"So?" hindi interesado na tanong ni Mamshe Dairsy, kaya napaangat ko ang isang kilay..

"What so?! Bastos ka, ah! Hindi mo kami kilala!" taas naman din ng kilay nung Caseylyn..

"Kakapakilala niyo pa nga lang, eh?" pamimilosopo ni Meane..

'Sa oras na kalabanin niyo kaibigan ko, tignan natin kung kayanin niyo.. Walang sakitan pero naidadaan sa salitaan.'

Napangisi ako at pinanood lang sila..

"Ha! Kayo na nga 'tong mga malalandi na mang-aagaw ng atensiyon ng mga boys! Kayo pa ang may ganang magyabang!" sabi nung Espasol Laraine.

"Mayabang na ba kami?"

"Oh yes, my dear! Ikaw pala 'yan ang malandi girl! Siya yung sinasabi kong nakaaway ko nung nakaraan. Si Iyakin Hahahahahaha!" Tawa naman ni zkira...

"Oo, iyakin ako. Ano naman? Kesa naman sa'yo--sa inyo! Mga attention lang ng boys ang kailangan.. Mga minor palang kayo pero gan'yan na agad kayo.."

"Anella, bakit hindi ka sumali? Mas magiging maganda ang labanan!" bulong ni Raiza sa'kin kaya napatingin ako sakaniya, itinaas niya ang dalawang kilay..

Napailing lang ako at tumingin ulit sa walo.

"Hindi na kailangan, baka mahimatay lang sila pagkinausap nila akong lima.. Kaya na ng mga kaibigan ko 'yan."

"Ang kakapal ng mukha niyo!" matapang na sabi nilang lima.. "Mukhang mali kayo ng kinakalaban, mga losers! KAMI ang susunod na haharangin na Campus queens at sa oras na makuha namin 'yon.. Sisiguraduhin naming babagsak kayo."

"Nakakatakot naman 'yang banta niyo.. Hay tsk tsk tsk!" pang-aasar ni Meane at Mamshe.

"Napakayabang niyo talaga!"

"Kung kami mayabang.. Pa'no pa kaya yung kaibigan naming ubod ng yabang?" ngising sabi ni Julzia.

"At sino naman 'yan?! Isa ring loser! Hahahahahaha!"

"Ayon, oh!" turo sa'kin ng mga kaibigan ko kaya tumingin sa akin yung lima at yung Kira naman ay nanlaki ang mata..

"I-ikaw?"

Kaswala akong tumango.. "Ako."

"At sino ka naman?" tanong ni Caseylyn, tumingin ako mismo sa mata niya at naglakad ng dahan-dahan...

"May hininga, may ulo, may katawan. Tao lang naman.. Bakit? May angal ka ba?"

"Ha! Nakakatawa ka isa ka pang pangit!" sabi nung pinakamaliit at nagtawanan silang lima, 'Mga buang amp,'

"Hindi ako pangit. Baka gusto mo pang isupalpal ko sa mukha mo yung mga umamin sa'kin.." ngisi ko sakaniya na ikinangisi din niya.

Ang Tibong Inlove |Season 1Where stories live. Discover now