Prologue

59 5 0
                                        

"Lumayas kana dito. Sa amin na ang bahay na ito Sierra."

"Pero tita? This house is mine! Sa akin ito ibinigay ni Dad bago siya namatay."

"Wala akong pakialam. Go and get all your stuff here, and get out of my house! "

Ano pa nga bang magagawa ng dalaga? Namatay na ang kanyang mga magulang at mag-isa na lamang ito sa buhay. Mayroon nga siyang mga kamag-anak ngunit kung ituring nila si Sierra ay parang hindi nila ito kadugo. Marahil kung kasama niya ang kanyang mga magulang ay hindi siya magkakaganito.

Naiintindihan naman ni Sierra kung bakit ganoon ang trato ng mga kamag-anak niya sa kanya. Isa lamang siyang hamak na ampon. Hindi siya tunay na anak ng mga itinuring niyang mga magulang.

Umiiyak na nagtungo si Sierra sa kanyang kwarto at sinimulang ilagay sa kanyang maleta ang mga gamit niya. Kinuha niya din ang paborito niyang gitara. Mahilig kumanta at magaling tumugtog ng gitara si Sierra. Mahalaga ang gitarang iyon sapagkat regalo ito ng kanyang Daddy nung buhay pa lamang ito. Habang nag-eempake ay nakita niya ang isang sulat mula sa kanyang closet.

Kinuha niya iyon at binasa.

"Anak. Alam kong mangyayari ito. Hanapin mo ang taong ito anak."

Walang ideya si Sierra kung sino ang lalakeng iyon. Sapagkat sa buong buhay niya ay ngayon niya lamang ito nakita. Matalino si Sierra at alam na agad nitong may posibilidad na ito ang kanyang ama.

Itinago niya ang lumang litrato. May kalumaan na rin ang litrato at isang hila mo lamang dito ay siguradong mapupunit na at hindi na rin nakikita ng mabuti ang lalake sa litrato.

Pinunasan ni Sierra ang mga luha sa kanyang mga mata at tsaka ito lumabas ng kwarto at nagpaalam sa kanyang tita.

"Tita aalis na po-"

"Just go. Wag ka ng babalik dito. Isa ka lamang ampon kung kaya't wala kang karapatang manatili dito." masungit na singhal ng kanyang tita.

Tumalikod na lamang si Sierra at nagpunta na sa labas ng bahay. Nakatayo siya sa harap ng bahay nila kung kaya't kitang kita nito ang bahay na kanyang kinalak'han. Maraming ala-ala dito na nangyari sa kanya. Masasayang ala-ala na babaunin niya hanggang sa umalis ito sa tahanang iyon.

Napabuntong-hininga si Sierra. Sapagkat hindi niya alam kung saan ito makakahanap ng maari niyang tirhan. Kinuha niya ang kanyang wallet at tiningnan nito ang laman.

Meron pa siyang pera na nagkakahalaga ng labing-limang libo. Tiningnan din ni Sierra kung ilan pa ang laman ng kanyang ATM Card at napangiti ito ng makita niyang meron pa siyang One Hundred Fifty Thousand dito.

Ibinigay ito ng kanyang mga magulang noong buhay pa sila. Malaking tulong na ito para kay Sierra.

Nagsimulang maglakad ang dalaga. Tila isang ibon ito na hindi makalipad. Ni wala siyang alam kung nasaan siya. Hindi din niya alam kung paano siya makakahanap ng matutuluyan niya ngayong araw.

Dahil sa pagod ay naisipan muna ni Sierra na mag-pahinga. Naiiyak ito hindi dahil sa pagod kundi dahil sa lungkot na nararamdaman niya. Wala na siyang karamay sa tuwing siya ay malungkot. Hindi sana siya magkakaganito kung mayroon pa ang mga magulang niya. Nasa kalagitnaan ng paghihinagpis si Sierra ng biglang..

"Miss. Hold up to! Wag kang sisigaw kundi papatayin ka namin."

Napatingin si Sierra sa dalawang lalake na nasa tabi niya na kung saan may hawak itong baril.

"K-kuya. Wag p-po please! Maawa-"

"Akin na yang wallet mo!" pagbabanta ng lalake sa dalaga.

"Pero kuya wala na po akong pera." Pagmamakaawa ni Sierra sa lalake

"Ibibigay ko sa akin yang wallet mo o baka naman gusto mong patayin na kita mismo dito?"

At wala na ngang nagawa si Sierra kundi ibigay ang wallet niya na naglalaman ng kanyang mga pera na gagamitin sana niya para makaraos sa pang araw-araw.

Sadyang mapaglaro ang tadhana at kung kailan wala siyang matitirhan ay doon pa siya nanakawan.

"Paano na ako nito? Please God, help me." bulong nito sa kayang sarili.

Tanging maleta na lamang at ang kanyang gitara ang naiwan sa kanya. Mabuti na lamang at hindi ito idinamay ng mga magnanakaw na iyon. Dahil nandoon pa naman sa kanyang maleta ang  larawan ng lalakeng hindi pa niya tukoy kung ano nga ba ang katauhan nito.

Habang naglalakad si Sierra ay nakaramdam ito ng gutom at nagkataong nakatapat pa siya isa isang Carinderia. Ngunit ang problema ay wala itong pera pambili ng kanyang pagkain kung kaya't napabuntong-hininga na lamang siya.

Nagpatuloy ito sa paglalakad at hindi ininda ang pagod at gutom na kanyang nararamdaman. Ng makita niya ang isang restaurant na naghahanap ng isang janitor.

Sa panahong iyon ay sumilay sa labi niya ang ngiti at sinubukang mag-apply. At sa awa ng Diyos ay natanggap ito. At sa mismong araw na iyon ay maaari na siyang magtrabaho.

"Huy Ms. Anong pangalan mo? Baguhan ka dito?" tanong ng isa mga empleyado ng restaurant.

Katatapos lamang ng kanilang trabaho at pagod na pagod narin si Sierra dahil wala pa itong kain simula nung umaga.

"Gutom na ako." tanging nasambit nito sa lalakeng nagtatanong sa kanya.

"Yun lang pala e . Halika na , ililibre kita." Pag-aaya ng lalake kay Sierra.

-

"Dahan dahan lang Ms. Baka mabilaukan ka nyan." natatawang saad ng lalake.

Patuloy lamang si Sierra sa pagkain. Halatang gutom na gutom ito.

"Gusto mo pa ba? Oorder pa ako."

"No. Busog na ako. Salamat sayo ha? Hayaan mo pag may sahod na ako, ako naman ang manlilibre sayo."

"Hindi mo na kailangang gawin yon. Ako nga pala si Andrei." Iniabot ng lalake ang palad nito sa babae upang makipag-kamay.

Tinanggap naman agad iyon ni Sierra.

"I'm Sierra. Sierra Grey." sagot nito.

"Teka lang ha? Dito kalang Ms.Sierra. Magbabayad lang ako" Pagpapaalam ng lalake at nagpunta ito sa counter.

Hiyang hiya man si Sierra sa nangyari ay wala na itong magawa. Gutom na gutom na ito at ni pisong duling ay wala siyang hawak. Mabuti na lamang at nakilala niya si Andrei at nilibre pa ito.

Pagkatapos magbayad ni Andrei ay pinuntahan niya si Sierra sa upuan kung saan sila kumain.

"Saan ang bahay nyo? Hatid na kita Sierra."

"Pero wala akong matitirhan. Pinalayas ako sa amin e." Nakayukong tugon ni Sierra

Naawa naman ang lalake kay Sierra. At makokonsensya lamang ito kung hahayaan at iiwan niya lamang ang dalaga.

"Kung gusto mo doon ka muna sa amin Sierra."

-






SaviorWhere stories live. Discover now