First Part

27 0 0
                                        

Chapter 1

Isang maulang araw. "Lexy, paalis kana ba?" tanong ng mommy niya. "Yes mom, may iuutos ka po ba?" ang sagot naman ni Lexy. "Lexy, can you please go to your dad after your class, at itanong mo sa kanya, kung maaga syang makakauwi samahan nya ako, may event akong pupuntahan. " utos ng kayang mommy. "okay mom, yun lang? Bye mom, baka malate nako naulan pa naman" sagot ni Lexy na may roong buntong hininga.

Umalis na si Lexy at tumungo na sa kanyang eskwelahan. At nang makarating sya sa unibersidad, habang naglalakad sa hallway, nakasalubong nya ang kanyang daddy na si Marco Dela Torre, isang professor sa unibersidad na ito.

"Dad, mom said, na kapag maaga kang makakauwi samahan mo daw sya sa isang event mamayang gabi" Agad na bungad na pananalita niya, sabay beso sa kanyang daddy.

"Yes, actually pauwi nako, tapos na ang time ko sa pagtuturo" Sagot ng daddy niya.

"Oh, that's good, sige po dad may klase pako eh" Pamamaalam nya sa daddy niya.

"Sige hija, keep safe okay?" Pamamaalam din ng daddy niya.

"W-wait dad, diba isa sa student mo si Klint Jason Arceo?" tanong niya at agad na ngumiti.

"Oh, Yes hija? Why?" nagtatakang sagot nito sa anak.

"Ah, wala wala dad, bye"  Nakangiting umalis at nagtungo na sa kanyang unang klase.

Habang nagkaklase sila, nakatulala at napapa isip si Lexy kung bakit nya naitanong sa daddy nya si Klint Jason Arceo. Nangangamba tuloy sya na baka kung ano ang isipin ng daddy niya. At ng bigla syang kinalabit ng kayang bestfriend na si Aia Claveria Guinivere.

"Girl! Nagkaklase diba?" Pangookray ng kaibigan.

"Oy, sorry" Nabiglang sagot niya.

"Kung ano ano kase iniisip eh!" Sunod na sabi ng kaibigan.

At nang matapos na ang unang klase nila, nagyakag si Aia na pumunta muna sa cafeteria ng unibersidad, sa kadahilanang may isang vacant class naman silang nakalaan. At doon may hindi inaasahang magaganap.

"Hi Aia" Pang cacatcall sa kanya ng kalalakihan.

"Hi din sayo! bansot" Sagot ni Aia.

"Hayaan mo nalang sila Aia, baka isa lang sila sa walang nakuhang mabuting pagaaruga ng magulang nila" Pangaasar na sabi ni Lexy kay Aia para patamaan ang mga kalalakihang bully.

"Let's go Lexy!" Iritang pagaayang umalis ni Aia

"Hindi pa tayo tapos!" Pahabol at pabulong na sabi ni Aia habang dinuduro ang mga kalalakihan.

At sa makatuwid, inabot na sila ng susunod nilang klase kaya hindi na nila nagawa ang dapat nilang gawin sa cafeteria.

"Lex naman! I'm so hungry!" Nakasimangot at iritang sambit ni Aia.

"Mamaya na tayo kumain" Sagot ni Lexy.

"Okay! Fine! Hmp" Inis at matipid na sagot ni Aia.

"Kasalan modin naman!, nakipag talo kapa dun sa mga walang manners na lalaki."  Sumbat ni Lexy kay Aia.

Sa daan, papunta na sila sa susunod na klase, habang nagsusumbatan sila, biglang napatahimik si "ATE MONG GURL" nasi Lexy Dela Torre.

"Hi Lexy"  Matamis at mabait na bigkas ng isang lalaki.

"Oh, h-h hello Klint"  Nahihiya at pabebeng balik bigkas ni Lexy.

"T-t teka teka! ang kikire ha!"  Pangaasar na sabi ni Aia.

"May itatanong sana ako sayo Lexy, kung iyo lamang mamarapatin."  Maginoong bigkas ni Klint.

"A-a ano yun?"  Sagot naman ni Lexy na may kaba at kilig na kasama.

"May I ask, kung pwede ko bang makausap ang daddy mo? Pumunta daw ako sa bahay nyo, kaso hindi ko alam kung saan, kaya kung pwede sana, samahan moko?"  Tanong ni Klint.

"Osige, kelan ba?"  Masayang tanong ni Lexy.

"Bukas sana, after class kung pwede?"  Sagot at tanong ni Klint.

"Sige, bukas nalang"  Kinikilig na bigkas ni Lexy.

"Thank you Lexy, see you tomorrow, after class" Masayang bigkas naman ni Klint.

"Oh? Ano? Tapos na Lex?! Tara na! Late na tayo oh!"  Iritang sabi ni Aia.

"Oona Aia!, panira ng moment, sige na Klint bukas nalang, bye"  Mahinahong bigkas ni Lexy, ngunit may konting inis kay Aia.

"Sige Lexy and Aia, salamat talaga"  Nakangiting bigkas ni Klint.

At pagkatapos ng huling klase nina Lexy, agad na itong umuwi at nagpaalam na sa kaibigan.

"Aia, bukas nalang, nakakapagod ang araw nato, una na akong umuwi ah"  Pagod, pero masayang pamamaalam ni Lexy sa kaibigan.

"Osige Lex, see you tomorrow, at see you din kayo ni Klint, KIRE ng taon!" Pangaasar na pamamaalam ng kaibigan.

Agad na umuwi si Lexy sa kanilang bahay, at na abutan pa niya ang kanyang mommy at daddy na paalis nadin naman ng bahay.

"Good evening dad, mom, paalis naba kayo?"  Tanong ni Lexy.

"Yes hija, kumain ka nalang dyan okay? Sa event nalang kami kakain, bye hija, we're leaving na, take care hija, we loved you."  Her mom and dad said.

"Okay mom and dad, please take care of you too, and I love you too."  Sagot ni Lexy sa mga magulang nya.

Nagtungo na si Lexy sa kanyang sariling kwarto at nagbigkas ng salitang "Isang maulan at nakakapagod na araw na naman ang nangyari ngayon" hindi na siya nakakain, ng hapunan dahil pagkatapos magbihis ay agad na syang humiga.

Thanks God, isang araw na naman ang aking nalampasan.










Light and Dark of Love Stories to obsess over. Discover now