CHAPTER XXV| THE BEAUTY OF THE SACRAMENTS

240 16 0
                                    

CHAPTER XXV| THE BEAUTY OF THE SACRAMENTS

"Handa ka na ba talagang yakapin ang aral ng Simbahang Katoliko, Aldus?" Tanong ni Sir Arnel sa akin nang sabihin kong gusto ko nang magpabinyag bukas. Sumang-ayon ako sa kanya kaya naman agad nitong tinawagan ang kura paroko ng San Juan na si Fr. Tom.

Tinanong pa nito ang lahat ng tungkol sa akin kaya obligado kong ikinwento sa kanya ang lahat. Buti na lamang ay kakaunti lang ang bibinyagan kinabukasan kaya naman pumayag rin ang batang pari sa nais kong mangyari.

Pero bago nito ibaba ang telepono, humiling muna si Fr. Tom kay Sir Arnel na magkaroon kami ng simpleng seminar ngayong gabi na magmumulat sa akin ng turo ng Simbahang katoliko sapagkat marapat lang daw na alam ko ang sakramento na nais kong tanggapin lalo't galing ako sa ibang sekta na taliwas sa paniniwala ng Simbahang itinatatag ni Kristo.

"Ang binyag ang unang sakramentong tinatanggap  ng isang indibidual upang maging pormal na parte ng Simbahang Katoliko." Panimula ni sir Arnel na ngayo'y parang gurong nagtuturo sa akin.

"Madalas itong gawin sa mga sanggol bilang tanda na sila'y napawalang sala na sa kasalanang nagawa ng ating unang mga magulang na sina Adan at Eba. Ang binyag rin ay simbulo ng pagtanggap sa mga aral ng Simbahan. Alam kong may ibang aral ang sektang pinanggalingan mo, hindi lang tungkol sa binyag, kundi tungkol rin sa ibang mga bagay. Kaya naman marapat lang na alam namin kung handa ka bang kalimutan ito at sa halip ay yakapin ang aral ng Simbahang nais mong pasukin. Ang tanong, handa ka na nga ba?"

"Handa po akong kalimutan ang lahat." Sagot ko. Muling nagpatuloy si sir Arnel sa pagpapaliwanag.

"Mabuti kung gayon, dahil hindi basta-basta ang binyag, Aldus."

"Bakit po?" Blangko ang mukha ko na nagtatanong sa kanya.

"Ang binyag ay kabilang sa pitong sakramento na maaring tanggapin ng isang katoliko. Dahil nga sa ito ang una,  ito rin ang magsisilbing susi sa iba pang mga sakramento gaya ng kumpisal, komunyon, kumpil, pagpapahid ng langis sa maysakit, banal na orden at pagpapakasal."

"Lahat po ba ng sakramento, kailangang tanggapin?"
Muli kong tanong. Umiling naman si sir Arnel bilang kasagutan sa tanong ko.

"Hindi, sapagkat hindi tayo pare-pareho ng bokasyon sa buhay. May ilan sa atin na tumatanggap ng bokasyon sa pag-iisa o kaya naman ay sa buhay na relihiyoso.  May iba rin sa atingg kapag nakahanap na ng kabiyak ay tatahakin nila ang bokasyon ng pag-aasawa kaya naman may pagkakataon silang tanggapin ang sakramento ng kasal. At kung minsan ay may iba ring tumutugon sa bokasyon ng pagpapari. Nasa atin pa rin kung saang bokasyon natin nais tumugon. Ikaw ba, Aldus, tingin mo, napag-isipan mo na ba ang bokasyon na nais mong tugunan?"

"H..hindi pa po ako sigurado, pero pwede po bang dalawa?" Sagot ko.

"Hindi ka maaring mamangka sa dalawang ilog, Aldus. Ika nga, you cannot serve two masters. Mamili ka lamang ng isa na tingin mo'y mas maglalapit sa'yo sa Panginoon. Tandaan mo, ang sentro ng bawat bokasyon ay ang Panginoon."

"P..paano po kung mahirap mamili?"

"Magdasal ka. Dahil sa pagdarasal mo lang malalaman kung saang bokasyon ka kabilang."

"Paano ko po malalaman kung 'yung mismong tinatahak ko ay mismong bokasyon na gusto niya sa akin?" Muli kong tanong. Bumuntong hininga si sir Arnel. Bumaling ito sa may kusina na ilang hakbang ang layo mula sa amin.

"Tignan mo ang ate mo Brenda, at si Ginang Choleng, anong napapansin mo ngayon sa kanila?"

Ibinaling ko ang tingin ko sa aking kapatid kay Aling Choleng na nasa hapag kasama si Rose na ngayo'y naghahanda ng kaunting salu-salo para bukas.

"Ahm, base po sa nakikita ko, ahm, m..mukha po silang masaya?"

"Iyan. Iyan nga ang isa sa mga simbulo na magsasabi sa'yo na tama nga ang bokasyong tinatahak mo. Kapag masaya ka na at kuntento na, ibig sabihin, nasa tamang bokasyon ka."

Hindi ko alam kung bakit tumatak ang mga salitang ito sa akin.

Kuntento.
Masaya.
Maglalapit sa Panginoon.

Hindi ko alam kung bakit para akong mas naguluhan. Iniisip ko pa lang kung gaano ako kasaya na pagsilbihan ang Diyos ay tila sasabog na ang utak  lalo't ang kasiyahan na iyon ay pareho kong nararanasan sa tuwing kasama ko si Rose na siyang naglapit sa akin sa Panginoon.

Sacristan: the curtains unveiled (Completed)Where stories live. Discover now