A Gap To Be Bridged

187 9 1
                                    

A Gap To Be Bridged
written by: Erudición

Noreen stared blankly at the ceiling of her room, she can feel the cold wind passing through her unclosed window. She laid down her bed, unmoving. She doesn't feel like doing something today—paralyzed by sadness, she's trapped inside this limbo of apathy and inner turmoil. Is that even a thing? She doesn't want to think anymore—but stopping her mind from overthinking still ends up with overthinking.

Her train of thoughts was stopped by a knock at her door. 'Di pa rin siya gumalaw o nagsalita sa kabila ng unti-unting paglakas ng katok sa kaniyang pinto.

Narinig niya ang pagbukas ng pintuan, napatingin siya, nakadungaw doon ang kapatid niyang babae, si Yannie.

"Tawag ka ni Mommy. Wala ka nang ibang ginawa kundi humilata d'yan", paasik na tinuran nito—'di pa nakakapagsalita si Noreen ay padabog nang sinara ni Yannie ang pinto.

She's not surprised anymore. Matapos niyang i-anunsyo na titigil muna siya sa College ay naging malamig na ang pakikutungo sa kaniya ng buong pamilya.

She's once their golden child—but not anymore. Marahil tungkol na naman sa nalalapit na anniversary ng kaniyang mga magulang ang pag-uusapan—ididikta na naman sa kaniya ang dapat na gawin at sabihin. She felt the weight on her shoulder getting heavier. Wala siyang nagawa kundi tumayo mula sa kama at lumabas ng kaniyang kwarto.

Habang pababa siya ng hagdan ay naririnig niya na ang mga kwentuhan at tawanan nila. She can hear them talking about their plans for the upcoming anniversary celebration. Masiyado silang masaya sa pagpaplano. Noreen can hear her tita Elsa suggesting things for the celebration. She can also hear how her ate Yannie agree with them.

Habang palapit siya nang palapit sa hapag-kainan ay hinihiniling niya na kainin na siya ng sahig nila dahil hanggang ngayon ay nahihiya pa rin siya sa ginawa niyang desisyon ngunit buo na talaga ang pasya niya.

May isang bakanteng upuan sa gilid, malayo sa mama at papa niya, they're really disappointed with her. Halata naman sa mga aksiyon nila.

Namutawi ang inggit sa kaniyang puso lalo na nang mapansin niya na kahit nasa harapan siya ng kaniyang pamilya ay 'di pa rin nila magawang tumingin man lang sa kaniya. Nainggit siya sa sayang pinapakita nila—sa kasiyahang 'di siya kasama.

Damang-dama niya ang panghuhusga sa mga mata ng mga kamag-anak niya habang nakasunod ang mga mata nito sa kanya. Marahil ay andito sila para sa pagpla-plano sa anibersayo ng kan'yang magulang.

Pilit siyang ngumiti sa kanila para mawala kahit paano ang kaba sa kan'yang dibdib. Hiyang-hiya siya sa kaniyang sarili pero ito na ang kan'yang desisyon. Papanindigan niya ito. Hindi nila naiintindihan ang kanyang pinapahiwatig kung bakit siya tumigil muna sa pag-kokolehiyo, hindi niya ito gusto ngunit kailangan.

"Mommy, pinatatawag niyo raw po ako?" Mahina niyang sabi sa kan'yang ina.

Matalim ang pagtingin sa kan'ya ng tita Elsa niya, isa sya sa tumututol sa desisyon ni Noreen.

Hangang-hanga ang kaniyang tita sa kaniya noon ngunit napawi ito noong nalaman n'ya ang kaniyang desisyon. Gustong-gusto niya s'yang kausapin at ipaliwanag ang lahat ngunit hindi niya alam kung saan magsisimula.

"Oo.", malamig na tugon ng kaniyang ina.

"Hindi ba sinabi ko naman sa iyo kanina na tinatawag ka? Edi tinatawag ka nga. My God." singit ng kan'yang ate Yannie sa usapan sa pagitan ni Noreen at ng kanilang mommy.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Konti na lang at makakatapos ka na ng kolehiyo, wala ka talagang kwenta" dugtong pa niya.

Hindi siya maka-sagot sa tanong sa kaniya sapagkat hindi niya rin alam kung paano ipapaliwanag ang kaniyang dahilan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 26, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Gap To Be BridgedWhere stories live. Discover now