Nang madako ang tingin sa'kin ni Kuya ay umirap siya na para bang sinasabi na 'mainggit ako.' Inismiran ko lang siya at muntikan pang matawa nang halikan ng kusa ni Mommy ang pisnge ko na siyang ikinasimangot naman niya..

"Eto kasing bunso mo, Mom.. Lagi na lang akong inaasar!"sumbong niya. Tinignan ko lang siya.

"Kalalaki mong tao.. Nagsusumbong ka pa kay Mommy." pang-asar ko..

Natawa naman si Mommy at Manang.

"Edi kay Daddy na lang!"naiinis na sabi niya..

"Kadiri ka, Kuya!? Mamaya niyan.." seryoso kunwari na sabi ko.. Tinignan naman niya ako ng masama na siyang nilabanan ko ng malokong mata.

"H-h-h-hoy! Ano 'yang iniisip mo riyan! Sapakin kita d'yan, eh!" pikon na sabi niya, ngumiti lang ko nang nang-aasar..

"Pikooooon! 1 point for Anell!!" makulit kong sabi. Kapag talaga kasama ko siya, nagiging makulit ako..

'Nasa mood, eh..'

"Nyenyenye!"

Hindi ko na lang siya pinansin at nagkibit-balikat na lang.. Famous kasi ako, kaya ini-snob ko siya.

'Yuck, Anella.. Ang corny mo, boy..'

"Good morning, My angels."sigaw ni Daddy at isa-isa kaming hinalikan sabay upo sa tapat ni Mommy..

"Good morning, Dad."sabay-sabay naming bati sakaniya, wow.. Pwede, ah.

"Dad, saan ba tayo pupunta mamaya?" tanong ko.. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti.

"Ie-enroll ko kayo sa school na mas malaki sa school niyo last year."

"Eh?" agad kumunot ang noo ko sa isiniwalat niya at napabuntong-hininga.

"Dad, pa'no yon? Nandoon yung barkada ko sa school namin last year." malungkot na sabi ni Kuya

"Don't worry.. Your Tito Kein and Tito Rylish said naman na doon din itatransfer ang barkada mo.." ngiting sabi ni Dad, nagtitinalon naman si Kuya..

'Tuwang-tuwa ang bata.. Tss. Bigyan ng jacket 'yan, corny naman.'

"Yessss!!!!! Whoooo!!!!!!" dagdag na sigaw niya pa. Nanahimik na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain..

Matapos naming kumain ay pinag-ayos na kami ni Dad. Naligo ako at nagbihis.. Hindi ko alam kung anong tinutukoy niyang paaralan, pero alam ko nang magkakaroon ako ng problema. Dagdag na problema, tss. Hindi ako nag-abalang mag-ayos dahil mag-eenroll lang naman. Isa pa, hindi ako masyadong pala-ayos katulad ng mga kaibigan ko. Kaya ang suot ko lang malaking t-shirt na itim at itim na pantalon, at saka converse na itim din.

'I love dark things, ba't ba?'

Pagkababa ko. Nauna na daw sila Kuya sa kotse. Hula ko, excited 'yan. Eww.. Tumakbo ako papunta sa kotse na nakaabang sa harap at pumasok sa backseat..

"Let's go." yaya ni Daddy na siyang tango lang ang naitugon namin.

Ini-start niya ang kotse at pinaandar...

Ang Tibong Inlove |Season 1Where stories live. Discover now