Pagkapasok ko sa dining area ay nandoon sila Manang Peni, Lew at Rein, kumakain ng carbonara.. Nung napatingin sila sa akin ay dapat yuyukod sila nang senyasan ko silang 'wag na gamit ang palad.

"Bumalik ka na pala, nak.. Gusto mo ng makakain? O kaya carbonara?" tanong ni Manang, umiling lang ako at pumunta sa ref..

Ini-tap ko ang pintuan nito at kusa na iyong nagbukas. Kumuha ako ng gatas at saka ng cookies. Masarap kaya 'to.. Ni hindi ko natikman 'to noong mga bata ako kaya ngayon ko na susulitin.

"Miss, sa'n ka po galing?" tanong bigla ni Lew.

"Kay Cj lang. Nag-away daw sila ni Irene kahapon.." paliwanag ko at uminom ng gatas.

"Ahhh, gano'n po ba?" tumango ako.. Nanahimik ulit kami at kain lang ng kain "Ah, Miss.. Sino po ba sa mga kaibigan ni Sir Aldrin ang boyfriend mo?"

Agad akong napaubo nang sabihin niya iyon. Agad naman silang napatayo na tatlo saka hinagod ang likuran ko..

"Dahan-dahan naman kasi, nak.." alalang sabi ni Manang Peni..

"Sorry, Miss! S-sorry! Sorryyy!'

Tumango-tango lang ako at sinenyasan na umupo sila.. "B-bakit mo naman natanong 'yan?" nasasamid paring sabi ko, ngumuso naman siya

"Eh, kung makatingin po kasi sila sa inyo eh, wagas. Bongga! Type ko pa naman yung isa.."

"Saan do'n?"

"Yung moreno po, hehehe." napatigil at gulat ko siyang tinignan. Nanahimik kaming tatlo nila Manang Peni at Rein habang nakatitig kay Lew.

'Seryoso siya?'

"Bakit gan'yan po k-kayo makatingin?"

Si Lew ang pinakabatang yaya namin dito sa mansion sumunod si Rein. Halos kasing edad ko lang 'to si Lew, eh.

Kumagat ako sa cookies at tumingin ulit sakaniya.

"Ikaw." at tinuro pa siya habang hawak ang cookies."Sinasabihan na kita, Lew.. Ang baklang 'yon ay NUKNUKAN ng suplado at sama ng ugali, lalong-lalo na yung Bading na maarte na 'yon na may hawak kay Litlit tsk tsk.." singhal ko, napanguso naman siya. "At isa pa..Ayaw ko namang mapunta ka sa mga gan'yang klase ng tao.. Wala pa akong tiwala lalo na't nakatalo ko 'yan.."

"Eh, Miss.. Sigurado ka po ba,ng mga beki 'yan? See! Ang ga-gwapo oh!" nakangusong sabi niya at kumain ng carbonara.

"Wala naman sigurong masama sa pagiging bakla kahit pa gwapo ka.. 'Di ba? Katunayan nga, mas lumalamang pa sila sa iba.. Hindi ko nilalahat, ah? Pero.. yun!"

"Ehhhh! Basta ako, type ko yung isa.. Yung pinakamatangkad! Hihihi! Yung may hawak kay Baby Litlit, yiee! Gan'yan type ko, eh!"

"D'yos ko mga bata kayo! Puro kayo type-type riyan! Mamaya iyang mga type -type niyo 'kuno, eh nanliligaw pala dito kay Anella!" nanunuksong sabi ni Manang na nagpangiwi sa akin..

"Never, Manang. Remember that! Never na never, tss... Ayoko magkaro'n ng Bading na boyfriend na ubod ng arte sa katawan!" nakangising sabi ko..

"Gwapo naman, Miss!"

"Maarte parin!"

"Miss naman! Bitter ka!" pang-aasar ni Lew

"Ano naman? Totoo naman sinasabi ko.. Gwapo nga, mga maarte at napakasusuplado.." inis na sabi ko, nanahimik naman sila at pinaglapat ang mga labi..

Ang Tibong Inlove |Season 1Where stories live. Discover now