CHAPTER 9

282 9 0
                                    

CALOY'S POV





" kamusta na po kayo lola? " masigla kong bati sa pasyente kong si lola rose.






una kong nilapitan ang dextrose nya para e-adjust ng bahagya.







" okay naman na ko doc, salamat sa pag aasikaso sa'kin " nakangiti nyang tugon.







" mabuti naman ho, sundin nyo lang po lahat ng sasabihin ko para tuluyan na kayong gumaling ha! " sagot ko.







hindi naman mahirap sa'kin ang makisama sa mga pasyente ko, kasi tinuturing ko na rin  silang parang totoo kong pamilya.







" matatanggihan ba kita doc? pag ngumiti ka nalalag-lag panty ko " pagbibiro nya na ikinatawa ko.






iba rin ang joking skills ni lola hahahahaha! kakaiba ring bumanat







" naku! mukhang magaling na kayo ah! nakakapagbiro na kasi eh! " saad ko.







" laughter is the best medicine doc, yan ang bilin nyo hindi ba? " natatawa nyang sabi.







she was 70 years old and sobrang cool lang ni lola, napaka-masiyahin. no doubt kung bakit mabilis ang recovery nya.






mas gusto ko yung ganitong patient kasi mas magaan dalhin. yung tipong hindi mo na poproblemahin pati yung pagpapatawa sa kanya, hindi kana mag-iisip ng way para gumaan yung pakiramdam nya, para hindi sya madepress sa pinagdadaanan nya






" tama po yan! so, paano po? kakausapin ko muna yung apo nyo ha! pahinga na po muna kayo and!! susundin nyo lahat ng bilin ko para tuluyan na kayong gumaling, kasi walang lasa ang mga pagkain dito " natatawa kong sabi sa kanya at tinangkang lumabas ng room, pero nagulat ako nang muli nya akong tawagin.







" doc! " singhal nya.







" yes po? " nagtataka ko namang tanong.








napansin ko ang pagiging seryoso ng mukha ng pasyente ko this time, kaya medyo nagtaka naman ako.







" may masakit ba sa kanya? " taka kong sabi sa sarili







" marunong akong manghula, gusto mong hulaan kita? " saad nya, tsaka sya ngumiti sa'kin.








nagpapalambing lang yata si lola ahh! hahahahaha







" naku! ikaw talaga lola! kinabahan naman ako sayo, pero sige nga po hulaan nyo nga ako " pang-aasar ko sa kanya as i walked towards her.







" akin na ang mga kamay mo " seryoso nyang sabi, iniabot ko naman agad ang dalawang palad ko.








halos ilang minuto nya na ring tinititigan ang mga kamay ko, medyo naiinip na ako and inaalala ko yung iba kong pasyente, kailangan ko rin silang asikasuhin.








" ah? lola matagal pa po ba yan? " mahinahon kong sabi.








" sandali nalang to doc " she said.
napabuntong hininga nalang ako dahil sa sagot nya, but sobrang hina lang no'n! yung tipong ako lang ang nakapansin.







" gusto mo lang yata hawakan ang kamay mga ko lola eh! " pagbibiro ko ulit.








masyado na kasi syang seryoso sa ginagawa nya. though hindi naman talaga ako naniniwala sa mga hula, kasi wala pa namang proof na nagiging totoo ang mga ito and more on scientific explanation kasi ako








I've met your SOULWhere stories live. Discover now