Prologue

2 0 0
                                        

Paglabas ko sa office ni manager ay napasandig ako sa pintuan at kumuha ng hangin. Hindi ako makapaniwala sa pinasok kong trabaho. Buong katawan ko ay nanginginig sa takot.

Shet!

Paano ako nito ngayon?

Pera na naging bato pa!

Gusto ko pang mabuhay!

Lord, mabait naman po akong tao. Nagdadasal naman po ako araw araw pero bakit? Bakit ganito ang buhay ko ngayon?!  Marami pa sana akong gagawin sa buhay ko. Hindi ko inakala ganito ang mangyayari sakin. Ang gusto ko lang naman ay mamuhay ng tahimik at makakuha ng trabaho maayos. Hindi ganito!!!

Dahan dahan akong napaupo sa sahig ng suamgip ulit ang mga impormasyon nakuha ko galing sa manager.

FLASHBACK

"Noong unang panahon bago sinalakay ng mga Kastila ang bansang Pilipinas ay namumuhay na ang mga demomyo kasama ang mga pilipino. May iba't ibang klase o satus ang mga demonyo. Supremo, hari ng mga demonyo at kakaibang kapangyahrihan ang taglay nito na lahat ng mg demonyo ay takot sa kamya kaya napapasunod ito sakanya. Elders, mga demonyong gumagawa ng mga batas para sa mga demonyo at sila ang gumagawa ng paraan para mamuhay ng matiwasay ang tao at demonyo. Knights, tinuturing sundalo ng kaharian. Artisans, ito ay mga ordinaryong demonyo. Slaves, pinakamababang klase. Kung iniisip mo kung ang mga demonyo ay kumakain ng tao, hindi. Sobrang mali. Nakakatawang isipin ng mga maliliit na utak ng mga tao. We eat negative emotions of the person. Pagkatapos ang matinding laban ng Diyos niyo at ang aming kauna unahang hari ay nagpasiya ang aming unang hari namin sa Pilipinas maninirahan dahil mas nararamdaman niya ang kakaibang enerhiya sa bansang ito. Naging malungkot ang aming hari nung panahon iyon dahil siya lang nagiisa ngunit hindi nagtagal ay nakakita rin siya ng kanyang mapapangawasa. Ang kanyang asawa ay isang prinsesa sa isang maliit na kaharian sa Luzon. Hindi makakapaniwala ang kanilang kaharian sa kanilang pagiging tapat sa kanilang pagibig at halos lahat ng mga tao rito ay kontra sa kanilang pagmamahalan. Hindi madali ang pagtanggap ng mga tao sa aming unang hari ngunit pinakita niya naman ang mabuting intensyon sa kanyang mapangasawa. Dahan dahan naman tinanggap ng mga tao rito. Naging maayos naman ang kanilang kasalanan ngunit bigla sinalakay ng mga Kastila ang munting kaharian ng prinsesa. Aming hari, ang prinsesa at ang limang alalay ng prinsesa lang ang naiwang nakatakas mula sa atake ng mga Kastila. Sa madaling salita, napadpad sila rito sa Davao at namuhay ng tahimik." mahabang storya ng manager sa akin. "Any question, my dear?" licking his lips as if he wants to taste me.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya at hanggang ngayon ay nanginginjg sa takot. "N-n-no." nerbyosong kong sagot.

Napasadig ang manager sa kanyang swivel chair. "Okay, you may leave." turo niya sa pintuan.

Suminghap ako para bang kumuha ng lakas ng loob tumayo at lumabas.

END OF FLASHBACK

SHIT! SHIT! SHIT! SHIT!

Napagatanto ko nalang napalakas ang paghampas ko sa pader sa sobrang sama ng loon sa sarili ko!

"Hey chill out lady." boses ng isang lalaki sa harapan ko ngayon. Ang ekspresyon kong inis ay napalitan ng takot. He held out his hand reaching for me. Inaaya niya akong tumayo ngunit iniwasan ko ito at tumayo. Tinignan ko muna siya bago umalis sa pwestong iyon.

Gusto ko na umalis dito!

"Hindi ka pwede umalis!"

FUCK!

Napalingon ako sa kung saan saan kung sino man ang nagsabi iyon sakin. Wala naman tao sa paligid ko. May kumukuasap sa akin gamit ang kanyang telepathy.

"Watch your word, woman!"

Nasa lobby na ako ng hotel at tumitingin kung sino man gagong ang gumagawa sa akin ngayon.

KUNG SINO KA MAN MAGPAKITA KA!

"As you wish! But on one condition."

Sige ano iyon? Bilis!

"You stay here. On this hotel."

What?! NO FUCKING WAY. AALIS NA AKO. WALANG KWENTA! I WANNA GO HOME.

"Woman, this is your home."

Napatakbo ako ng mabilis palabas sa malaking pintuan ng hotel ngunit may sumagip sa akin. "BITIWAN NIYO AKO! AYOKO NA DITO! BITIWAN NIYO SABI EH! BITIWAN NIYO AKO!"

Napatingin halos lahat ng guest sa eksenang ginawa ko. "Miss, huminahon ka. Utos ng presidente hindi ka pwedeng umalis sa hotel." paliwanag ng guard sa akin habang hinawakan niya bewang ko at binuhat niya ako parang bigas sa kanyang shoulder.

"Bitiwan mo ako! BITIWAN MO AKO! BITIWAN MO AKO! BITIWAN MO AKO O SISIPAIN KO YUNG BAYAG MO!" pagbabanta ko sa kanya. Hindi naman sumagot ang guard sa kanya at parang balewala siya sa mga sinasabi ko ngayon. Nasa harapan na kami ng elevator at tiyempo hindi mahigpit ang pagkahawak sa akin ni kuya guard kaya pumiglas ako at nahulog. Dali dali akong tumayo para tumakas pero mabalis niya akong kinuha at binuhat ulit na parang bagong kasal.

"Pasensya na miss kailangan kong gawin ito, nakakainis kana." sambit  nito. Napatingin ako sakanya. Medyo bata pa siya pakiramdam ko around 20s or kaka-20 niya lang. Makinis na mukha, pwede pang model fit na fit ang katawan. Hindi malaki ang katawan hindi rin payat. Ang skin tone naman niya ay brown pero pakiramdam ko may lahi siya. Napatingin ako sa kanyang mata ang na kulay brown na unti unting naging pula at dahan dahan nagpapakita siya ng dalawang pangil niya sa akin.

"WAAAAAAAAHHH!!!" huling sigaw ko bago nagdilim ang paningin ko.

THE HOUSE قصص لتهوسّ بها. اكتشف الآن