"Yes po.."

"Okay! Oh! Baby Dairsy.." turo sa'kin ni Tita kaya napatawa ako ng mahina. "Kain ka na! Kumain na 'yang sila Meane and Julzia.. Nako, ang daming kinain.."

"Tita naman! Bakit mo kasi masyadong sinarapan yung ulam?"

"Wow, marunong ka ng mambola Meane, ha! I like that!"

"Hintayin ko na lang po si Anell, Tita.." agad kong sambit kay Tita nang lingunin niya ulit ako, tumamgo lang siya at pinaupo na kaming lahat.

Lumabas naman sila Manang Peni mula sa kusina habang hawak ang trays na may mga sandwiches, drinks and desserts na din.

Tumingin ako kay Jonathan at napapigil nanaman ang ngiti saka.. "Pst!" tawag ko sakaniya, lumingon naman siya habang nakataas ang kilay..

"Bakit?" mataray na tugon niya..

At dail katabi ko naman siya, inilapit ko ang bibig sa tenga niya at nakangising bumulong.. "Alam kong nagkiss kayo kahapon ni Anell---"

"Shut up!! Shh! Wag kang maingay..!!" gigil na bulong niya at himapas pa ang kamay ko kaya mas ngumisi ang labi ko saka umupo ng maayos.

"Hi, Tito!" sabay kamingnapalingon sa dalawang bata na bumati at lumapit kay Kuya Aldrin, sila Letlet at Lotlot na kagigising lang din siguro.

"Good morning, babies. Saan si Atemommy?"

"Natutulog pa po.." magalang na sabi ni Lotlot at pumynta kila Lance at Kenlite saka nagmano.

Pinanood ko naman kung paano guluhin ni Kenlite yung buhok nung bata habang nakangiti na parang ama..

"Kids! Kain na kayo dito! Dali! Nagluto ako saka si Nanay ng pancake!" ngiting silip ni Tita ulit galing sa dining, tumakbo naman yung mga bata sa dining.

Sumunod namang bumaba ay si Baby Litlit at ang yaya nito, buhat buhat siya nito dahil hindi pa ito nakakapaglakad.

Ngumiti naman si Jonathan at tumango sa yaya nito na ibigay na sakaniya si Litlit na agad nitong ibinigay.

"Good morning.. kiss?" hindi ko tuloy maiwasang mapangiti nung malambing na sabihin iyon ni Jonathan na animo'y nakikipag-usap sa sarili niyang anak.

*Ding-Dong!*

Tumakbo naman ang isa pang maid na nakatoka sa pintuan dahil may nagdoorbell doon. Agad nitong binuksan ang malaking pintuan at doon na bumungad sa'min si Madrigal na magulat nung nakita kami pero yumukod din..

Sabay-sabay naman kami nila Julia na niyuko din ang ulo bilang pabalik bati dito.

"Ah, good morning.. Nasaan si Miss?"

"Nasa taas, natutulog pa!" sagot ni Kenlite na may hawak ng sandwich..

Umakyatnaman si Madrigal kaya napailing-ilingna lang ako at pinatong ang paa sa inuupuang sofa saka nagpaabala sa cellphone.

"M-miss, 'wag! Sorry na miss!!! Wahhhh!" Lahat kami ay napatingin sa itaas nang sumigawdoon si Madrigal.

Pinanood namin siyang mabilis na bumaba sa hagdanan na may takot sa mukha. "M-miss, sorry na hehehe! Sorry na nga, Miss! Wahhh ayoko na!" sigaw niya nang may bumato sakaniya ng unan. Tumakbo kaagad siya sa amin bilang panangga niya.

Ang Tibong Inlove |Season 1Where stories live. Discover now