BT16

1 1 0
                                    

"Hey, your brother was here and asking where are you. He was fuming mad when I see him. Did you too fight?"

Napatigil ako sa pagkain dahil sa sinabi ni Ana. Punyemas, ba't ba galit na naman si kuya sa 'kin? Dahil na naman ba 'to Kay Zach?

"Pupunta nalang ako mamaya sa bahay para kausapin siya. The last time we talked is about Zach. Gusto niyang layuan ko si Zach." I just shrugged and continue eating.

"Why? Ayaw ba niya kay Zach? O may history sila? O magkaaway?" She asked.

"I don't know. I'll just figure it out later." Uminom ako ng tubig at agad nabulunan dahil sa sinabi ni ana.

"Baka may relasyon sila dati, tapos hindi pa naka move on si kuya Hester kaya ka niya inuutusan na layuan si Zach dahil may balak siya----Aray ko!" Binatukan ko agad siya at tinaasan ng kilay.

"Siraulo ka ba? Ang lawak rin ng imahinasyon mo 'no? Tumigil ka nga." Inismiran niya lang ako at bumulong bulong.

Pagkatapos kong kumain ay pumunta na agad ako sa kwarto ko at naligo dahil may trabaho pa ako. Nag suot lang ako ng stripe tube dress na pinatungan ko ng denim jacket and I paired it with black heels. I was busy blow drying my hair when Ana entered my room.

"Wow, saan ka pupunta ate'ng? Parang di magtatrabaho ah? Bagets na bagets ang dating." Umupo siya sa kama ko at tinignan ako.

Tinaasan ko naman siya ng kilay, hinihintay na magsalita. "Ano?"

"Sasama ako sayo mamaya. Bibisitahin ko lang si tita at tito..... Hmm pati na rin pala si Lake." Aniya at humagikhik.

Anak ng....

"Sabihin mo nalang na si kuya Lake ang ipinunta mo, 'di yung idadamay mo pa si mama at papa. At tsaka hoy! May Bodhi ka na. Ang landi mo." Tumayo na ako at kinuha ang bag bago lumabas.

"Hindi ko sila lalandiin tanga! Sasabihin ko lang sa kaniya na hindi ko na siya crush, para naman aware siya." Sumunod naman siya sa 'kin hanggang sa kotse ko.

"Kailan mo pa bang sabihin yun? Assuming to, kala mo naman crush ka niya, hindi ka niya crush oy! Kapal ng apog mo 'te." At inirapan ko siya.

Tinawanan lang niya ako at sumakay na sa shotgun seat.

"Pinakilala na 'ko ni bodhi sa parents niya." Sabi niya habang tutok sa cellphone.

"Seryoso ka?" Mas naunsa pa sila sa amin ah. "Oh kamusta? Okay naman? Hindi ka ba nila inapi or something?"

"Okay naman ang magulang niya. Though ayaw ng ate niya sa 'kin, lagi akong iniirapan. Ewan ko ba dun. Parang tanga lang." Tumango lang ako sa sinabi niya at hindi na nagkomento pa.

Pagdating ko sa office ko ay sinalubong kaagad ako ng medyo matanda lang sa 'kin ng ilang taon at nginitian ako. Sinundan niya ako hanggang sa makarating ako sa loob and I sat in my swivel chair.

"I'm Krystal Jane Savani ma'am. 26 years old. Graduated in major of BS in management. I'm your secretary po, si sir Hester po ang nagpadala po sa 'kin dito." Pagpakilala niya.

OooOw so I have a secretary.

"Take your seat." I smiled at her and motion her to seat.

"May tatlong meeting po kayo ngayong araw ma'am. 10 am at the conference. 1am sa isang restaurant po. And last 5am sa office po ni sir Hester." She announced and I'm almost muttered a curse when I heard kuya Hester's name.

"Ba't kasali si kuya Hester sa imeeting ko Krys? Ano bang Sabi niya?" Tanong ko.

"Yun po yung sabi niya ma'am eh. May pag uusapan daw po kayo. Mukhang galit ho ma'am eh." Aniya at ngumiwi.

Borrowed TimeWhere stories live. Discover now