"So...that Hanah I think she likes you!" Natatawang pangaasar si Sam sa kanya.

"Huh !? I dont think so ?" Simpleng tugon nya dahil sa paningin nya imposibleng mangyari yun dahil babae pa rin naman sya .

"I mean she's just a teenager who loves joking things " aniya habang abala sa pagmamaneho .

"If you say so...pero kung tama ang hinala ko kawawa naman sya ..dahil malas nya lalaki din ang gusto nang ginusto nya bwahahah!!" Parang baliw na tawa naman nito habang may paghampas pa sa kanya ..pero anong hinala ang sinasabi nito ? Naalala nya yung mga pinaggagawa nito kanina.

"HOOY!! Wag mo sabihing yung mga pinaggagawa mo dun kanina eh para lang obserbahan si Hanah?" Aniya habang pasulyap sulyap dito habang nagdadrive nakita naman nya ang pagngiti ngiti nito .Naalala nya kanina yung mga pinagsasabi nito saka yung pagiging sweet nito kanina sa tuwing kausap nya si Hanah.

"Actually sinadya ko rin yung kanina sa kotse ..and see nagalit sya hahaha" matagumpay na tawa naman nito.

"Sinabi ko na sayo makulit lang talaga yun si Hanah " aniya.

"Ok sabi mo eh ...Rckey baby!" Pangaasar pa nito na ikinailing lang nya .

Pagdating sa bahay naisipan nilang manuod nang movie kaya sa kwarto muna nya matutulog si Sam ngayon .Napagusapan na din nila ang pagkikita nang kapatid nito kanina saka yung tinext sa kanya dati ni Austin na uuwi ito sa Pilipinas pero di pa alam kung kailan.

KINABUKASAN maagang nagising si Tyler para magworkout ,habang nagdadumbell sa labas nang bahay tinanaw nya ang mga bahay nang kaibigan pero mukang tulog pa ang mga ito ...napagod siguro sa pagsuswimming kahapon.

Habang nagpapahinga naisipan nyang buksan muna ang facebook nang biglang may nagnotif sa kanya galing sa GC nilang magkakaibigan silang apat lang dati ang kasali dito pero inadd na rin ni Denver si Rckey sa GC .

Rckey(the handsome): Good morning guys!
Chat ni Rckey sa Gc pero mukang sya palang ang online.

Tyler(mutekid): Aga mo.
Maikling chat nya .

Rckey(the handsome): hi Tyler nasan yung iba?

Tyler(mutekid): mukang tulog pa

Denver(alien): PRESENT!! Pero sino na naman hudas ang nagpalit nang nickname ko?!

Jhana(pretty): bakit may angal !!?

Denver(alien): wala namang problema Jhana my loves hehe ganda nga nang ipinalit mo eh .

Jhana(pretty): good. Hi pala Rckey

Rckey(the handsome) : hi Jha! Sya nga pala gusto ko kayo ulit iinvite ngayon dito sa bahay wala kasi akong kasama ang boring

Denver(alien) : geh ba ! Basta may fooodss!

Jhana(pretty) : patayguts!

Rckey(the handsome) : ano guys game ba ? Pero kung pede overnight sana para masaya then movie marathon tayo!

Jhana(pretty) : Game!
Denver(alien): Game!
Tyler(mutekid): ge.

Tipid na sagot nya . madami pang pinaguusapan sa GC pero pinili na lang nyang magout na, puro pagtatalo lang naman nung dalawa nila Jhana ang makikita nya .

Alas singko pa lang eh pumunta na sila sa bahay ni Rckey dahil hindi naman masyadong excited ang dalawa nyang kasama na halos mapuno nang gamit ang bagpack na dala nang mga ito eh samantalang isang gabi lang naman silang matutulog dito. Hindi nakasama si Hanah dahil may exam pa to bukas kaya kailangan magaral.

"Waahh!! Gusto ko to!" Ani denver habang namimili ang mga ito kung anong movie ang magandang panuorin.

"Eto na lang oh...ang pangit nyan !" Tutol naman ni Jhana . Nasa kwarto kasi sila ni Rckey ngayon dahil alas syete na rin kaya naisipan nilang manuod na nang movie ..nakaupo sa sahig ang tatlo nila Denver, Jhana at Rckey habang namimili nang movie ,sya naman ay nakaupo sa paanan nang kama.

"Anong oras na ba ?" Humihikab na tanong ni Jhana .Mukang antok na ito dahil panglimang Movie na rin nila to .

"11:00 na" sagot naman si Rckey habang busy pa rin sa panunuod . Hindi na tumugon pa si Jhana dahil nang tingnan nila ito ni Rckey ay tulog na ito habang nakasandal ang ulo sa balikat si Denver na tulog na rin habang nakasadal naman ang ulo nito sa headboard nang kama ..nasa kaliwang dulong part kasi nang kama si Denver at jhana habang sya naman ay kanang dulo naman nang kama kalapit ni Rckey .

"Mukang tulog na sila ah ang hihina"mayabang na usal naman ni Rckey habang ngumunguya nang cookies ...napatawa na lang silang dalawa.

"Hindi ka pa antok?" Tanong nya dito habang nakatutok na rin ang paningin sa screen nang T.V.

"Hindi pa eh sanay naman akong magpuyat" tugon nito.

"Wal----"

"Ano yun?!" Nagulat sila nang biglang parang may ingay na nanggagaling sa baba nang bahay ..nagkatinginan silang dalawa ni Rckey.

"Titignan ko" aniya sabay tayo papuntang pinto pero agad syang pinigilan ni Rckey ..nagtatakang tiningnan nya lang ito habang mabilis na pinindot ang cellphone ..

"Kailangan natin to para safe " nagulat sya nang makitang parang monitor nang CCTV ang nasa Cellphone nito ngayon ...nakikita nya ang kusina pero wala naman tao o ano mang kakaiba, then pinindot naman nito ang daan kung saan kita ang labas nang bawat kwarto pero wala naman , sunod nilang tiningnan ang sala at dun nakita nila mula sa CCTV ang limang lalaki na nakabonet at puro itim ang suot na abala sa paghahalukat nang mga gamit ..meron pa silang nakita na dahan dahang binibitbit ang malaking flatscreen TV sa sala.

"Shit!! Magnanakaw!" Gulat nyang sambit ...mabilis naman kumilos si Rckey upang gisingin ang mga natutulog na kasama....walanjo totoo ba ang lahat nang nangyayari ?! Nilooban sila!!

He's a SheWhere stories live. Discover now