Chapter 5

16 1 0
                                    

#whileyouaresleeping

"Masarap ba? " tanong ni Marco nang matapos na silang kumain.

Tila sinadya ng binata tanungin kahit pa nga halata naman sa pinagkainan nila na nasarapan ang dalaga dahil lahat ay naubos niya.

Sabagay bukod sa trabaho niya ay pagkain ang isa pa sa kinaaadikan ni Leann.

Tumango nalang ang dalaga.

Pagkatapos kumain ay nag enroll na nga si Leann sa workshop. Pinili niya ang pinaka mabilis matapos na workshop and it's three sundays.

Pagkatapos mag sign up ay hinanap na niya ang kanyang kasama. Nahanap niya ito kausap ang isang Ginoo na may katandaan na din ang edad.

Dahan-dahang lumapit siya sa dalawa while trying to listen what they're talking about.

Tila dereksyon ang pinag uusapan nila dahil may ginagawa pang pag demo ng daan ang matanda. Lumapit pa ulit siya para malinaw na mapakinggan.

"iyon na hijo ang pinakamalapit na hotel dito. " ani ng kausap ni Marco.

Hotel??!

Nagpasalamat na ang binata at saka nagpaalam na para hanapin sana ang kanyang kasama, laking gulat niya nang makita ito sa likuran niya.

"kanina ka pa diyan? "

"oo" mabilis na sagot niya. "Hotel? bakit ka nag hahanap ng Hotel? sinasabi ko na nga ba may masama kang balak kaya dinala mo ako dito. Kung ano man yang binabalak mo sinasabi ko sayo hindi ka magtatagumpay, " mabilis na protesta ni Leann na nakataas pa ang isang kilay.

Tumingin si Marco sa paligid kong may nakakarinig sa sinasabi ng kaharap niya. Wala naman tao sa paligid nila dahil sila na ang huling costumer na hinihintay matapos, para makapagsara ang nasabing kainan.

"let's go Leann. " aya ng binata.

"Sabihin mo muna kung saan tayo pupunta bago ako sumakay sa motor mo. Baka kung saan mo nanaman ako dalhin. "paninigurado ng dalaga.

"gusto mo talaga malaman? "nakangiti nitong tanong.

Heto nanaman po siya. Huwag mo ako madaan-daan sa mga ngiti mo na iyan.

"come here. " aya nito

Sumunod naman ang dalaga. Tinatahak nila ang daan palabas, unti-unti nakakarinig si Leann ng mga patak ng ulan mula sa labas.

Doon lang niya napagtanto na malakas ang buhos ng ulan.

"Gusto mo ba bang umuwi at pareho tayong magkasakit?" tanong nito.

Hindi nakasagot ang dalaga.

Ano ba naman yan?!

Mula sa kinainan nila ay sinugod nila ang itinurong Hotel ng nakausap ni Marco. Malapit nga lang iyon ngunit dahil sa lakas ng ulan ay nabasa padin sila.

Patakbong tinungo ng dalawa ang entrance ng Hotel. Hindi gaanong elegante ang bahay-tuluyan na napuntahan nila ngunit tila maraming umookupa dahil halos walang mapagparadahan ang motor ni Marco.

Agad hinubad ni Marco ang suot niyang bomber jacket at isinuot sa dalaga nang mapansing bumabakat mula sa manipis nitong puting pang-itaas ang kanyang damit pangloob.

Kahit pa nga malamig ay tila nag-init ang pisnge ni Leann sa ginawa ng binata.

Nauna pumasok si Marco at sumunod lang siya dito.

"Magandang gabi po. " bati ng binata sa Ginang na nasa Information desk, na halos katatapos lang kausapin ng isang grupo ng kalalakihan na nauna sa kanila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

YOU ARE THE REASON Where stories live. Discover now