CHAPTER 17

243 6 0
                                    

CALOY'S POV




(Play: hiling by mark carpio)





" CED!!! hoy! ced!! "




" nandito ka ba!? ced please! lumabas kana! "





" ced magpakita kana! hindi na nakakatuwa!! "





" ced please!!! "




mga sigaw ko na nagwasak sa katahimikan ng buong parking lot.





" caloy, please tama na yan " pigil ni ayel sa'kin.





" hindi ayel! nandito sya! magpapakita sya! maghintay lang kayo " sagot ko.





confident akong magpapakita sya!! dahil hindi ako baliw! and alam kong hindi magagawa ni ced na iwan nalang ako basta-basta, hindi sya ganung tao





" bro! mag-iisang oras na natin syang hinahanap! ano kaba!? " reklamo ni deanna, kaya napatingin ako sa kanya





" kung gusto mong umalis then go! sige na! umalis na kayo! kaya ko syang hanapin mag-isa! " inis kong sabi.





" caloy, please? itigil mo na'to " muling eksena ni ayel, sabay hawak sa braso ko.





bakit ba sila ganito!? bakit pinagmumukha nila akong baliw!? bakit ba ayaw man lang nila magbigay ng chance para mapatunayan kong totoo sya at hindi ako nasisiraan ng bait!




" ano ba ayel!? totoo nga sya! bakit ba ayaw nyong maniwala sa'kin!? dito ko nga sya unang nakita oh!! dito kami nagkikita at dito sya naghihintay sa'kin! nagsasabi ako ng totoo ayel please! maniwala ka naman! kahit ikaw lang! " inis kong sabi sa kanya.





" gustohin man naming maniwala sayo, pero caloy paano!? tanggapin mo nalang kasi na si ced ay part lang ng imahenasyon mo! caloy pakawalan mo na yang sarili mo! ipahinga mo na yang puso mo! ni-hindi ka na nga namin kilala! " tugon ng bestfriend ko.





hindi ko akalain na kahit sya hindi maniniwala sa'kin






hindi ko akalin na kahit sya na bestfriend ko tatalikuran ako!





hindi ko akalain na pati sya iisiping may sira ako sa utak!





" p*tcha naman! so, sa tingin nyo baliw talaga ako!? sa tingin nyo kakausapin ko talaga ng mag-isa ang sarili ko!? iniisip nyo ba talaga na makikipag-date ako sa sarili ko!? isasayaw ko ang sarili ko ganun!? ano bang utak meron kayo!? " sagot ko.






" caloy! hindi namin iniisip yan! wag ka ngang negatron jan! " aie said.







" nega!? talaga!? eh! anong iniisip nyo ngayon!? iniisip nyo pa rin bang okay ako!? iisipin nyo pa rin bang matino ako after ne'to? diba hindi!? ngayon pa nga lang pinapatunayan nyo na!! pag sinabi kong totoo sya! totoo sya!! hindi ako siraulong tao alam nyo
yan! " saad ko.






" bakit naman hindi!?...... bakit naman hindi kami maniniwala sayo? okay ka para sa'min, walang mali sayo! hindi ka baliw sa paningin namin kaya wag kang mag-iisip ng ganyan! itigil mo lang 'to at babalik ang lahat sa dati! caloy.... please lang bumalik kana sa dati " sabat ni ayel.






may kung anong bagay ang tumusok sa dibdib ko after nyang sahihin yan






" wag mong sarilinin lahat ng yan caloy! para saan pa't naging friend mo kami diba? hindi kami nandito just to judge you, we're here because we want to help you..... friends nga
diba? " gatong ni aie.





I've met your SOULHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin