tuwa naman ang Hara ng mga taksil na Ravena na pinanood sila Lira na nakipaglaban sa kanyang mga nilikha.

TUKA:Ganyan nga mga alagad huwag kayong tumigil hangga't hindi niyo sila napapaslang!

Kahit na mas lalong nilakasan ng mga diwata ang kanilang pwersa upang labanan ang mga halimaw ay mas lalo itong lumalakas kaya naisipan nilang pagkaisahin ang mga lakas ng tigdalawang brilyante pinagkaisa ni Alana at Lira ang kanilang mga brilyante pinagkaisa din nila Paopao at Cassandra ang kanilang mga brilyante.

Nang dahil diyan ay mas dumoble ang kanilang mga lakas saka natalo ang mga pashneang nilikha ni Tuka.

TUKA:HINDI MAARI ITO!

Nang walang ano-ano ay nagpalit ng anyo si Tuka humaba ang kanyang mga kuko may mga matutulis na bagay na tumubo sa kanyang mga pakpak umitim ang kanyang mga balahibo saka tinubuan siya ng mga pangil.

PAOPAO:Tanakreshna...(Pabulong niyang sabi)

SA CAVITE

ADAMUS' PROVERBS

Nandito kami ngayon sa labas ng hideout ng mga sindikato sa labas ay parang ordinaryong mansiyon lang siya tingnan ngunit sa loob nagaganap ang mga ilegal na mga operasyon sa pamamagitan ng ivictus ay agad kaming nakapasok ni Kuya Angelo hindi pa nga kami nakapasok sa loob ng bahay ay may mga bantay ng nakapalibot nito bawat isa sa amin ay mayroong earphone upang marinig namin ang isa't-isa

BANTAY:May nakapasok!

Nang walang pagdadalawang isip ay agad kaming sinugod ng mga ito may mga kasamahan pa silang tumakbo papalapit sa amin saka nilabanan naman namin sila gamit ang aming mga kamao nang dumami na sila ay binunot kinuha naman ang mga armas ng napatumba naming kalaban saka nakipagputukan sa kanila.

Ilang sandali lang ay nakita namin sina Ate Mira at Dasha kasama ang aming mga kasamahang pulis saka pinalibutan agad ang paligid ng bahay nang saganon ay walang makakatakas.

Nagsimula ng magsilabasan ang ibang miyembro ng sindikato upang paulanannng bala ang aming hanay mabuti nalang na nakagawa agad ng pananggalang si Kuya Angelo gamit ang kanyang kapangyarihan.

GENERAL'S PROVERBS

Pagkatapos ng mahabang putukan ay agad pinasok ng hanay nila Mira at Dasha ang loob ng mansion upang tingnan kung may tao pa ba sa loob isa-isa nilang pinasok ang mga silid ngunit walang tao sa loob ngunit may isang pintong naka-agaw ng atensyon ng dalawang Sangre.

DASHA:Ate pwede ba nating pasukin kung ano ang meron sa silid na iyan?

MIRA:Iyan din ang naisip ko..

Saka lumapit ang dalawa sa pintuan.

MIRA:Gamitin nalang natin ang ivictus upang makapasok sa loob.

DASHA:Sige po..

Mag-ivictus na sana sila nang biglang may grupo ng kalalakihan na dumating at pinalibutan sila.

GUY1:Saan ba kayo pupunta mga binibini?

DASHA:Bakit namin sasabihin sa inyo?

GUY2:Kung ayaw niyo pang mamatay ay mabuti pang sumama na kayo sa amin?

MIRA:Kami siguro ang dapat magsabi niyan sapagkat pinalibutan na namin kayo, kung ako sa inyo ay sumuko nalang kayo bago pa mahuli ang lahat!

GUY3:Tarantado pala ang mga ito eh!

GUY1:Mabuti.pang iligpit na natin sila!

Saka sinugod naman ang dalawang Sangre mga kalalakihan saka nilabanan naman ng dalawang ito gamit ang kanilang mga kamao dahil nga lamang si Mira at Dasha kaysa mga kalalakihan ay madali nila itong nadaig.

Bubunot na sana ng baril ang mga ito mabuti nalang na dumating na ang hanay nila Angelo.

POLICE OFFICER:Huwag na kayong pumalag dahil wala na kayong kawala.

Saka pinusasan na ang mga ito at lumabas na sila sa mansiyon at dinala na ang mga ito patungo sa patrol car upang madala sa kulungan.

KYLE:Thank you so much for your help dahil sa inyo ay naging successful ang operation natin

ANGELO:Huwag ka munang magpasalamat bro kasi may gagawin pa tayo.

KYLE:Oo nga pala hehehe..so kita nalang tayo sa presinto.

ANGELO:Sige ingat kayo..

FORBES PARK

Pagkatapos magpalit ng anyo ni Tuka ay agad siyang sumugod sa direksyon ni Lira mabuti nalang na nasangga agad ito ng Hara saka tinulungan agad siya ni Paopao dahil nga malakas ang Ravena ay agad naman sila itong naitulak kaya tumalsik silang dalawa.

Nang walang pagdadalawang isip ay sinugod ni Alana at Cassandra ang kalaban kahit dalawa silang nakipaglaban kay Tuka ay balewala pa rin ang lakas nila kaya agad ng sumaklolo si Lira at Paopao.

Ngunit tila ay hindi man lang ito nasugatan o kaya napagod sa pakikipaglaban.

TUKA:Iyan lang ba ang kaya niyo?!Nasaan na iyong mga magigiting na mga pinuno?!tila naging lampa! (Sabi niya na may halong pangungutya)Tapos na kayo? ako naman!(Saka nagpakawala siya ng itim ng kapangyarihan na siyang dahilan na tumalsik ang apat na diwata)

ALANA:Tanakreshna daig pa niya ang lakas ng isang Bathaluman!

CASSANDRA:Tama ka diyan,kailangan siguro natin na pagkaisahin ulit ang ating mga brilyante.

LIRA:Tama kayo kaya,maghanda na tayo.

PAOPAO:Patnubayan nawa tayo ni Emre.

Pinagkaisa nga nila ang kanilang mga brilyante nang dahil diyan ay naging pantay na ang kanilang lakas lumipad si Tuka sa direksyon ng mga diwata saka nagsimula na silang magtagisan ng galing sa pakikipaglaban gamit ang pinagsamang lakas ng brilyante ng kalikasan ay napaslang nila si Tuka at ang natitirang mga alagad nito.

ITUTULOY....

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon