Chapter 1

15 3 0
                                    

Chapter 1

Seah Caleesta's POV

"Napaka-gwapo talaga! Jusko lord. Kelan kaya mapapasakin ang lalaking ito?" mahinang bulong ko sa sarili.

Ilang buwan palang ang nakalilipas mula nung lumipat siya dito sa school namin pero, andami na agad nagkakandarapang makuha ang atensyon niya.

Ang dami ko tuloy kaagaw.

Kasalukuyan akong nakaupo sa silong ng puno dito sa may field, habang pinagmamasdan ang mukha ni Xzander Isaac Henderson. Pangalan palang ang pogi na talaga.

"Hoy, Seah!" tawag na pumukaw ng atensyon ko.

Nilingon ko ang direksyon na pinanggalingan ng tinig na iyon at napagtantong si Jessie ito kasama ang iba ko pang barkada na papalapit sa akin.

"Pinapantasya mo nanaman si Xzander." tukoy niya pa sa kasalukuyang naglalaro ng Phone na crush ko.

"Eh, ano naman? Yun na nga lang ang nagagawa ko eh." nakangiwi kong sagot.

"Aba! Eh bakit hindi ka magpapansin? Diba yun naman ang ginagawa ng mga babae sa wattpad story na binabasa mo? Tapos in the end, magiging sila. Bakit di mo i-try?" suhestiyon pa ni Kiarra.

"Mukha ba'ng wattpad world ito? Naku, Kiarra, hindi mangyayari yan sa totoong buhay." pangongontra naman ni Celis.

"Wala namang masama kung susubukan, eh."

"Mapapahiya lang si Seah sa huli."

"Hindi kaya! Bakit sa wattpad, hindi naman napapahiya yung mga babae kapag nagpapa-pansin sila sa crush nila?"

"Kiarra, hindi wattpad world ito! Maryosep! Real world 'to, Real world!"

"Kahit na, Celis. Dapat padin subukan ni Seah. Malay mo naman umubra."

"Jusko! Maganda si Seah, Kiarra. Hindi bagay sa kaniya ang maghabol."

"Hindi naman siya maghahabol, ah? Magpapa-pansin lang naman."

"Pareho lang 'yon!"

"Hindi kaya!"

"Ano ba?! Tama na nga yan!" natigil ang dalawa sa pagbabangayan nang biglang sumigaw si Reign. "Ang ingay niyo!" angil niya pa.

Wala ng nagawa ang dalawa kundi ang mag-irapan. Tiklop sila kay Reign eh.

"Ano? Hanggang pantasya ka nalang ba talaga, Seah?" asar pa ni Jessie.

"Tumigil ka nga. Eh, ano naman? Sapat na yung nakikita ko siya at nakasama ng isang beses." tugon ko.

"Nakasama? Kelan?" tanong ni Celis.

"Diba nga? Sinamahan niya dati maglibot dito sa school si Xzander nung bago palang siya." si Kiarra na ang sumagot.

"Mas ok na yon." saad ni Reign, dahilan para mangunot ang noo naming apat.

"Mas ok ng ano?" takang-tanong ni Jessie.

"Mas ok ng pinapantasya nalang ni Seah si Xzander, kesa naman maghabol pa siya. Hindi naman siya aso."

"Ano ka ba?! Paano magkakaroon ng chance si Seah diyan kung mananahimik lang siya? Alam niyo guys, hindi sa lahat ng oras, lalaki ang nag pe-first move." anas ni Kiarra.

"Tama na nga yan. Kahit naman subukan ko, wala din akong mapapala. Heartthrob na ng Campus natin si Xzander, bakit naman isang katulad ko ang gugustuhin niya diba? Sabi nga ni Celis, Real world 'to. Hindi mangyayari dito yung mga nangyayari sa wattpad world kahit na subukan ko."

"Legit!" sang-ayon ni Celis.

"Sabagay." Ani Jessie.

"Oo nga naman." Si Reign.

"Ah, basta! Para sakin, kailangan mo munang subukan bago mo sabihing wala talagang pag-asa."  katwiran parin ni Kiarra.

"Tama na yan. Tara na, kailangan na nating bumalik sa classroom. Patapos na din ang lunch break." aya ni Reign.

Napatingin si Jessie sa relo niya. "12:37 palang naman. May 23 minutes pa, dito muna tayo."

"Bahala kayo. Mauuna na ko do'n. May quiz tayo mamaya sa English, kailangan ko mag-review." matapos sabihin iyon ay agad ng umalis si Reign.

"Tara na nga. Sundan na natin yon. Mag paka-nerd din tayo gaya niya." biro pa ni Celis.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at sumabay na sa kanila pabalik sa classroom.

Ganto nalang lagi ang takbo ng buhay ko. Pag papantasyahan ang lalaking gusto ko, magbabasa ng wattpad stories, makikipag kulitan sa mga barkada ko at mag papaka-nerd dahil kailangan kong siguraduhin na magiging proud sakin si Mama.

Pagdating sa Classroom ay naupo kami agad sa kaniya-kaniya naming pwesto at saka inilabas ang mga notes namin. Gaya nga ng sabi ni Reign, kailangan naming mag review dahil may magaganap na quiz mamaya sa English subject namin.

Hindi naman gano'n kahirap ang topic pero hindi din ito gano'n kadali. Kailangan talagang pag aralan ng mabuti.

Kasing talino ko nalang sana yung mga ibang characters sa wattpad, para kahit buong magdamag akong matulog habang nag kaklase ay kaya ko paring sagutin ang kahit anong tanong tungkol sa lessons.
Kaso, hindi eh. Kaya, kailangan ko talagang mag pursigi.

About sa literature ang topic namin. Kaya, kahit papaano ay may naitulong ang interes ko sa mga gano'ng bagay. Hindi ako nababagot na basahin ng paulit-ulit ang ibang parts dahil nga, interesado din ako sa literatura.

The time passed by quickly. Lunch break has ended and now, our English class is starting. Nagsipasukan na din ang mga kaklase ko na kanina ay nasa labas pa. Right now, we're just waiting for the professor to arrive.

Hindi din naman nagtagal at dumating na ang professor.

"Bring out one whole sheet of paper." hindi pa man siya tuluyang nakakapasok ay ayan na agad ang bungad niya.

"Hala, may quiz?"

"Bakit 'di tayo na inform?"

"Shemay, hindi ako nakapag review."
Dinig ko'ng bulungan ng iba.

Buti nalang at sinabihan kami ni Reign.

"Number One."

Lahat kami ay yumuko at nag antay sa tanong na sasabihin ng professor.

"Last time, i let you read a story. Now, the question is What do you think happened just before starting to read the story?"

Hindi na ako nag aksaya ng oras at basta nalang isinulat ang unang bagay na pumasok sa isipan ko.

"Number two. If you could give the main character in your book some advice, what would you tell him or her?"

Muli, ay isinulat ko ang unang sagot na pumasok sa isipan ko.

"Number three. Think of an important event in your book. How would the story have changed if this event had not happened?"

Nag tuloy-tuloy lang ang pagtatanong ng Professor hanggang sa matapos na ang time niya. Umabot yata sa fifty items ang questions niya at puro essay pa.

Mabilis din naman na nag tuloy-tuloy ang klase.
Hindi ko na nga napansin ang mabilis na pagtakbo ng oras.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nagliligpit na ng gamit para tuluyan ng maka uwi sa bahay.

This is my life. Nothing new and interesting to see. Don't get me wrong, i'm happy with what i have in my life. Pero siguro, mas masaya kung nararamdaman kong buo ang pagkatao ko.

Mula nang nagkamalay ako, ramdam ko na talagang may kulang sakin.

Sa ngayon, Si Mommy at si kuya lang ang kasama ko. Sa tuwing tinatanong ko kasi si Mommy kung nasan ang Ama ko, lagi niyang iniiwasan ang tanong, o di kaya'y mananahimik nalang. Kaya naman, hindi ko nakita o nakilala man lang ang Daddy ko. At yon ang dahilan kung bakit pakiramdam ko ay kulang ang pagka tao ko.

Gayunpaman, hindi ko nalang piniling ungkatin pa ang tungkol do'n masaya na ako sa kung anong meron sakin ngayon.

~ To be Continued ~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In the Game of Love [A short story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon