"Dahil kay Fille?" sagot na tanong ni Alyssa. Hindi na nila tinatawag na ate 'yung ibang seniors dahil ayaw ng mga seniors pero minsan ay ina-ate pa rin sila nila Alyssa.

"Sira. Siya 'yung reason ba't gusto ko makapasok sa team." sabi naman ni Gretchen. "Pero tinanggap ako ni Coach sa team kasi, wala, no choice siya eh."

"Don't say that." sabi naman ni Alyssa.

"Oo nga totoo, nakisali lang ako sa pagt-training nila para magpabibo kay Fille. Tinanong pa 'ko ni Coach "ano bang laro mo?" eh 'di ko rin alam, nasabi ko na lang tres, kasi 'di ba mahilig ako mag-tres, iba pala meaning non sa Volleyball." tumawa ito. "Pero tinanggap niya pa rin ako kasi need ng players ng team. He was like "sige pwede na 'yan"." natatawang kwento ni Gretchen.

"Ba't ba sinasabi mo 'yan?"

"Para sabihin sa'yo na unlike me, ikaw tinanggap ka kasi magaling ka talaga, sadyang wala ka lang talagang alam sa Volleyball kaya 'di mo pa alam pa'no gamitin 'yang skills mo. Akala mo pa nga nung una center position ni Jem 'di ba?" tumawa ulit si Gretchen pati si Alyssa dahil sa kahihiyan. "Makaka-rebound ba 'yon?" dugtong ni Gretchen at tumawa ulit sila.

"Nakakahiya 'yon. Kaya nga dapat mas manood ako ngayon eh, para mas matuto ako sa Volleyball."

"'Wag na nga, sira naman audio ng laptop mo pa'no mo malalaman sinong center diyan sa game?" pang-aasar ni Gretchen at pinaningkitan naman siya ni Alyssa ng mata.

"Wag na nga, 'di mo na kailangan manlait." sabi naman ni Alyssa at niligpit 'yung laptop niya habang tinatawanan siya ni Gretchen.

"Marami ka pang time para gumaling diyan sa Volleyball okay? 'Wag mo bugbugin katawan mo kaka-training ng pang-two days sa isang araw." bilin ni Gretchen sa kanya at tumango naman si Alyssa. "Oh dito ka muna sa kung sa'n ka talaga magaling. Paturo na." kinuha nito 'yung gitara at inabot kay Alyssa. Umiling si Alyssa.

"Ituturo ko lang 'di ba? Ikaw ang tutugtog." sabi naman ni Alyssa. Gretchen hissed pero sumunod na lang siya.

Sinimulan na niyang turuan si Gretchen nang 'di hinahawakan 'yung gitara, tinuturo lang ni Alyssa sa'n ipupwesto 'yung mga daliri.

"Dito 'yan." Alyssa said for the nth time kay Gretchen at hinawakan ang daliri nito at pinwesto nang tama. Tinuturo ni Alyssa 'yung chords ng Runaway ng The Corrs.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Dzi, kakauwi lang nito galing sa labas.

"Ba't ngayon ka lang?" reklamo ni Gretchen pagkakita niya rito. Tinignan din ni Alyssa ito. "Hep! Sapatos mo!" awat ni Gretchen at hinubad naman ni Dzi 'yung sapatos niya at nilagay sa gilid saka lumapit kila Alyssa.

"We finished our presentation for tomorrow pa kasi." sabi naman ni Dzi at umupo sa kama ni Gretchen. "So an'yare na?"

"Tinuturuan na 'ko ni 'Ly tagal mo eh." sabi naman ni Gretchen sabay tingin kay Alyssa. "Nag-gigitara nga rin pala siya, sa kanya dapat ako papaturo kasi ayaw mo eh. Pero ayun nga pumayag ka na."

"Oh, sige manonood na rin naman ako." sabi naman ni Alyssa at akmang kukunin 'yung laptop niya pero pinigilan siya ni Gretchen at Dzi.

"No ikaw na, I heard from Gretch na you two were in a band." sabi naman ni Dzi, gusto niya ring mapanood si Alyssa sakaling tumugtog 'to.

"Uh, yeah, disbanded na po." sabi naman ni Alyssa.

"Sayang naman, why?" tanong ni Dzi at sinenyasan naman siya ni Gretchen na 'wag na magtanong gamit ang mga mata nito.

She Still Does (AD) [Paper Planes book II]Where stories live. Discover now