PROLOGUE

11 2 0
                                    

Prologue

"Good Morning, Class." bungad ni Ms. Andres- ang Home room teacher ng Section A- nang makapasok siya sa loob.

Agad na nag-sitayuan ang mga estudyante at saka bumati. "Good morning, Ms. Andres."

"Okay, sitdown." utos niya. "Today, i'm gonna be introducing you a new student of this class--"

Hindi na natapos ng Professor ang kaniyang sasabihin dahil agad na nagkagulo ang mga estudyante.

"May transferee?"

"Lalaki kaya?"

"Sana gwapo!"

"Nakaka-excite! May bagong mukha!"
Sari-saring reaksyon pa nila.

The professor banged her desk to get the attention of all.

"Keep quiet and Listen!" sigaw pa niya at agad naman na natahimik ang lahat. "He's a transferee, so please be nice to him. Ms. Alfaro?" tawag pa niya sa kanilang Classroom president na si Seah Caleesta Alfaro.

"Yes, Ms.?" Seah stood up and replied.

"I need you to show him around the Campus. He isn't familiar here yet so, i'm relying on you with this one."

"No problem, Ms.!" Nakangiting sagot ni Seah at saka naupong muli.

Muling nagkagulo ang buong klase, lalo pa at nalaman nilang lalaki nga ang bagong transferee. Ngunit, agad din iyong napawi nang may marinig silang katok sa pinto. Sabay-sabay silang lumingon doon.

"Excuse me, Ms. Andito na po siya." anang student council president na siyang nasa labas ng pinto ngayon.

"Tell him to come in, please. Ako na ang bahala sa kaniya, you can go back to your class." tugon ni Ms. Andres.

Tumango na lamang ang dalaga at iginiya papasok sa pinto ang nasabing transfer student, matapos ay umalis na din siya.

"Ang gwapo!"

"Oppa!"

"Mas gwapo naman ako diyan."

"Swerte ni Seah, makakasama niya mamaya yan."

"Ang puti!"
Muli, ay sari-saring komento nila nang tuluyang masilayan ang mukha ng bago nilang kaklase.

"Good Morning, everyone." He confidently greeted each and everyone inside of the classroom.

Mahinang nagtilian at nagbulungan sa kilig ang mga babae na nandoon. Ang iba ay hinawi at inayos pa ang mga buhok para magpaganda.

"Good Morning, Mister. Would you mind introducing yourself?"

"No problem, Ms." sagot niya at saka hinarap ang buong klase. "Hi, my name's Xzander Isaac Henderson. I'm from Stanford University California, USA. I hope we'd get along well."



~♣~

In the Game of Love [A short story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon