CHAPTER 1

309K 3K 318
                                    


Eris POV

Nagising ako hindi sa tunog ng alarm kundi sa tawag sa phone ko.

Anong oras na ba? Pilit kong minulat mata ko para tignan yung orasan sa side table ko. 6 in the morning!? Anong napakagandang rason kaya idadahilan nito!?

Gusto kong magmura. Pero higit sa lahat gusto kong murahin tong tumatawag.

Padabog kong inabot yung cellphone ko para ratratin na kung sino man ‘tong tampalasang tumatawag.

“SINO ‘TO? NAPAKAAGA! WALA KA BANG SARILING BUHAY? HA?!” sigaw ko.

“Good morning din, anak ko” masiglang bati sa kabilang linya. Agad kong ibinaba ‘yung tawag.

Si mama, alam na alam paanong manira ng araw. Hindi man lang nya tinanghali. Super tawag sya, samantalang NASA kabilang kwarto lang sya!

Napasabunot na lang ako sa sarili ko. Paano ko pang babawiin tulog ko. Sinira na nya.

So kahit masakit sa loob, bumangon na ko tsaka dumiretso sa CR. Lunes na Lunes. Anak ng tipaklong naman talaga.

Tinignan ko yung sarili ko sa salamin.

“Walang hiya Eris, kahit bagong gising maganda ka! Sinong mag aakalang naloloko ka pa? Mala-munggo ang mukha, balingkinitan, 12 and waistline. Ano na pa hahanapin sayo?”

Natawa ako sa sarili ko. Wala talagang magandang dulot ang pag gising ng umaga para saakin.

Dumiretso na ko ng shower para maligo. Nag muni muni ng bahagya. May halos tatlong taon na din pala nung sumama si Papa sa kabit nya. Kaya ‘to kami ng nanay ko medyo may sayad.

Normal na family kami noon, may nanay, tatay at dyosa na anak. Nagmamahalan sila, halos hindi nag aaway. Masipag magtrabaho si papa tapos maasikaso si Mama. And then one day, nagising nalang ako nagsisigawan na sila, nagbabatuhan ng gakit, nagsisisihan. Paanong nangyari na ang saya namin kahapon tapos kinabukasan halos magpatayan sila.

Naging alcoholic si mama after umalis ni papa. As in alcoholic. Nag stay pa din ako sakanya. Hello, dadalawa nalang kami iiwan ko pa sya.

But things are rough now. May mga pangyayari na susubok talaga sa haba ng pasensya at tigas ng mukha ng isang tao.

Ilang buwan din akong aalis, babalik dito kay mama. And then one day sabi ko sa sarili ko ‘it is what it is'. Kahit sobrang sama din ng loob ko sakanya, mama ko pa rin sya. Nas dilim sya ngayon so dapat andito lang ako.

‘Tama na nga pag iisip Eris! Siya din namang gumising ka na ng maaga, pumasok ka na din ng maaga!’ I tell to myself.

Pagkatapos kong gawin lahat ng mga kaartehan ko sa katawan nagbihis na din ako tsaka pumunta ng kusina para mag almusal.

Di pa ko nakakapasok ng kusina hagikgik na ni mama yung naririnig ko.

Bukod ata sa pagmumura parang gusto ko din manampal ng INA na mahal ko pa din naman.

“Ohh? Kailan ka pa dumating?” gulat na tanong ni mama. At sa itsura nya? Mukhang lasing na lasing sya.


Napatingin ako sa kasama nya na nakangisi. Pag nabwisit ako ingungudngod ko to. Walang halong Biro.

“Ahhh. Hahahaha. Ang r-rude kow, anong name mo? – ah ah! – Paul . . . Tama, Paul, this is my favorite daughter, Eris. Kazumi Eris!” she said struggling with her every words.

I just rolled my eyes at them. Maliban sa ako lang naman anak nya, we shared the same guy. No, hindi ako nag-share, they did it behind my back. My long term boyfriend, first love, first kiss, date had a sexual affair with her, my own mother.

BED friends foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon