Chapter 13

165 5 1
                                    

Chapter 13

Pagtapos ng flag diretso ako sa room, nag-salpak ng earphones at sinubsob ang ulo sa desk. Ang sakit ng leeg ko!

Naramdaman kong may sumundot sa tagiliran ko, di ko pinansin. Baka si Syrene lang o baka mamaya si Zach pa! Hilig pa naman non mangalabit akala mo close kami.

Yung sundot sa tagiliran ko naging mahinang hila na sa buhok kaya in-angat ko ang ulo ko.

"Ano ba?!" Pinandilatan ko ang nasa harap ko, epal 'tong si Syrene.

"Ay attitude? Nandyan na si Sir,"

Umirap ako sakanya at humarap kay Sir, nahagip ko pa tuloy tingin nitong si Molina. Tinaasan ko lang siya ng kilay, tinitingin-tingin mo dyan?

Natapos ang first subject kaya nag-lipat na kami ng upuan.

I stoped nung may makita akong sobre sa desk ko. Kinalabit ko si May, yung naka-upo dito kanina.

"Naiwan mo."

"Hindi sakin 'yan."

Napa-huh ako kaya kinuha niya 'yon.

"Ayan oh, may pangalan mo! Yieeeee!"

Sumingit si Zach bigla. "What's that?"

"Si cat may love letter." Hinawakan niya ang buhok ko, "Haba ng hair mo, girl!"

I awkwardly smiled tsaka umupo hawak yung letter.

"'Told you, you're gonna be famous."

Naalala ko yung utang ko sakanya kaya kinuha ko wallet ko at naglabas ng fifty pesos.

Kumunot ang noo niya, confused pa ata.

"Bayad," Sabi ko.

"Hindi naman ako nagpapa-bayad."

"Ayoko ng may utang na loob."

Natawa siya. "Its not as if I risked my life for you. Wala 'yon."

Hindi ko pa rin binaba yung kamay ko.

"Wag na." Tapos tinulak niya yung kamay ko pababa, pero tinaas ko uli.

"Ang kulit." Humarap siya, "Smile mo na lang pambayad mo."

I rolled my eyes at him. "Sungit talaga." He said with amusement.

Dumating si Ma'am Corpuz kaya wala na akong nagawa. Iipit ko na lang 'yon mamaya sa bag niya or sa notebook niya. 

"Before we start, I'd like to acknowledge Ms. Alcoran for winning the crown."

Nagpalakpakan sila, I just smiled.

Nag-lecture na siya and I couldn't help but to be inspired. Sobrang engrossed ako sa lesson, perfect ko yung quiz sa electron configuration kahit wala akong ginamit na scratch! Sana ganito rin ako sa Math.

Pumunta akong caf bago sa audi, sabi pwede naman daw muna ako mag-lunch bago yung interview.

May naglapag ng tray sa harap ko. May tapsilog, orange juice at isang balot ng oreo.

"I offer peace," Nag-peace sign si Syrene.

Umirap ako tsaka kinuha yung pagkain, nakaka-takam yung tapa!

Hindi ko siya pinansin, tinignan ko yung half-brown rice at veggies sa plato niya. Hayup akala mo healthy living talaga, pag inaya naman sa samgyup g na g.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now