Zyanna's POV
"Ano ba Zy kanina ka pa tulala" biglang sabi sakin ni Mae.
"W-wala" mabilis pero nahihirapang sagot ko.
"Hay nako Twinny. Tumigil ka alam kong may nangyari sa inyo ni Kj" sabi ni Mae kaya agad akong napalingon sa gawi niya.
"Twinny ang h-hirap na" umiiyak na sabi ko "B-bakit kailangang i-iwan niya k-ko? Paano yung p-pangako namin sa isa't-isa?" dugtong ko pa.
Hindi na nagsalita si Mae, dali dali siyang lumapit sa akin para yakapin ako.
Si Mae nalang ang natitira...
Si Mae nalang ang kasama ko.....
Iniwan na nila ako........
Dahil sa isang pangakong napako ay naranasan kong mawasak ng tuluyan.
Ang buhay kong nakakasawa at puno ng kasinungalingan. Sana..maging maayos na ang lahat.
"Shh. Taan na Twinny, nandito lang ako 'di kita iiwan." ang mga salitang 'yon ang nagpqgaan sa loob ko.
"Hoy! Anong drama yan? Ay ang daya nila sis. Anong topic? Spill the tea sis!" biglang singit ng bagong dating na si Cass.
"Tss. Ayan na naman po siya" sabi ni Mae
"Ano na naman Mae ha? Lagi kang ganyan sakin" sabi naman ni Cass sa kanya.
Nagsimula silang magbangayan, kahit ganyan sila mahal ko sila. Sila nalang yung tanging natitira sakin.
Natigil ako sa pagiisip dahil tumunog ang cellphone ko.
Kuya panget calling....
Sinagot ko agad ang tawag
[Hello?] sabi ni Kuya sa kabilang linya
"Hello Kuya, bakit ka napatawag?"
[Nasan ka? Susunduin kita may bisita ka] sabi niya
"Huh? Sino? Nandito ako kina Mae" sabi ko habang nagtataka kung sino ang bisita ko.
[Papunta na ko dyan, sa bahay mo na alamin kung sino bisita mo] sabi niya sabay end ng call.
"Papunta na dito si Kuya, uuwi na daw ako kasi may bisita daw"
"Si Kuya Pau? Sino bisita?" sabi ni Mae
"Wow himala susunduin ka nya" sabi ni Cass sabay tawa
"Di ko alam kung sino e" sabi ko
Napatingin kami sa labas nang may bumusina sa labas, nakita ko si Kuya. Mukhang kakatapos niya lang magbasketball kasi naka uniform pa siya.
"Zy lika na" tawag sakin ni Kuya
Lumingon ako kay Cass at Mae para magpaalam bago maglakad papunta kay Kuya.
"Kuya sino bisita natin?" tanong ko sa kanya habang nagmamaneho siya.
Tiningnan niya muna ako bago tumingin mula sa daan. Bumuntong hininga siya bago magsalita
Parang gusto ko nalang ulit bumalik sa bahay nila Mae nung nalaman ko kung sino ang bwisita este bisita
"Si...Kj, si Kj ang bisita mo" sabi ni Kuya..
-_-
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
YOU ARE READING
Promise
Teen FictionThey first met during Elementary days at Journalism contest. Kj make the first move. They became close but something bad happened.
