Pumasok sila, katulad ng gate, nakabukas yung pinto papasok sa loob ng building.

"Anybody home?" Nag-eecho yung boses ni Tyler sa loob.

Maluwag sa loob. Mataas ang bubong (MOA arena) nung naglakad-lakad sila, nakakita ulit sila ng pinto na nakaawang. Kusina pala at maraming pagkain. Si Pedro, kumuha ng mansanas tsaka peras. Alanganin pa syang kumuha pero nung sinenyasan sya ni Fred, naki sige na rin sya. Umiinom sila ng tubig nang mapansin nilang wala si Tyler. Palabas na sila ng kusina nung may marinig silang sigaw.

"Si Tyler"

"Saan galing yon?"

"What the man? Talk in english. I can't understand you!" Si Pedro.

Naulit yung sigaw. Mas malinaw na, sinundan nila yun, may isa pang pinto. Sa muling pagsigaw ng kaibigan nila, kompirmadong dun galing. May hagdan pababa. Hindi na sila nag-isip, mabilis silang bumaba.

Laglag ang panga nila nang makita ang mga malalaking glass container na may nakalagay na mga tao. Sa una, parang normal na mga taong nakapikit lang, pero nung nilapitan nila sabay-sabay silang napamura. May isang bata, pang tao ang lahat ng parte ng katawan, maliban sa kanang braso na parang sa alimango. Isang lalaki, na ang dalawang braso ay ahas, gumagalaw-galaw. May babae na ang ibabang katawan ay sa pugita.

Habang tumatagal, habang napupunta sila sa hilera ng mga container, lalong nagiging kahindik-hindik ang nakikita nila. May dalawang ulo sa iisang katawan, ang isa ay sa ibon. Ang isa ay sa tao. Meron namang may nakatahing bata sa likod ng lalaki. Pero ang pinaka nakakakilabot ay isang sanggol na may katawan ng gagamba, gising ito at umaasik-asik sa kanila.

"Pusang gala!" Naalis ang atensyon nya sa mga yun nang marinig si Fred. Sinundan nya ang tinitignan nito, napaatras silang tatlo. Nakahandusay sa sahig si Tyler, puro dugo, buhay pa at gumagapang papalapit sa kanila.

"Run!" Sigaw nito.

"What the f*ck is that?" Tukoy ni Pedro dun sa dalawang babae na may balat ng puno, nalaman nilang babae dahil daw sa kurba ng katawan at sa dibdib tsaka sa ano. Nakahubad yung dalawa at parang nagtatakang nakatingin sila. Hinila naman bigla ni Pedro si Tyler, mabilis masyado ang pangyayari. Basta nakita na lang nyang sumugod ang dalawa. Nakapa ibabaw na yung isa kay Pedro, yung isa naman kay Fred.

"Don't just watch Patrick! Help them you son of a b*tch!"

Kahit sugatan eh umibabaw si Tyler sa nakasakal kay Pedro. Pero tumilapon lang sya, sya naman ganon din ang ginawa, tumilapon sya sa isa sa mga container. Nabasag yun, nadaganan pa sya nung nasa loob. Nawawalan na ng kulay ang labi ni Fred nung natauhan sya, kumuha sya ng isa sa mga basag na salamin at sinaksak sa mata yung babaeng puno. Babae ang katawan nito pero nung pumalahaw eh parang sa lalaki. Nung makita ng kasama nito ang nangyayari, umalis sya kay Pedro at sumigaw din pero sya naman ngayon ang umatras. Sinamantala nila yun para makaalis. Akala nila ay okay na, makakaalis na silang maluwalhati sa sinumpang lugar na yun. Pero pagbukas ng pinto, napaatras ulit sila. May nakatutok ng baril sa ulo ni Patrick.

"Please, please" Umiiyak na sya nun. Masyado pa syang bata para mamatay, bata pa ang anak nya.

"I'm sorry. I have to" Sabi ng matanda.

"Diyos ko. Tulungan mo po kami. Diyos ko" Nasabi na lang nya bigla.

Nanlaki naman ang mata nung matanda. Umatras saka binaba yung baril.

"Pinoy ka?"

Tumango sya. "O-opo. Pati po sya" Turo nya kay Fred. "Kayo rin po?"

Natampal nito ang sariling noo. "P*t*ng*n*. Sumama kayo sakin. Yumuko kayo."

Nagtataka man, sinunod nila ang sinabi nito. Lumabas sila ng bakod at lumiko sa kanan, nagulat sila nang may pinindot sya sa isang puno at may lumaglag na hagdan. Tree house, na sobrang naka-camouflage. Ginamot nya ang sugat ni Tyler. Hinintay nilang matapos sya saka nagtanong.

"Ano po itong islang ito? Bakit kayo nandito? Yung mga nand---"

"Isa-isa lang ang tanong. Itong isla, hindi ko sasagutin. Sa nakita nyo naman diba? Ano ba sa tingin nyo yung mga nakita nyo sa baba?"

"Human experiment."

"Oo."

"Kayo? Kayo may gawa non?"

Tumawa sya. Pero hindi umaabot sa mata, peke. "Bantay lang ako dito bata. Dapat wala kayo dito."

"Eh sinong may gawa ng mga yun?" Si Fred.

"Hindi nyo na kailangang malaman. Yung dalawang nanugod sa inyo, si Vaku at Pesa. Mga bantay sila, ano bang kailangan nyo at napunta kayo dito?"

Sinabi nila sa kanya ang nangyari. Saglit syang nag-isip saka tumayo. May kinuha syang parang toolbox.

"Ayan, extra ko yan. Magpa-norte kayo, puro norte lang. Paaalisin ko kayo, pero hindi ko masisigurong ligtas kayo habangbuhay."

"Ano pong ibig nyong sabihin?"

"Sa buong facility, may mga camera. Yung mga taong yun, katulad nyo naligaw sila dito. Dalawang dekada na kong di nakakauwi sa Pinas, kaya nang malaman kong Pinoy kayo, hindi ko kayo ikinulong para pag-aralan nung mga doktor." May kinuha sya sa bulsa nya, ibinigay nya kay Patrick. "Ibigay mo ito sa asawa ko. Kapalit ng kalayaan nyo."

"Pero sabi mo hindi ka siguradong magiging ligtas kami habangbuhay? Anong ibig sabihin non?" Tanong ni Fred.

"Pinayuko ko kayo kanina para hindi nila makita ang mukha nyo kung sakaling i-review nila yung CCTV, susubukan kong burahin yung kuha nung pumasok kayo. Marami ng nagtangkang ibunyag itong project na ito pero walang makapagpatunay, walang testigo, walang patunay diba? Mag-iingat na lang kayo."

Pinaalis nya na sila at paulit-ulit na sinabing magpa-norte lang. Sinabi na lang nila sa mga kasama nila na may nakita silang mga tao, na akala nila pirata sila kaya nagkasugat si Tyler. Na kailangan na nilang umalis agad-agad. Hindi nila sinabi ang dahilan kung bakit. Darating na raw kasi ang mga Scientist bukas ng umaga, kaya kailangan na nilang makabalik sa barko. Pagbalik ay nandon na ang tinawagang rescue team, gumagana na ang radio ng matanda. Bago lumisan ang barko, binato nila sa dagat ang radio.

Bago sila maghiwa-hiwalay nila Tyler, napagkasunduan nila na mag-email sa isa't isa araw-araw.

Si Pedro ang unang nawala. Pero bago yun, ang laman ng mga emails nya eh may mga sumusunod sa kanya at parang nakikita nya ang mga babaeng puno. Sunod si Tyler, saka si Fred.

Isang linggo pagkatapos itong ikwento ni Pat sakin ay nawala sya.

Hunter

Scary Stories 5Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt