Prologue

15 5 0
                                    

Nakaub-ob ako sa table ng upuan ko at nakapikit ang mga mata .Kahit saglit gusto kong makaidlip tinatapos ko yung isang story ng wattpad kagabi eh.

"hoy Selez tara na magre-recess" inuga ako ni Alyena ng marahan . Peste naman kakaub-ob ko lang eh

"hmmm magpabili nalang tayo ayokong lumabas eh" sambit ko ng hindi sya tinutunghayan

"Dali na ililibre kita pero-" di pa sya natatapos ay tumayo na ako at inayos ang medyo nagulong buhok

"yan dyan ka magaling eh pag libre" nakangiwi sya

"hehe naman , nasan sina shella?" sabay lingon ko sa katabi kong upuan kung saan nakaupo si shella .

"umuna na iniwan tayo natutulog ka eh ,, pagkatapos nating bumili samahan mo ko kay kuya bibigay ko baon nya na sakin eh" sabi nya habang kinukuha ang wallet sa bulsa ng kanyang bag. Mas lalo akong ginanahan na sumama sa kanya kasi crush ko yung kuya nyang si Jake

" sige ba hehe" kinuha ko narin wallet ko , syempre hindi ko lahat iaasa sa kanya ang pang recess ko

Sabay naming kinuha ang sapatos namin sa shoe rack ng girls ,oo may shoe rack kami hindi ko alam kung merong shoe rack sa private di pa kasi ako nakakapasok sa private schools , basta ang alam ko lang sa buong campus namin ay kami lang ang meron nun .

Nakita ko ang sapatos ko , habang tinititigan yun ay tinatamad akong suotin sikip pa kasi at may panali pa .Kaya lumipat ako sa shoe rack ng mga lalaki at pumili ng maluwang na sapatos .Lumabas kami ni alyena at nagsapatos sa may corridor

" Alam kong sasamahan mo ko kahit di kita ilibre dahil kay kuya pero medyo malaki baon ko ngayon kaya ililibre kita , sa canteen 1 na tayo bumili para diretso na sa building ng mga grade 10"

Ganun ang ginawa namin ,dumiretso kami sa canteen 1 .Hinila nya ako sa nakahilerang sandwiches at burgers . Hinarap naman kami ng tinderang nakataas na agad ng kilay saamin , Bat ba ang susungit ng mga kupal na tindera dito kala mo kung sino mga guhit naman ang kilay 'burahin ko yan'.

"bilis madami pang bibili" ani nya nginiwian ko nalang sya ng patago

"ano sayo ?, flying saucer sakin" kumuha sya ng isa non at kumuha ng 500 pesos sa wallet nya

" ako din dalwahin mo na" kumuha pa sya ng isa at inabot ang pera sa tindera at sinuklian sya .

"Tara na kay kuya " lumabas kami don .Ng nasa hallway na kami naglalakad patungo sa building ng kuya nya ay yumuko ako at niladlad ang mahaba kong buhok ,sinakop ko yun at tumunghay at pinulupot para ma-i-bun kahit walang pamuyod

" sobrang haba ng buhok mo kelan ka huling nagpagupit" tanong ni alyena

"hindi ako nagpapagupit ng mahaba ayaw nina mama at papa, pag nagpapagupit ako ay pinapantay lang yung dulo" sabi ko habang inaayos ang sarili . Inayos ko ang necktie ko , pinagpag ko ang palda ko kung may gabok ba, at inayos ang uniform , syempre pupunta ako kay jake

" ahh kaya pala ang ganda ng buhok mo ang haba pa ang tingkad ng pag ka itim at makapal ang bawat hibla " aniya sabay kuha sa braso ko at pinagcross ang mga braso namin

Totoo yun mahaba ang buhok kong hanggang pwet ko na , sobrang inaalagaan to ni mama . Hindi ko pa naranasang magparebond o kahit anong hair treatment .kahit na shampoo conditioner ay di pa ako gumagamit ,kasi tinatamad ako maglagay ni pag sukla'y nga'y bihira kong gawin .Mabuti nalang at malambot ang buhok ko .

Kaya laking pasalamat ko sa buhok ko feeling ko kasi ay napapansin ako ng mga tao dahil sa kanya ,dahil sa kanya feeling ko ang famous ko dahil maraming napapalingon sa akin haha

Pumunta kami sa classroom ng kuya nya .Nakita naming may sinusulat sya at ang mga kaklase nya kaya di kami napansin kahit nasa may pintuan na kami . Nakita ko ang teacher nila si maam Rhea na nasa unahang table at may tinitingnan sa loptop . Kumatok ako sa bukas na pintuan kasi alam kong mahiyain si alyena kaya nga ako ang sinama nya eh . Tuloy lahat ay nag angat ng tingin sakin

" yes Marcial" sambit ni Maam sa apelyido ko.

" maam excuse po kay Guerrero" nahihiya kong sambit

Binalik ng mga babae ang tingin sa mga ginagawa nila , ang ilang mga lalaki naman ay naiwan sakin ang tingin . Tumayo si jake at medyo umatras na rin ako para pumunta sa corridor ,nasa likod ko naman si alyena.

Nagdirediretso si jake at di ako pinansin . Tch snob . hinarap nya lang si alyena ako naman ay napatitig nalang sa kanya . Matangkad sya , singkit ang mga mata , makakapal ang mga kilay at hindi matangos o pango ang ilong sakto lang hehe. Athletic ang katawan nya , yung karaniwang katawan ng basketball player , sabagay di na ako magtataka varsity sya ng basketball namin at ng sepak takraw , naglalaro din sya ng volleyball .Isa yun sa mga nagustuhan ko sa kanya at higit sa lahat matalino sya section A eh , at magaling gumuhit dream job daw nya ay engineer . Oh di ba ideal man talaga haha . Suplado nga lang bihira ko kasi syang nakitang ngumiti

Ng naramdaman nya ang titig ko ay nilingon nya ako at pinagtaasan ng kilay ,kaya napayuko ako . Binaling nya kay alyena muli ang tingin na di magkanda ugaga sa pag kuha ng pera sa wallet dahil sa dalawang tinapay kinuha ko yun sa kanya . Humugot sya ng 200 pesos at inabot sa kuya .

"hintayin mo ko sa gate mamaya" sabi ni jake sabay talikod at bumalik sa upuan .Kumatok muli ako sa pintuan

"maam thank you po" tumango lang si maam

Agad kaming nakabalik ni alyena sa room .Umupo ako sa upuan ko ganun din si alyena at sinimulan ang pagkain sa tinapay .

" san kayo galing " sambit ni shella na katabi ko

" sa canteen"

" ahh hinahanap ka ni kian eh "

" bakit daw " nagtatakang tanong ko

" ewan"

Hindi ko na sya pinansin at tumingin sa labas .Dahil ako ang nasa pinakamalapit sa pintuan sa likod . Nasa first row ako , last line at last line din sa kanan.Gets??

Pinanuod ko ang sahig ng corridor namin na sobrang kintab kaya kami lagi ang nananalo sa mga merong pinaka magandang classroom at pinaka malinis . Napatigil ako sa pag nguya ng may umapak sa sahig naming magandang sapatos rubber shoes na may check kulay itim nag angat ako ng tingin para malaman kung sino yun ngunit kulay nalang ng damit ang nakita dahil lumampas na sya , kulay dark blue yung t shirt nya. Kasunod nya ay ang mga babaeng galing sa ibat -ibang grade nahahagikgikan pagkatpos non ay narinig ko na lang ang tili ng mga babae sa mga katabing room namin .Kahit yata hindi namin katabing classroom ay maririnig mo ang tili ng mga babae.

Sino kaya yung dumaan?

NEVER BEEN CONFUSE ( ms ajjzzzz )Where stories live. Discover now