"It's pure business, hija. Isa pa, pwede naman nilang makilala ang isa't isa kapag kasal na sila. Naiintindihan kong hindi mo pa masyadong makuha ang nangyayari dahil bata ka pa lang. That's why I want you to study hard so your name will be next in line with your sisters," Ang ina nila ang sumagot.

"Tapos na po ako," mahinang sagot nito at nauna nang nilisan ang hapag. Sabay na umiling ang mama at papa niya.

"Yasha, kausapin mo si Armee. Ikaw lang nakakapagpakalma sa kapatid mo kapag ganoon iyon."

"Opo..."

"At ikaw naman Bleu, wala ka namang sasabihin tungkol sa merging ng chains of hotels natin sa Cordova, 'di ba?" nakataas ang kilay na tanong ng kanilang ama.

Sinulyapan niya ang kapatid na kanina pa tahimik at mukhang namumutla. I'm sorry sister... I can't help you right now.

"W-wala naman, papa,"halos pabulong na sagot nito sa kanilang ama.

"That's good. Finish your food, ladies," tumatangong wika ng kanilang ama. He looked so happy.

Napayuko na lang ulit si Yasha at pilit na inubos ang pagkain. She can't believe it! Pinagbigyan na ng ama niya na makapagsalita si Bleu tungkol sa kasal. Bakit hindi man lang ito tumutol?

Napapailing na lang siya hanggang matapos ang pagkain. Nang matapos siya ay nagpaalam na siyang umakyat sa kaniyang kwarto. When she got there, she directly went to shower. Kagagaling lang niya sa opisina kanina at iyon pa ang madadatnan niya sa hapag. She's been stress these past days dahil sa patong-patong na requests ng mga clients niya sa trabaho. Bihira na rin siyang nakakauwi sa bahay nila dahil doon.

Matapos maligo ay nagbihis na siya ng pantulog. She was currently combing her long, brown hair when she heard a knock on her door.

Hindi na nag-abalang magsalita pa ni Yasha dahil agad namang pumasok kung sino man ang nasa labas. And from the reflection from the mirror, nakita niyang pumasok ang dalawang kapatid. May bitbit na unan ang dalawa at mukhang doon binabalak na matulog.

"Can we sleep here, ate?" si Armee.

Tumango siya at tuluyan ng hinarap ang mga kapatid. She sighed when she glanced at Bleu. Iwas ito sa kaniyang mga titig at mukhang pagod na pagod.

"Come here..." tawag niya sa dalawa at nauna nang sumalampak ng upo sa kama. Sumunod naman sa kaniya ang mga ito na parehong tahimik.

"Bleu..." Yasha called her sister.

Nag-angat ng tingin ang kapatid at nagsimulang tumulo ang mga luha. Maagap niya itong nilapitan at niyakap.

"You should stop Papa's idea," sabi niya habang hinahaplos ang buhok ng kapatid.

"You know I can't do that," sagot ni Bleu. They both sighed.

"Iisip ako ng paraan para mapakiusapan siya," wika niya.

Armee rolled her eyes as she clung her arms around her and Bleu. "I don't know what gotten into Papa's mind. Ganoon na lang ba talaga ang kagustuhan niyang umangat ang pangalan natin?"

"Iniisip lang naman niya ang kinabukasan nating tatlo," sagot niya sa nakababatang kapatid.

"Isn't this all enough for us, three? I mean..." Armee groaned. "Hindi dapat pati personal na mga desisyon natin, hahawakan niya!"

"Armee..." pigil ni Bleu.

Umiling siya at pinisil ang pisngi ng kapatid. Sa kanilang tatlo, ang bunso lang talaga nilang kapatid ang mainitin ang ulo. Nagmana ito sa tatay nila kaya minsan ay nag-aalala siya kung paano ito hahawak ng business nila kapag nakapagtapos na ng pag-aaral.

Mistakenly Yours (Mistake Series #1)Where stories live. Discover now