"Yup. It's an asset din naman." Tumango ako.

Katahimikan ang siyang bumalot sa amin pagkatapos kong magsalita. Uminom si Ysmael ng wine at pinanood ko lang ang kanyang ginawa. Seryoso parin ang kanyang mukha. Abot abot ang kaba sa aking puso. Hindi ko malaman kung dahil ba iyon sa takot sa galit niya o sa komprontasyong alam kong siyang kahihinatnan ng gabing ito.

"Ysmael." Matapang kong sambit. "Tungkol sa sinabi mo sakin kanina..."

Tumingin siya sa akin, matalim ang mga mata.

"I-I-I just want to say that... it's too early to, you know," hindi ako makahanap ng tamang salita. "engage in a relationship with you."

"Binabasted mo ba ako, Megan?" Katakot takot ang tono niya. It kind of reminded me of Noah.

"No. I mean. No. I mean," umiiling ako sa bawat pabalik balik na salita. "I mean, we can stay friends and see if we should take it to the next level. Hindi naman pwedeng agaran-"

"You know I waited for years." Kumunot ang noo niya. "Pinili mo si Noah kahit na malupit siya sa'yo. Ngayon ay siya parin ba?" Tumikhim siya. "But I will respect your decision. But this time, please know that I won't accept bullshits and rejections, Meg. Dati mo na akong pinaasa sa wala. Dati mo na akong binilog. We didn't have our proper closure and this time, I don't want the damn closure. I want to see a good ending." Diretso niyang sinabi na para bang may business proposal siya sa akin.

Nilapag nong waiter ang pagkain niya at ang shake ko. Hindi ako makapagsalita dahil sa presensya ng ibang tao ngunit nang umalis ang waiter ay tsaka pa lang ako nagkatyempo.

"Ysmael, wag mo akong ipressure-"

"I am not, Meg. I just want to be fair. Hindi ako martyr. If you want me then you can have me right now. But if you don't, you have to tell me immediately so I can burn the bridge between us."

"What?" Nanlaki ang mata ko. Gusto kong magprotesta ngunit ayaw kong ipakita sa kanya na kinabahan ako sa pangalawang desisyon. Ibig sabihin pag binasted ko siya ay magagalit siya sa akin at hindi na ulit kami mag uusap? Kung tama ang naiintindihan ko sukat sa sinabi niya ay iyon nga ang mangyayari!

Nagtaas siya ng kilay. "If you're scared of losing me, then you should choose to have me. That's the thing about you. You only like the chase. You like rejection so much. It's your drug. Kaya nong hindi kita pinansin nong una ulit tayong nagkita ay nagtaka ka. You want the attention. You want the people who can't give it to you. You like to like those who can't like you back. And when they do, you'll drop them." He said matter of factly.

Laglag ang panga ko sa mga sinabi niya. Those words kept me awake the whole night. Hindi ako makatulog lalo na't panay na naman ang balita nina Wella sa akin tungkol sa pagkaka full ng gig nina Noah kung saan. Kahit si Everlyse ay naroon. I just couldn't go out tonight. Masyadong malalim ang iniisip ko.

Tinulugan ko ang pag iisip ko. Sa Sabado ay tinapos ko ang mga hindi ko nagawang tapusin kahapaon. Ang tanging naging libangan ko habang ginagawa iyon ay ang mga munting texts ni Noah na kahit nakakairita ay inaamin kong nakakapagpangiti sa akin.

Noah:

Just woke up. What are you doing?

Kahit na unknown number ay pakiramdam ko ay alam na alam ko nang siya iyon. Napatingin pa ako sa orasan na ala una na ng hapon. Ganitong oras siya nagising ngayon dahil sa gig nila kagabi? It must have been very good, huh?

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon