"Sigurado ka bang hindi ka papasok? Next month na ang finals niyo, ah. Onting hintay na lang at pwede ka ng tumutok sa AS. Pero dapat ngayon, naka-focus ka sa pag-aaral," nag-aalalang sabi niya sa kapatid.

"I can handle everything. Isa pa, tapos ko na rin 'yung ilang mahihirap na plates namin, Ate. Mukhang kinausap na rin ni Papa si Dean tungkol sa pagpunta ko ng Ilocos. Pumayag naman siya na babalik na lang ako dito kapag finals na," her sister replied.

Gusto niyang ipilit na hindi na ito sumama at pumasok na lang pero ang papa niya ang makakalaban niya. Kaya wala siyang nagawa kundi tumango bilang sagot sa kapatid.

"Anyway..." she hummed and glanced at Zaccheo who's just watching them. "Hindi ka na sana pumunta pa. May available namang kotse si Armee. Iyon na lang ang gagamitin namin."

Zaccheo gave her a small smile. "It's okay. In fact, hindi naman ako umuwi kagabi."

Nanigas siya sa kinatatayuan. Totoo bang hindi ito umuwi kagabi? Wala siyang balita dahil magdamag silang nagkulong na magkakapatid sa kuwarto niya. Nilingon niya si Armee na mukhang hindi na nagulat. Oo nga pala at nauna itong bumaba.

"Asan sila Tito at Tita?" tanong niya kapag-kuwan.

"Upstairs. Inside your father's study. May pinag-uusapan ata tungkol sa business," agad na sagot ni Zaccheo.

"And Ephraim?" Now that she mentioned, hindi pa niya nakikita si Bleu simula nang bumaba siya.

"Magkasama sila ni Bleu na pumunta sa pool area niyo." Nagkibit-balikat ang kausap. "Bigla na lang hinila ni Kuya si Bleu, eh. Hindi ko alam kung bakit."

Napailing siya. Gusto niyang malaman kung anong ginagawa nila sa pool area ngayon. Matagal na kaya sila roon? Anong ginawa ng lalaking iyon sa kapatid niya?

"Hintayin niyo ako. Magpapaalam lang ako kay Bleu," bilin niya sa dalawa at tumungo papuntang backdoor ng mansiyon.

Nang makalabas siya ng pintuan ay agad niyang natanaw ang dalawa sa kabilang dulo ng pool. Seryoso ang mukha ng mga ito at mukhang may pinag-uusapang importante. Napataas ang kanang kilay ni Yasha nang makitang hawak ni Ephraim ang kamay ng kapatid.

What is he doing?

Iniisip niyang nagpo-propose ang lalaki sa kapatid kaya agad siyang kinabahan. Bumilis ang tibok ng puso niya habang pilit na binabasa ang bibig ng mga ito.

Nakita niyang nanlaki ang mga mata ni Bleu at napahawak sa bibig kaya mas lalo siyang kinabahan.

Were her thoughts real? Nag-propose na ba talaga si Ephraim?

Natigilan siya nang lumingon sa gawi niya ang binata. Tumaas ang kilay nito bago muling bumaling sa kaniyang kapatid. Maya-maya ay nilapit nito ang mukha kay Bleu at parang may ibinulong. Kitang-kita ni Yasha ang pamumula ng mga pisngi ng kapatid. Biglang nag-init ang ulo niya sa nasilayan.

What the hell?

Hindi na siya nagdalawang-isip na lapitan ang dalawa at sinadyang tumikhim ng malakas. Pakiramdam tuloy niya ay isa siyang kontrabida sa isang romance movie na kung saan maghahalikan na ang dalawang bida ay saka siya eentrada.

Tumaas ang kilay niya sa naiisip. Eh, ano naman kung kontrabida siya? Kaysa naman sa nakikita niyang nilalandi ng walanghiyang lalaking iyon ang kapatid.

"A-ate!" Gulat na wika ni Bleu at bahagyang lumayo kay Ephraim. Mabilis itong lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. "Ano'ng ginagawa mo rito?"

Mataray pa rin ang mukha niya habang nakaharap sa kapatid. She wanted them to see how bad her morning was. Lalo na ang Ephraim na iyon.

"Just checking on you," she replied, her face was impassive. "Magpapaalam na rin ako. Pupunta na kami ni Armee sa AS."

Mistakenly Yours (Mistake Series #1)Where stories live. Discover now