"Oo naman! Ang ganda-ganda nitong batang ito oh!"

Ngumiti ako sa kanya. Medyo nahihiya ako dahil parang sumobra naman ang kanyang papuri.

"That, Nay," Heze said and shifted his gaze towards me. Napatingin din tuloy ako. "...is where I totally agree."

Namula ako. Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Di pa ba tayo papasok?" palusot ko.

Humalakhak si Heze dahil saaking pagliko.

"Okay, boss." Lumingon siya saamin sa dalawa na pinapanood lang kami. "Pasok na tayo, Nay."

Hila niya ang aking bagahe at nasa balikat naman niya ang kanyang backpack. Noong nakita niya pa iyon noong una ay hindi niya napigilang itanong kung balak ko na daw bang hindi bumalik.

Duh? I'm a girl!

We are in their private villa in Batangas. Actually gusto niya pa nga sa mas malayong lugar pero hindi ako sumang-ayon dahil in case lang naman na kailanganin naming bumalik, mas magiging madali kapag nasa malapit lang kami.

Malawak na tanggapan ang bumungad saakin. The receiving area extends on the second floor through a high ceiling. The whole place is very cozy with a touch of wood brown in most parts and some with different shades of brown. Most walls are also glass.

Agad na natuon ang pansin ko sa grand piano na eleganteng nakapwesto sa hindi kalayuan sa receiving area. Napangiti ako. Mayroon ding ganon sa mismong mansyon nila. Heze loves and is very good at playing it.

"Is it real?" tanong ko kay Heze at tinuro ang mga halaman sa loob ng bahay. All of it is placed beautifully that gave a really nature-inspired ambiance in the place.

"Yup..." sagot ni Heze na kanina pa pala ako pinapanood habang inililibot ko ang aking tingin.

"I love your house!" I excitedly said while squeezing his arms in delight.

Narinig ko ang malakas niyang halakhak. Hinawakan niya ang aking kamay at hinila ako kung saan. Nagpadala nalang ako sa kanya dahil hindi pa naman ako pamilyar sa bahay.

My jaw dropped when we stopped in front of a glass wall overlooking their big pool with the beach as it's background. Literally.

It's so beautiful like a freaking paradise.

"Heze!" I called him, speechless of what's in front of me. Narinig ko ang halakhak niya ganon din ang kay Nanay Luz na nakasunod saamin.

"Approve ba, architect?" bulong niya saakin.

"Are you kidding me? It's heaven!"

He laughed again as he put his arms on my shoulder.

"I cannot wait to show you the sunset baka sabihin mo wag na tayong umuwi." He chuckled.

Sunod niya akong dinala sa aking kwartong titigilan habang nagpaalam naman si Nanay Luz kasama si Lia upang ayusin ang hapag-kainan.

"Are you sure, you're okay here?" tanong niya saakin.

Katulad ng ambiance sa baba ay ganon rin dito. The floor is made of hard wood. Pawang mga kahoy din ang mga kagamitan. Nasa gitna ang isang queen-size bed na may puting bed sheets. There are still plants inside. Seriously? Sobrang daming halaman sa bahay na to!

"Yep."

"Ayaw mo talaga sa kwarto ko?"

Sinamaan ko siya ng tingin at binato sa kanya ang unan na agad kong nahagip. Natatawa niyang sinalo iyon.

"Tumahimik ka!"

"Uy di tinanggi..." asar niya at lumapit sa akin habang hawak ang unan.

"Gago."

Every Step AwayWhere stories live. Discover now