Nahuhulog ako sa medyo may kadilimang lugar.
Hindi ko alam kung nasaan ako pero para bang may hinahabol ako, hinahabol na isang bagay.
Naka-patiwarik ako at bumubulusok ng mabilis pababa, ramdam ko ang malakas na hangin na siyang nanunuot sa aking balat, buti na lang at naka-suot parin ako ng damit at sapatos na suot ko kanina.
Nasaan naba ako? wala akong matandaan kung paano ako napunta sa lugar na ito.
Pinagmasdan ko ang paligid habang patuloy parin akong nahuhulog sa kung saan. Tanging ang mga kulay berdeng ulap lamang ang aking nakikita dala siguro ng kaunting berdeng liwanag na nagmumula sa ibaba.
Maya-maya pa ay bigla na lamang akong bumagsak ng sobrang bilis at papalapit na ako ng papalapit sa ibaba, wala akong nagawa kundi ang iharang na lamang sa aking mga mata ang braso ko dahil sa nakasisilaw na liwanag.
" Sumama ka sa akin, dadalhin kita sa lugar na iyong hinahangad, sa lugar kung saan ay malaya ka. . .
Bilisan mo . . .
Halika ka na. . .
Bago pa mahuli ang lahat "
Bulong ng isang malamig na tinig habang ako ay naka-pikit.
Sino iyon? ang sarap sa pakiramdam ng kanyang boses, saan nagmumula ang tinig na iyon?
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at may nakita akong isang bagay, isang bagay na lumilipad?
Hindi ko maaninag ng mabuti kung ano o sino ba iyong lumilipad na iyon, nag-a-adjust pa kasi yung paningin ko dahil sa sobrang liwanag dito.
Nang medyo umaayos na ang paningin ko ay bigla namang umikot ang paningin ko, o baka naman yung lugar ang umiikot? hindi ko alam, basta ang bilis, nahihilo na ako, pakiramdam ko lalong bumaligtad yung sikmura ko dahil naka-patiwarik na nga akong nahuhulog kanina at pagkatapos ay umiikot pa ngayon.
Kahit hilong-hilo na ako ay pinilit ko paring imulat ang aking mga mata upang makita ko kung ano naba ang nangyayari.
Pagdilat ko ay napaka-raming balahibo ang lumilipad papunta sa direksyon ko, mga puting balahibo, at bago pa man ako tamaan ng mga ito ay isang naka-bibinging sigaw ang kumawala at halos sumira sa pandinig ko, isang matinis na sigaw na tila nasasaktan ng sobra-sobra.
Napa-takip ako ng aking mga tenga at muling napa-pikit dahil doon.
Maya-maya pa ay naramdaman ko na lamang na huminto na ang pagbulusok ko pababa. Wala akong naririnig na kahit ano, pakiramdam ko ay nawalan na ako ng pandinig.
Sinubukan kong idilat ang aking mga mata ngunit pati paningin ko ay tila nawala narin ng tuluyan.
Tumayo ako sa pagkaka-upo at sinubukang mag-lakad sa kawalan ng dahan-dahan dahil baka mamaya ay mahulog nanaman ako sa kung saan.
Naglakad ako ng naglakad at maya-maya pa ay naka-rinig nanaman ako ng isang boses, ngunit iba ito sa kaninang boses na narinig ko, nakakatakot ito at nakaka-panindig ng buhok sa katawan.
" Saakin ka sumama. . .
halika na, tanggapin mo na ang iyong tadhana. . .
sumama kana sa akin. . .
dahil ikaw at ako ay iisa lamang. . .
Sino kaba? magpakita ka! sigaw ko sa kawalan ngunit isang nakakatakot lamang na halakhak ang narinig ko.
At habang tumatagal ay palakas ito ng palakas at mukang palapit rin ng palapit.
Sino kaba talaga? magpakita ka! galit kong sigaw kasabay ng isang kamay na bigla na lamang sumakal sa akin.
YOU ARE READING
CHOSEN
FantasyIf you were reading this book right now isa lang ang ibig sabihin noon, na naiiba ka sa lahat, hindi ka normal na tao, hindi PANGKARANIWAN. Sa mga oras na ito ay malamang nag-iisip kana ng kung ano-ano dahil sa mga nababasa mo. May parte sa sarili m...
