"Uh-huh.. Masyadong malamig at malalim ang boses.. Parang lalaki pero miss ang tawag nila. Miss M.."

'Hindi ko naman narinig.'

"Sure ka?"

"Oo naman, Mga gaga! Kayo ba ang nasa bar?!"

Nanahimik kami at kain lang ng kain.. Walang nagsasalita at yung iba busy kakanood sa cp.

*DING-DONG!*

'Kanina pa may ding dong ng ding dong.. Tuwang-tuwa ba sila sa doorbell?'

Napalingon kami sa pintuan nang mabuksan iyon at dumating ang dalawang babae na may hawak na bag at may hawak na papel.

"Good morning, Miss.." sabay na sabi nila at yumukod..

"Sige, simulan niyo na.." si Tibo at agad na tumango ang dalawa.. Pumunta sila sa tatlo at pinatayo iyon.

Sinukatan at sinusulat sa notebook.. Nagtaka kaming lahat dahil sa inakto nila pati sila Dairsy ay nalilito rin, biglaan eh.

"Patingin ako ng magazines.." utos ni Tibo, naiangat ko ang tingin sakaniya at blangko ang mukha niya..

'Napakawalang kwenta ng fezlak neto! Sinasayang ang kagandahan niya..'

"P-para saan to, Bi?" nalilitong tanong ni Dimple Meane..

Napatingin ulit ako kay Tibo at nakahiga na siya saka naka-dikwatro habang tinitignan ang magazines na maraming damit..

"Hindi ba isasali ko kayo?"

'Sasali san?'

"Seryoso ka do'n?" gulat na sabi ni Julzia..

"Mukha ba akong nagbibiro non?" walang ganang sabi niya at nagdial sa cellphone niya. "Oh.. Hello.. Oo, pumunta ka dito sa bahay.. Hindi parin kayo ayos? Tss.. Asan ba siya?.. Mamaya kakausapin ko na lang.. Pumunta ka na dito.."

Ilang minuto lang ay may nagding-dong nanaman at pumasok ang isa pa nilang kaibigang babae.

"Bakit mo ba ako pinapunta dito, Anell?" At umupo sa tabi ng bandang bewang ni Tibo..

"Magpasukat ka na."

"Para sa'n?"

"Isasali ko kayo, hindi ba?"

"Ang bilis naman?"

"Mabilis ang oras.. Apat kayo. Nahirap ang gagawing damit.."

"Eh, bakit kasi bongga ang damit?"

"Anong gusto mo ipasuot ko sa inyo? Basahan? "

"Eto naman.. Eto na nga, oh! Magpapasukat na!"

Nagpasukat na siya na sinundan ng tingin ni Tibo at gano'n na lang ang pagka-shock ko nang makita ko siyang tumingin sa'kin.

"Tinitingin-tingin mo??" mataray na sabi ko..

"Wala lang.." kalmadong sabi niya at nakatagilid ang ulo na tinitigan ako. Pero iniwas niya din iyon at inipatong ang kanan niyang siko sa sofs saka inihiga ang ulo doon habang nakatingin sa magazine. Nakaharap ng bahagya ang katawan niya sa gawi namin ni Baby Litlit.

Ang Tibong Inlove |Season 1Where stories live. Discover now