"Natalia! Paparating na si Greg, daliii."
Tili ni cheska kaibigan ko.
"Ha? Saan?"
Lumingon lingon ako sa paligid. At ayon!
Nakita ko sya kasama yung mga kaibigan niya. Nagtatawanan sila. Agad naman ako kumuha ng libro. Natataranta ako habang binubuklat iyon. Dumaan sila sa harap namin. Panakaw tingin lang ako sa kanya. Jezzz ang gwapo niya.
At nang makalagpas na ay agad naman akong huminga ng malalim, feeling ko hihimatayin ako sa tuwing makikita siya.
"Ayieeee. Kompleto nanaman yung araw niyaaa?" kinikilig na sabi ni cheska. Saby kurot na mahina sa tagiliran ko.
Tsss.. Mas OA pa syang kiligin kaysa sakin e.
"Ano ba? Baka marinig ka!" Sabay talikod sa kanya. Pero nangingiti ako, diko na pinakita baka mas lalo nya pang lakasan.
Huwag niyo na tanungin kung bakit? Kase halata naman na Crush ko si Greg. Since we were in highschool. Hanggang ngayon sa college. Sinundan ko talaga siya kung saan siya papasok. I'm so glad naman ng makapasa ako dito no?
"Tara na nga!"
Pag-aaya ko.
May mga 'Muntik mahuli at nakakahiyang momment' ako sa kanya.
Nang minsan nga pauwi na. Nakita ko syang naglalakad mag-isa, ako naman 'tong patay na patay sa kanya. Ayun, sinundan ko. At guess what? Habang naglalakad nga e. Naapakan ko 'yong buntot ng pusa. At ayun, narinig niya 'yong hiyaw ng pusa. Actually kuting po sya. Ang liit kase kaya di ko napansin. Sobrang focus ko kase sa kanya. Nataranta ako kase alam kong narinig niya 'yon kaya napatingin siya sa at hawak hawak ko po yung pusa. Medyo may amoy lang.
"Ming? Kanina ka pa hinahanap ng mother mo. Tara uwi na tayo."
Sabay talikod. Nakakahiya. O.o
Don't worry di naman nasaktan si mingming slight lang. Tsaka pet ko na po siya ngayon. Pinangalanan ko ngang "Gregoria" kitams kung gaano ako patay na patay sa kanya. (Gregory+Natalia= Gregoria) ^^,
At meron pa, nang minsan sa library kame. Habang naghahanap ako ng libro about history. Nakita ko syang may binabasa nakasandal sa book shelf. Ang gwapo niya lang tignan. Hindi ko namamalayan na sobrang nakatulala ako sa kanya. Nagising na lang ako sa katotohanan ng bigla akong dapuan ng langaw sa ilong. Mabuti na lang hindi nakapasok sa bunganga kong nakanganga.
At nang bugawin ko 'yon napatingin siya sa pwesto ko. Agad naman akong tumalikod. Akala niya siguro kinakawayan ko sya.
At meron pa, ito na 'yong nakakahiya guys. Ayoko sana i-kwento. Pero sige para sa inyo.
May karinderya kame. Minsan syang napadaan dito para kumain. Unexpected nga.
"Talia, may costumer bigyan mo muna."
"Ma? Maliligo pa ako!"
"Dalian mo!!"
"Ito na, ito na.."
kakagising ko lang. At walang ayos-ayos.
"Ah miss, isang order ng adobo at kanin."
Langya! Si gregory? O.o
Napatulala ako sa kanya. Biglang kumabog yung dibdib ko. Hindi ko na alam ang nangyayare. Ang alam ko nakatingin lang ako sa kanya. Habang gulo gulo ang buhok.
"Miss, hello?"
Natauhan ako ng biglang syang nagwave sakin. Iiiiiii.. Ang gwapo nya.
"Excuse me?" sabay ngumuso sya. Wait? Putik naman. Gusto niya ba akong halikan?
YOU ARE READING
Love Potion
Short StorySi Natalia, ang reyna ng mga nakakahiyang moments. Si Greg, ang lalaking matagal na niyang sinusundan. At ang isang bote ng love potion na magpapabago sa lahat.
