"Letlet.. Ano bang gusto mong style ng kwarto mo?"

"Ah, Gusto ko po sana yung pa-galaxy siya.. Yung katulad po kay Ate Julzia!"

"Talaga?? Gusto mo 'yon?"

"Opo.. Gusto ko rin po na may picture frame tayo dito sa taas ng kama ko, hehe!"

Napatango-tango ako at tumingin kay Lotlot na nakangiti habang nakatayo din.. "Ikaw, Lotlot?" tanong ko. Napatingin siya sa'kin.. "Anong gusto mong maging itsura ng kwarto mo?"

"Uhmmmm! Gusto ko po yung style ng kwarto ko ay green at yellow kasi po.. Favorite ko po 'yon, eh! Katulad din po nung kay Ate Letlet, may picture din po sa taas ng kama ko!"

"Talaga?"

"Opo! Excited na nga po ako! May maipagmamayabang na po ako sa mga magiging kaklase ko!"

Napatigil ako at napatitig kay Lotlot. Kusa akong napabuntong-hininga at hinawakan siya sa balikat..

"Halika nga.." malumanay kong anyaya at inalalayan siyang makaupo sa gilid ng kama. Umupo din si Letlet kaya tinitigan ko silang dalawa.. "Tatandaan niyo.. Kahit pa ganito ang bahay na tinitirahan niyo.. Hindi dapat kayo mantapak ng mga tao, lalong-lalo na yung mga taong naghihirap sa buhay. Maging isa kayong inspirasyon sa mga taong nasa paligid niyo.. Lahat ng meron tayo ngayon ay hiniram lang natin sa Diyos at dapat nating ipamahagi 'yon, ha?"

Tumango silang dalawa.

"Sige na.. Baba na tayo,"

Nag-unahan pa muna silang bumaba kaya ako ay tatawa-tawa silang sinundan. Nang makababa ay pumunta ako sa kusina at nakita ko ng nakaupo si Litlit sa lamesa..

"Anak, doon muna kayo at ako'y magluluto na para makakain na kayo.."

Tumango ako kay Manang at binuhat si Litlit papunta sa tabi ni Julzia na kain ng kain..

Ayan ang tinatawag nating..

MATAKAW!

"Hi, Baby Litlit!"

Napahagikgik naman si Litlit at tumingala sa'kin..  "D-daddy!!!!" sigaw niya kaya napataas ang dalawa kong kilay..

"Ha? Bakit? Ano 'yon?"

"D-daddy!!!"

"Bawal na, Baby.. Night na oh? Bawal na!"

Napatitig siya sa'kin.. Nakita ko ang pangingilid ng luha niya habang ang labi niya ay nagsisimula ng ngumuso at saka siya..

"Daddy!! Wahhhhh!!"

Umiyak..

Dinial ko kaagad ang number ni Alline dahil siya lang naman ang may number ko.

"Daddy!! Wahhhh!!" iyak parin ni Litlit

"Alline?! And'yan ba si Bading?" bungad ko kaagad nang sagutin niya ang tawag.

"[Ah, oo. Why??]"

"Patawag naman, oh. Umiiyak kasi si Litlit, eh. Hinahanap si Bading.. Baka sakaling tumigil kakaiyak kapag narinig yung boses.." pagmamakaawa ko na dahil naaawa na ako sa iyak ni Litlit.

"[Sige sige.. Hoy, Baklang Jona! Halika!]" rinig kong sabi nito..

Ang Tibong Inlove |Season 1Où les histoires vivent. Découvrez maintenant