Inikot ko na lang ang mga mata dahil hindi talaga ako kumbinsido na marunong siya sumayaw..

Napabaling ang pansin namin sa Grade 9 Last Section nang tumikhim si Tibo. Taas ang kilay na pinagmasdan ko siya.

Uminom siya sa bottled water nang hindi man lang dinidikit ang lips niya doon sa ulo ng bote saka niya iyon kaswal na inilapag sa tabi niya at pumalakpak ng tatlong beses.

"Since, naturo ko na yung iba pang steps na hindi ko naturo sa inyo kahapon.. At alam ko namang nakuha niyo na. I'll try to not help you kasi may possibility na hindi ako makapunta at maturuan kayo sa mismong dancing contest, just in case na mahuli man ako or what na sana hindi mangyari.." kalmado niyang sabi at tumikhim ulit"Okay, game! In 3.. 2.. 1.."

~Malayo ka man mahal lagi mong tandaan.. 'Di magbabago pag-ibig ko sayo lamang. Magtiwala ka lang tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa 'di 'yon makakahadlang! Kahit malayo ka man!~

Medyo magulo yung mga galaw nila dahil ang iba ay halatang "di marunong sumayaw...

Hininto niya ang tugtog at tumingin sa mga kaklase.. Kumagat siya sa labi at parang otoko na nagpamewang.. Para siyang nag-iisip..

Inipilig niya pa ang ulo at bumuntong-hininga.  "'Wag kayong titingin sa mga katabi niyo, okay? Yung tugtog sundan niyo.. 'Wag niyong kokopyahin yung step ng iba, okay? Focus sa sarili!"

Tumango naman ang iba at nagsimula ulit na sumayaw.. Napabuka ang bibig ng lahat nang nagsimula silang sumayaw na naging sabay-sabay..

"Ayan pero mas dagdagan niyo pa yung energy dahil nutrition month ang event, okay?" thumbs-up niya pa at pumwesto sa tabi nung isa niyang kaibigan na nalipat sa harap. "Ano yung pinakatinitignan ng judges? First of all, titingin sila sa mga mata niyo at kapg nakita niya kayong nakaiwas ng tingin na hindi naman konektado sa tugtog. They might think that you are not confident performing in front of them. They also judging your facial expression, lalo na kung ganito ang style ng sayaw.. I'll give you an example, ha.."

"Pwede ba akong maging judge?" malokong tanong ni Sir Algapa, tumitig sakaniya si Tibo at tumango na lang saka pinindot ang cellphone niya.

At..

"What.. The.. Hell!" awang ng labi ni Alline habang pinapanood si Tibo na sayawin yung mga steps habang nakatingin sa mga mata ni Sir Algapa at saka umikot at hindi iyon basta ikot lang.

Sa saktong pag-ikot niya ay humarap siya sa mga kaklase niya at nag-thumbs up. Saka na niya isinunod ang sunod na step..

Tinaas niya ang kamay at winave sa ere, first step.. Ang kanang braso niya ay parang naniniko.. Parang lang.. Second step tapos tinaas niya ang hintuturo sa kanan na parang 'wag..

"Gan'to kalalabasan niyan.."

~Mahal kamusta ka na? Mag-iingat ka palagi wag kang mag-alala..~

Nang magsayaw ulit siya ay natuwa ang iba at na-gets agad..

"Ang galing naman niya sumayaw!"

Ang Tibong Inlove |Season 1Where stories live. Discover now