BT23

2 1 0
                                    

Nag iinit pa rin ang pisngi ko hanggang ngayon dahil sa nangyari kanina. Matapos ng nangyari ay bigla nalang siyang umalis sa kwarto namin at dito na kami nagkita sa dining.

Naka pangalumbaba ako habang nakatingin kay Zach na nasa harapan ko. Nakahilig lang siya habang nakakrus ang braso at sa pagkain nakatingin.

Maingay na nag kwekwentuhan sina Ana sa tabi ko habang may sariling mundo naman kami ni Zach.

Sinipa ko siya sa paa para makuha ko ang atensyon niya. "Babe."

"Babeee."

"Babyy."

"Babe naman eh."

"Babe sorry na. Kasalanan mo rin naman eh."

Kung di ba niya hinawakan ang ano ko basta yun eh hindi siya mabibitin.

"Babeee. Di mo na ako pinapansin, di mo na ako love?" I made a puppy eyes on him.

"Baby, I love you." Tuluyan na siyang napalingon dahil sa sinabi ko.

Sino ba namang hindi? Siya na nga tong sinusuyo eh. I love you lang pala katapat, rurupok na.

"Kadiri niyong dalawa. Yikes, maglalandian na nga lang kayo dito pa talaga sa kainan."

"Andaming single dito. Baka naman Alam niyo yung salitang respeto ano?"

"Sanaol may jowa."

"Tama na munang landian okay? May mahalaga tayong pag uusapan ngayon. So please! Be cooperate guys." Panimula ni Vireyland.

Natahimik naman kaming lahat habang nakikinig sa kanya. Tungkol siguro ito kay Mr and Mrs Cicero na dadating mamayang gabi. Sino kaya sila? Siguro intimidating din sila. Apelido palang makamandag na.

"Let's all prepare and design everything. Hindi na tayo mag papacater dahil maraming namang magaling magluto rito. I just need someone who knows how to design the venue? Anyone?" Cecelia said. One of the girls here in the agency.

Sabay sabay naming tinuro ni Ana si Elgin at Rian. They're two into designing when they where still in college. Wala ng problema.

"It's settled."

Nagpatuloy kami sa pagkain at agad na silang nagsimulang mag ayos ng garden dahil ito ang may magandang view sa gabi. Nanonood lang ako sa kanila habang nag susuggest ng ibang design. May alam naman na ako sa ganito. Konti nga lang. Hindi na nila ako pinatulong dahil may sugat pa raw ako, weeks na nga ang nakalipas eh.

"Guys!" Deagon clapped his hands to get our attentions. "Mrs. Cicero e-mailed the agency that she will be coming with his two sons and husband of course."

Bakas naman sa kanilang itsura ang pagkasabig pagka banggit palang ng 'twos sons'. Hmm I can't wait to meet them.

"Babe sino ba sila Cicero?" Hindi ko na mapigilang magtanong sa kanya.

"You will meet them later babe. They're family is kind. Well except to the older son. He had those icy aura." He shrugged.

"Nakita mo na ba sila dati?"

"Of course. Many times babe." He kissed the side of my head.

"Wala akong damit. Biglaan naman kasi to eh." Napakamot ako sa kilay ko.

"Meron na babe. Nandoon na sa kwarto ang gown mo."

Hindi na nasundan pa ang pag uusap namin dahil naging busy na siya habang busy naman ako sa pagkain. Sarap ng mango float nila. Isang Tupperware na ata ang naubos ko.

Borrowed TimeWhere stories live. Discover now