They can do it. Mabilis naman silang gumawa kaya alam kong kaya nilang irush iyon at magiging maganda pa din iyon.

Pagkatapos kumain ay nagpahinga lang kami ng sampung minuto bago kami pumunta sa library. Well, hindi lang naman pagbabasa o kahit anong may kinalaman sa pagsesearch at libro ang pwedeng gawin dito sa library. Though, we can choose another place than here, mas gusto din namin dito dahil tahimik at malamig.

Pinili naming okupahan ang nasa may dulong table. Nagkanya-kanya kaming labas ng mga laptop at iba pang mga kailangan naming gamit. Magkakahiwalay kaming umupo sa mahabang table para bumuo ng sari-sariling mundo habang gumagawa. 

May ilan-ilang mga babaeng sa paligid namin na sumusulyap-sulyap sa dalawa na seryoso at masyadong nakatuon sa kanilang ginagawa. Nakita ko pa ngang nagnanakaw ng picture ang iba. Napailing nalang ako ngunit hindi ko na pinansin. Mukhang hindi naman iyon big deal sa dalawa. 

Naunang matapos si Theo, palagi naman. Kaya noong maayos niya ang kanyang mga kinalat na gamit at pinatay ang laptop niya ay nanggulo na siya saaming dalawa ni Rash. 

"Theo, shhh..." saway ko dahil pawang tahimik ang paligid at kahit mahina ang boses ni Theo ay rinig. Baka mapaalis pa kami dito!

Tatlo lang ang naririnig na ingay dito. Ang mahinang bulungan, tunog ng air-con at ang boses ni Theo.

Hindi nagtagal ay natapos na din si Rash. Theo finally found his peace when his best friend finished his plate. Tahimik silang naglaro sa cellphone nila habang nasa tabi ko.

Napapangisi nalang ako tuwing naririnig ko ang pagpigil nila sa pagmumura. Hindi ko alam kung anong nilalaro nila pero mukhang seryosong seryoso sila dahil masyadong silang tutok at masyadong madiin ang pagtipa nila sa kanilang phone.

I sigh deeply when I finished. Finally!

Nag ayos ako ng gamit at nilinis ang table ko bago ako sumulyap sa kanilang dalawa.

"Tapos ka na?"

Mabilis na sulyap lang ang binigay saakin ng dalawa.

"Wait lang, Santh." usal ni Rash.

Lumipat ako sa upuan na katabi nila kahit hindi ako kasali sa kanilang laro. I fidget on my phone while they are busy. 

Hezekiah:

Kumain ka.

That is the last text he sent. Eksaktong lunch iyon at ngayon ko lang nabuksan.

Ako:

Heze, I ate before doing my plate. I'm done with it now.

Napabuntong hininga ako. Hindi siya nag reply.

It's been more than two weeks since I last saw him. Hindi na siya bumalik ng unit muli. Huling kita ko na sa kanya noong tulog siya.

He's texting me reminders but he's not replying back with my texts. Kahit ang ilang messages pa ang isend ko ng sunod-sunod ay parang hindi niya iyon nakikita.

We attended our last class for the afternoon. Lugong lugo ako noong lumabas kami ng room. Hinding hindi ko talaga magugustuhan yung straight 3 hours classes. Nakakadrain hindi lang ng utak at energy, minsan kaluluwa din.

Nag uusap si Theo at Rash sa unahan ko habang nakasunod lang ako sa kanila. I check my phone while walking.

Hezekiah:

Don't ride cabs.

Mayroon pang isang kasunod iyon.

Hezekiah:

Every Step AwayWhere stories live. Discover now