PROLOUGE

68 2 0
                                    

"gising na siya!"
"tatawagin ko na yung doctor"
"Bilis"

Ang mga salitang yan ang unang narinig ko sa pag gising ko sa matagal kong pagkakahimbing.

Inikot ko ang paningin ko pero wala si Bright.

Kita sa mga mukha nila ang saya at halos mangiyak-ngiyak na sila dahil nagising ako, pero halata din sa kanila mga mukha ang pagtataka kung bakit ako lumuluha.

"Anak bakit ka naiyak?" Maluha luhang sambit ni mama. Wala akong masagot sa sinabi niya, kahit ako litong-lito na rin kung ano ang nangyayari.
"Andito na po ung doctor niya!" Sigaw ng bestfriend ko na si Shift habang nakasunod sakanya ang doctor ko.

Hindi ko na alam kung anong nangyayari ang tanging naiisip ko lang ay.. 'nasaan si Bright' 'Bakit wala siya dito' 'sabi niya hindi niya ako iiwan'

Lumabas na ang doctor ko upang kausapin sila mama at papa.

"Tita ako po muna bahala sakanya okay lang po kausapin nyo po muna si Doc" saad ni Shift.
"Ikaw muna bahala sakanya ah after kasi nito uuwi muna ako kukuha ng damit niya" sagot ni Mama at tumango naman si Shift.

Ng makalabas sila mama agad kong kinausap si Shift. "Asaan si Bright?" Habang nakatulala pa ren ako, natawa naman siya "Bright? May kilala ka bang d ko kilala? Sino yon?" "alam mo ikaw nakakainis ka, tagal tagal mong natulog pitong buwan kang tulog alam ko ba yon ha ikaw lalake ka." Dugtong pa niya

Tama ba ang narinig ko pitong buwan akong tulog, pitong buwan akong comatose??

"Hindi totoo yun, gising ako, araw araw akong naigigising pero hindi ko kayo makita"

Halata sa mukha niya ang pagtataka siguro iniisip niya na baliw ako, pero hindi talaga ako tulog eh naalala ko pa lahat, kanina nga lang kasama ko si Bright pero wala siya dito

"Anong hindi ka tulog, alam mo anlakas nga siguro nung pagka bagok ng ulo mo tsk" 
Nagtaka ako sa sinabi niya ang naaalala ko lang nagbreak kami ni May, nagdrive ako tas nabunggo ako, at ang sumalubong sa pag gising ko ay si Bright

Anong nangyayari? Bakit sinasabi nilang natulog daw ako, pero nagising naman ako ka sama si Bright, sumasakit ang ulo ko bakit ganto anong ibig sabihin nito?

"Dinalaw ka nga pala ni May dito last week"
Napatingin ako kay Shift dinalaw ako ni May? Kaylan? Bakit hindi ko maalala
"Kaso ayon tulog ka pa den kaya ayun iyak siya ng iyak sinisisi yung sarili niya" dugtong pa niya.

~~~~

Andami kong tanong sa utak ko ng mga oras na iyan pero hanggang sa tumagal rin ang panahon nalaman ko ang totoo at isa lang ang sigurado ako sa ngayon...

"Hindi totoo si Bright, he only exist in my mind"

Isinulat ng Tadhana [brightwin] Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ