Mahaba-haba ang sinusulat namin.. Tahimik at tanging aricon lang ang nagiingay habang patuloy sa pagsusulat ay biglang may kumatok.

Binuksan ni Miss Leyla ang door at nagulat ako nang makita si Anella, dahil nga nasa left side kami ay kitang-kita namin ang pintuan. So, kung sino man ang papasok or sisilip d'yan, kami ang unang makakakita.

"Oh! Can I help you, Miss..??" nagtataka na tanong ni Miss na parang tinatanong ang pangalan ng Anella.

"Anella Repzimo ho.." blangkong mukha na pakilala niya..

"Repzimo? Are you related with Mr. Aldrin Repzimo?"

"Yes, Miss."

" So, what do you need, Miss Repzimo?"

"May kukuhanin lang ho sana ako kay Mr. Repzimo."

"Okay. Mr.Repzimo!" tawag ni Miss Leyla kay Fafa Aldrin na tumayo at may binigay kay Anella.

Nakita kong bumuka ang mga bibig nila, halatang nag-uusap. Tumango-tango si Maela at nangibit-balikat. Nagulat pa kami nang halikan ni Fafa Aldrin sa noo si Anella at ginulo ang buhok nito.

Nang makaupo si Fafa Aldrin ay nagsalita si Miss Leyla..

"Magkaano-ano kayo ni Miss Repzimo, Mister Repzimo?"

"Siblings, Miss." simpleng sagot niya..

"Really? Kaya pala magkamukha kayo? Pareho din kayong pinagpala sa gandang lalaki at babae.. Sana gan'yan din kami, hays.."

Ngumiti lang si Fafa Aldrin at pinagpatuloy ang pagsusulat.

*KRIIIIIINNNG!!!!!!!*

Habang naglalakad kami papunta sa canteen ay may narinig kaming ingay. "Hey! You bitch! "

Agad kaming lumapit doon at nakita ng dalawa kong beautiful eyez at nanlaki ang mata nang makita yung pangalawa sa matangkad na kaibigan ni Anella, na nakayuko at umiiyak..

"A-ano bang nagawa ko sa inyo?" naiiyak na sabi na niya, nakakaawa siyang tignan..

"Psh! You don't know!? Nakukuha lang naman ng pangit mong mukha ang attention ng mga boys!" sigaw ni Kira.

Kira, the campus princess.. ONE of the campus princess and she's the leader of it. She's in Grade 9 level, but a 18 years old woman..

"H-hindi ko naman kasalanan 'yon eh.. Malay ko ba?" mahinang sabi nung kaibigan ni Anella..

'Asan ang mga kaibigan niya?'

Nagtataka ako kasi wala sila Anella. Like us, palaging magkakasama si Anella at iyong mga kaibigan niya.. Squadnga sila, eh.

"Ah at sumasagot ka pa??!!!" sigaw ni Kira at nagulat ako nang bigyan siya ng malakas na sampal sa kanang pisnge na naging dahilan para mapaiyak na siya, yumuko din siya dahil siguro sa hiya..

Parang nakaramdam ako ng awa kasi, umiiyak siya. Para siyang bata kung umiyak. Namumula din ang pisnge, at ilong niya. Pati na rin ang labi.

'Ganda..'

Ang Tibong Inlove |Season 1Where stories live. Discover now