"I'm sorry, Meili"

Napatigil siya sa pagpupunas na ginagawa niya. Dahan dahan niyang ibinaba ang kaniyang hawak at ibinaling ang tingin sa akin.

Sa hindi mawaring dahilan, unti-unti niyang inilapit ang sarili niya hanggang sa isang dangkal na lang ang layo namin sa isa't isa. Ipinikit niya ang mga mata niya at mas lalo pang inilapit ang sarili. Nanatili lang nakamulat ang mata ko at pinagmasdan ang maamong mukha niya na nasa harap ko ngayon.

Maya maya pa ay ipinikit ko na rin ang mga mata ko at inilapit ang aking sarili. Ngunit bago pa man magdampi ang aming mga labi ay biglang sumagi sa utak ko ang mukha ni Mia. Ang masaya at maamong mukha niya. Bigla akong napamulat at inilayo ang sarili ko kay Oda. Nakita ko ang pagkadismaya at pagkagulat niya sa ginawa ko.

"You know how much I hate you"  pumatak ang luha mula sa mga mata niya, "You don't know what you have caused me and your sorry has nothing to do with me anymore"

Bumaba siya sa sasakyan ko sakabila ng malakas na ulan. Bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan ko ngunit hindi ko itinuloy. Parang may pumipigil sa akin na sundan siya at ipaliwanag sakaniya ang lahat. Mahal ko pa si Oda, hindi naman mawawala iyon. She has a big part on me. Siya ang bumuo ng kabataan ko. Pero hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. If I was still the same old Leo, sigurado akong tatakbo ako ngayon sa ilalim ng malakas na ulan at sasabihin lahat para maibalik ang dati. Pero hindi na ata ako iyon.

Kalahating oras din siguro akong nakatulala sa daan. Hindi ko alam kung uuwi na ba ako o matutulog na lang sa sasakyan. Alam ko kasi magtatanong si Gianne patungkol sa amin ni Oda. Ayoko naman na magsinungaling sakaniya.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Mia.

"Oh? Kamusta date?" rinig ko ang pag-nguya niya sa kabilang linya.

"It was not a date... ano pala kinakain mo? How's the interview?"

"Chocolate lang, hmm, ayon okay naman, kaso hindi ako yung hinahanap nila e, so ayon"

Naisipan kong biglang i-video call siya at bumungad sa akin ang mukha niya na halatang nang-aasar nanaman.

"Oh bat naka-jacket ka?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Oh bat naka-jacket ka?"

"Ang lamig kaya, nasaan ka ba? Nasa sasakyan ka pa?"

"Papunta ako sa condo mo, may dala akong hipon, see you"

Bago pa man siya sumagot ay ibinaba ko na ang call. Nagmadali akong pumunta sa condo niya para naman maibsan yung dinadala ko. Kapag kasi siya ang kasama ko, nakakalimutan ko lahat ng problemang mayroon ako.

Nang makarating ako sa condo niya. Bumungad sa akin ang sangkaterbang bouquet of roses at isang box ng cadbury chocolate. Ininspeksyon ko isa-isa ang mga ito sapagkat ngayon lang ako nakakita ng manliligaw na ganito katindi magbigay.

"Manliligaw mo?" tanong ko at umupo sa sofa niya.

"Oo ata, bakit? Selos ka nanaman" inirapan niya ako at tuluy-tuloy lang siyang kumakain ng hipon na dala ko.

"Bat naman ako magseselos, e mas gwapo naman ako"

"Alam mo? Ang pangit mo talaga magbiro"

Naglakad siya papunta sa akin habang dala dala ang plato na puno ng hipon saka tumabi sa akin. Humiga naman ako sa balikat niya at ipinikit ang mga mata ko. I can easily fall asleep when I'm with her.

"May nangyari no? Care to share?"

"Wala naman, just a normal day with Gianne" kinotongan niya ako at ibinaba ang plato sa lamesa.

"Wag mo sabihing hindi mo kinausap? Ano? 'Di mo sinabi yung totoo?"

"Gusto mo ba?"

Natahimik siya sa sinabi ko at kumurap ng maraming beses. Huminga muna siya ng malalim saka nagsalita.

"Bespren, she deserves to know the truth, kahit na may jowa na siya, baka malay mo iwan niya pa yung jowa niya para sayo? Diba pangarap mong bumuo ng pamilya kasama siya?"

Tila ba nabingi ako sa mga salitang sinabi niya. Naalala niya pa pala ang mga pangarap ko noon. Pero hindi ba niya naisip na baka nagbabago din ang pangarap kasabay ng pagbago ng isang tao?

"She's happy now, I don't want to ruin her career, Mia"

"It's not about her career, it's about you telling her the truth, it's been ten years Leo"

"I know, but what happened before has nothing to do with the future"

"Anong wala? Meron, you're going to have a peace of mind, both of you to be specific"

Isinubsob ko na lamang ang mukha ko sa balikat niya. Tama naman kasi siya, for us to move on, I need to tell everything, I need to talk to her about the things I've done. That is why she hates me so much dahil hanggang ngayon nandoon pa rin siya sa nakaraan.

"I'm gonna wash my hands first, umuwi ka na, hinahanap ka na ni Gianne, iniiwan mo nanaman kapatid mong mag-isa"

Pinigilan ko siyang tumayo at niyakap siya ng mahigpit.

"Can I sleep with you tonight? Just like the old times"

"Hoy, kasama natin sila Bods at Erica noon, hindi na mababalik 'yon, sige na tumayo ka na"

"Please?"

Sa huli ay sumuko rin siya sa kakulitan ko. Ayoko rin kasing umuwi, alam kong hindi palalampasin ni Gianne ang pagkakataon para cornerin ako about sa nangyari sa amin ni Oda.

"Dyan ka sa sofa, dito ako sa kama, okay?"

"Wait lang"  tumayo ako kinuha ang mga unan niya. Inilagay ko ito sa baba at naglatag ng kumot.

"Anong ginagawa mo? Mas komportable sa sofa"

"Mas komportable sa sahig, para kapag nalaglag ka, may sasalo sayo" kumindat ako sakaniya at tumawa ng bahagya.

"Alam mo? Palala ka ng palala Leo, napaka-corny mo na, bahala ka nga dyan"

"Goodnight, Stinky tofu"


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Road We Did Not TakeWhere stories live. Discover now