1

1 0 0
                                    

October 31, 2000

Ang araw noong ako'y isinilang ng aking ina. Nag-iisa lang akong anak ng aking mama at papa. Pero pakiramdam ko hindi. Pakiramdam ko may mali. Pakiramdam ko may kulang sakin.

Sabi nila, malas daw ang birthday ko dahil araw daw 'yon ng mga patay. Iyon din ang akala ko nung una, dahil simula nung pinanganak ako ay sari saring sakit ang dumapo sa akin. Ngunit ang sabi nila mama ay tumigil na ito noong sumapit ang ika-pitong taon ko.

"Ikaw ang pinaka magandang nangyari sa buhay namin paralee". Ilang beses ko ng narinig 'yan na sinasambit ng magulang ko.

Patuloy nilang sinasambit ng sapat na ako sa mga biyayang natatanggap nila.

" Ang sabi nila mahiwaga daw talaga 'yon"

" Saan mo na naman ba napulot 'yang kwento na 'yan hah Anton?"

"Ayaw mo kasi maniwala sakin e! Totoo nga! Narinig kong nagk'kwentuhan sina tatay at aling mimi!"

"Seryoso ka ba Anton? Kung ganon totoong may dalawang dalaga ang mababago ang kapalaran sa oras na mabasa nila ng sabay ang salita na 'yon?"

" Oo nga! Ang kulit mo naman e.

Ang ingay! Ano ba 'yon? Ang sakit ng ulo ko, mukang mabibitin na naman ako sa tulog.

"Hoy Anton, Amil! Ano bang pinaguusapan nyo at kailangan pang sa tabi ko hah? Nakita nyo'ng natutulog yung tao e".

" Hala ate sorry nagising ka ba namin?

"Malamang amil, kaya nga nakapagtanong e, ang engot mo naman!"

"Haynaku! Kayong dalawa talaga"

Ahh parang binibiyak yung ulo ko talaga. Ayaw na ayaw ko talaga ang nabibitin sa lahat ng bagay e.

"Eh,ano bang pinag uusapan nyo't mukang seryosong seryoso kayo?"

Aba't! Nagkatitigan pa. Mukang walang balak sabihin hah

"Ano kasi ate e an..

" Wala yun ate matulog ka nalang ulit aalis na kami hehe".

Ahhh ganon? Pagkatapos nyo akong gisingin di nyo sasabihin sakin? Sayang naman pagka chismosa ko noh! HAHAH

"Ganon ba? Sige, may naitabi nga pala kong chocolates kahap--"

"Ate! Ate! Tungkol yon sa mahiwagang libro"

"Ba't mo sibabi Amil? Ikaw nga ayaw maniwala kanina, si ate lelee pa kaya!"

Ano daw? Mahiwagang libro? Aba't mga batang to nerd ng may pagka chismoso

"Anong libro 'yon Anton? Saan mo narinig yan?

This time, nakuha ko atensyon nila. Curious lang din ako sa libro na mahiwaga kuno na yon.

"Narinig ko kasi ate sina tatay na nag kw'kwentuhan tungkol sa libro na 'yon. Diko naman sinasadya marinig pero kasi muka silang seryoso e."

Seryoso? Sina Tito sa isang libro? Diko alam kung matatawa ba 'ko o ano.

"Talaga Anton?kelan mo narinig yan? Baka gawa gawa mo lang e" pabiro kong sabi habang iwinagawayway ko ang tsokolate sa harapan nila.

"Oo nga ate! Ako din nung una di naniwala e. Muka namang nagsasabi ng totoo 'tong si Anton e".
Paliwanag ni mael habang naglalaway sa tsokalateng nang aakit sa kanila.

Gusto ko tumawa ng malakas! Mukang iiyak na e. Pero, tungkol do'n sa libro?

" Hoy ate! Amin na, yung chocolate namin!" biglang agaw sa kamay ko ni mael.

Naisahan na naman ako dun ah. Para sa kanila naman talaga yun e. Pero, tungkol sa libro? Bakit parang may nag uudyok sa akin na hanapin yon?

Pakiramdam ko masasagot lahat ng katanungan ko sa oras na makita ko yon. Libro? Mahiwaga.


ArcanumWhere stories live. Discover now