Narinig ko ang pagbukas ng pintuan habang umiinom ako. Inilagay ko pabalik sa ref ang pitsel at inilagay ang baso sa lababo. Noong makabalik ako sa sala ay nakita ko siyang nakaupo na couch at hinihilot ang kanyang noo.

"Santh."

Kinuha ko ang sling bag sa kanyang tabi. Lalagpasan ko na sana siya noong hawakan niya ang aking pulso.

Binawi ko ito. Hindi gaanong mahigpit ang kanyang hawak kaya naging madali iyon para saakin.

"I'm tired. Matutulog na ko." sagot ko sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Fuck it."

Napatigil ako noong marinig ang kanyang mura. Wala sa loob akong napalingon habang patuloy na namumuo ang inis at galit ko saaking kalooban.

"Minumura mo ba ako?" tanong ko sa kanya.

He laughed sarcastically and glared at me.

"Hanggang kailan ka magbibingi-bingihan? Hanggang kailan ka aarte na parang walang nangyari? Hanggang kailan ka tatakbo huh?" his tone raised. "Sabihin mo nga Santh! Kailan!"

Napapipikit ako habang pinakikinggan ang kanyang galit. Pakiramdam ko ay nanghihina ang aking mga tuhod at nanginginig ang aking mga kamay.

Bakit ba siya galit na galit!

"Why are you shouting at me!" sigaw ko pabalik habang nararamdaman ko ang pag iinit ng ilalim ng aking mata.

Gusto kong magtampo dahil nasasaktan ako. Hezekiah and I always fight. Araw-araw pa nga. We fight over simple and useless things. We don't even need to say sorrys for all of it. We'll just start being nice with each other again, tease and laugh with each other again.

And for everything that's heavy, we always talk sincerely. I am very used to having him on my side kasi kakampi ko siya palagi kahit ako yung mali. Having him like this right now is making me so scared and hurt.

Ayoko nito.

"Dahil nakakagago na!" he said.

Unti- unti akong naglakad pabalik. Ramdam ko ang sakit sa kanyang mga salita. I immediately wanted to say sorry.

I don't want him to be hurt.

"Bawat beses na lang bang susubok ako, wala lang sayo? Huh? Bakit hindi mo nalang ako diretsuhin kung wala talaga huh? Bakit sa iba nagagawa mo!"

"Heze..."

Nabasag ang aking puso habang pinakikinggan ang kanyang sinasabi. Yes, I denied every chance he tried to tell me about his feelings like how I denied mine inside.

"Alam mong mahal kita, Santh! Wag mo naman akong paglaruan ng ganito!"

Kinuyom ko ang aking kamay at mabilis na naglakad sa kanya. Tumulo ang aking mga luha at tinulak ang kanyang dibdib.

"Don't fuck with me, Jimenez." madiin kong sabi sa kanya.

He laughed sarcastically.

"Tanginang 'yan. Minsan na nga lang magmahal akala pa hindi totoo."

Pinahid ko ang aking basang pisngi kahit wala naman iyong silbi dahil sa patuloy na pag agos ng luha ko. Ang kaninang sakit na nararamdaman ko ay napalitan ng galit.

How dare him!

"You don't tell me you love me after you played with women in the club! Sa sobrang dami mong babae, Hezekiah? Mahal?!"

I hit his chest with my balled fist repeatedly.

"I hate you! Why do you have to lie..." I sobbed.

Every Step AwayМесто, где живут истории. Откройте их для себя