"Hindi!"

"'Pag ba sumigaw ako at nainis sakanila.. May magbabago ba?"

"W-wala!"

"Kaya kalma ako dahil papagudin ko lang sarili ko kung magagalit ako at maiinis.. Sa pagsigaw mo ba sa akin, may nagbago ba doon sa picture?"

"W-wala rin.."

"Wala naman pala. Sana naisip mo muna bago mo ako hatakin papunta dito at sigaw-sigawan ng gan'yan." kalmadong sabi niya..

"T-teka nga!---- bakit sa akin 'ata napupunta ang galit, ha!? Ha!? Naiinis ako sa'yo, bwisit ka! Kung hindi ka lang kapatid ng babecakes ko? Nako, sinabunutan at pinagsasampal na kita.." sigaw ko, bumuntong-hininga ulit siya.

"Pwede? Kahit ngayon lang?"

"Anong kahit ngayon lang..!?"

"Kahit ngayon lang, hayaan niyo muna akong manahimik?" malumanay na sabi niya kaya natigilan ako.. "Kahit ngayon lang. Pagod kasi ako, eh. Kaya sana pagpahingahin niyo muna ako.. Yung tahimik, walang nanggugulo sa akin kasi kakagaling ko lang sa sagutan kanina do'n sa mga Campus Princess niyo.."

"At bakit ko naman gagawin 'yon?" mataray pa ring tanong ko..

"Wala naman akong sinabing gawin mo.. sinabi ko lang yung gusto ko.. Nasa sa'yo na kung gagawin mo o hindi." at umalis na siya.

Sinundan ko muna siya ng tingin at nang mawala sa paningin ko ay napakamot ako sa kilay kong maganda..

"Bakit mukhang matamlay 'ata siya ngayon? Hmmm.."

Maganda 'yan mapagtiripan at makakaganti rin ako sa'yo!

Nang makapunta sa classroom ay sakto na pumasok na si Miss Leyla at nagturo.. KASO huhuhu! Ang lungkot! Wala si babecakes ko, hays! Anyebeyen! Kaya ako 'to! Nakasimangot magdamag!

Habang dumadaan ang oras ay nagpapalit-palit na ang mga teachers..Puro discuss lang ang ginagawa nila ano ba naman 'yan nakakatamad kaya! Duh! Excited na kasi akong mag dismissal dahil may naisip akong pangganti kay Tibo dahil wala si Babecakes, feel free ako!

Kasama ko ang mga bakla habang naglalakad papuntang canteen.

Wiz ko maiwasan ang mapangisi dahil gusto ko talagang pagtrio-an si Tibo, since wala siya sa mood.. Hehe.. Dinoble ko yung bilis ng walk ko sa mga bakla kasi kumekendeng pa sila, eh..

Kaso, doon nawala ang ngisi ko nang makarating sa canteen at nung masulyapan ang table nila Dairsy, nakita ko doon si Tibo.

Nakapatong ang kamay niya sa table nila at nakadikit ang fezlak niya sa pulsuhan, nakayuko at tutumba-tumba ang ulo. Kitang-kita ko ang pikit niyang mata dahil nakatali naman siya.

Umupo yung mga Bakla doon at pumunta sa tabi ni Tibo.. Napa-ikot naman ang mata ko at padabog na umupo sa tabi ni Julzia.

"Ano drama niyan?" irap kong sabi..

"Puyat kasi 'yan, e.. Chinicheck yung mga tugtog namin kung okay ba. Inabot siya ng madaling araw dahil ang sabi niya nagreview pa siya para sa quiz namin sa History tsaka English. Kaya ayan! Bagsak!" sagot ni Julzia sa'kin.. Napabaling naman ang tingin ko kay Meane nang magsalita din siya.

Ang Tibong Inlove |Season 1Where stories live. Discover now